Ang Alamat ng Buwan Flipbook PDF

Ang Alamat ng Buwan

67 downloads 100 Views 44KB Size

Recommend Stories


DELTA NG RANGE GAMA DELTA NG DELTA NG 30 DELTA NG 35 DELTA NG 45 DELTA NG 60 DELTA NG 80 DELTA NG 110 DELTA NG 150 DELTA MDP150 DELTA MR400
DELTA NG RANGE | GAMA DELTA NG DELTA NG 30 DELTA NG 35 DELTA NG 45 DELTA NG 60 DELTA NG 80 DELTA NG 110 DELTA NG 150 DELTA MDP150 DELTA MR400

300 y BOEING NG
MODELO DE MANTENIMIENTO PARA LA MEJORA DE LA DISPONIBILIDAD DE LA FLOTA DE AVIONES DASH8-100/200/300 y BOEING 737-700 NG. JAVIER ALFONSO CAMACHO GONZ

230mm OOR HAA ORA ANG. mm TR
W WPST 2 AN NGLE GR RINDER STAND S 1 180/230 mm SU UPPORT POUR MEULEUS M SE D'ANG GLE 180/ /230mm ST TAND VO OOR HAA AKSE SLI IJPMACH HINE 180 0/230mm

TUTORIAL DE VUELO BOEING NG
TUTORIAL DE VUELO BOEING 737-800NG Antonio de Castro ALZ150 IVAO 170017 This work is licensed under the Creative Commons AttributionNonCommercial-NoD

Story Transcript

Ang Alamat ng Buwan Noong Unang panahon, sa isang nayon, ay naninirahan ang isang mag-anak. Sila ay may dalawang anak, si Lana at si Luna. Si Lana ay isang magandang dilag, siya ay masipag at mabait, lagi siyang tumutulong sa kanyang mga magulang at talagang hinahangaan siya ng lahat. Samantala, si Luna naman ay pangit at tamad, madalas niyang sinisigawan ang kanyang mga magulang kapag hindi nila naibibigay ang mga gusto niya, madalas din syang nakakaramdam ng inggit sa kanyang kapatid sapagkat walang nagkakagusto sa kanya. Isang Araw, habang nagtatrabaho ang mag-anak maliban kay Luna, ay dumating ang anak ni Haring David na si Prinsipe Lucas. Si Prinsipe Lukas ay isang gwapo, mabait, at makisig na lalaki. Maraming babae sa nayon ang nagnanais na maging kasintahan siya ngunit wala ni isa sa kanila ang nakaakit sa prinsipe. Nagtanong si prinsipe Lucas kay Lana ng daan para makapunta sa palengke ng kanilang lugar. Isang beses pa lamang kasi nakakapunta si Prinsipe Lucas sa nayon dahil nanirahan siya dati sa lugar kung saan nanganak ang kanyang ina at doon din lumaki. Agad na naakit si Luna sa prinsipe dahil sa ugali at panlabas na anyo nito, dahil dito ay nagpakitang-gilas naman si Luna ngunit hindi niya nakuha ang atensyon ng prinsipe na patuloy na nakikipag-usap kay Lana. Halos araw-araw nang bumibisita si Prinsipe Lucas sa bahay nina Lana at Luna, nang yumaon ay parang nagkakaroon na ng magandang pagsasama si Prinsipe Lucas at Lana na napansin kaagad ni Luna, noon niya napagtanto na gusto pala ni Lana si Prinsipe Lucas, ang unang lalaki na kanyang nagustuhan. Dumaan ang mga taon at nagkaroon din ng magandang pagsasama si Prinsipe Lucas at Luna, ngunit, hindi niya akalaing lalo pa niyang kaiinggitan at kaiinisan ang kanyang nag-iisang kapatid. Nagpakasal sina Prinsipe Lucas at Lana na nagpasira sa puso ni Luna, buong gabi siyang nagluksa at umiyak at pinipilit na isa lamang itong panaginip, wala na siyang magagawa dahil alam naman niya, dati pa, na wala siyang laban kay Lana. Nang mga oras na yun ay pumunta si Luna sa bahay ng mangkukulam sa nayon nila, naiinis siya sa kanyang kapatid at wala na siyang magagawa dahil isa nang ganap na prinsesa si Lana. Gusto niyang akitin ang lahat ng tao sa kanilang nayon kaya naman ay wala nang makapipigil sa kanya. Pumasok siya sa bahay ng mangkukulam at kinausap ito. “Gusto ko maging maganda, yung mas maganda pa sa kapatid ko, gusto ko yung tipong pag dumaan ako ay nasa akin ang atensyon ng lahat” Sabi ni Luna na nagbigay ng ngiti sa mangkukulam. “Hayss ganito ba talaga ang nagagawa ng inggit at galit? Sige, kung iyan ang nais mo, ibibigay ko. Ngunit, mayroon ka munang kailangang gawin bago ko tuparin ang iyong hiling. Kailangan mong makuha ang buhay ni Prinsipe Lucas, kapag ikaw ay nagtagumpay.. Tutuparin ko ang nais mo, kapag ikaw ay pumalpak.. Buhay mo ang kapalit. Gagawin kitang tagapagbantay sa gabi, hindi ko maipapangako na pagagandahin kita ngunit makukuha mo ang atensyon ng lahat ng tao sa nayon. Maliwanag ba?” Usal ng masamang mangkukulam.

Nagdadalawang-isip si Luna kung gagawin niya ba ito ngunit mas nanaig ang kanyang kagustuhan, pumayag si Luna dahil akala niya ay magiging madali ito at kahit na naguguluhan siya kung bakit kailangan niyang kuhanin ang buhay ni Prinsipe Lucas. “Bakit ba.. Kailangan kong kunin ang buhay ni Prinsipe Lucas?” Tanong ni Luna nang may pagtataka. “Dahil ang lalaking iyon ay isang diyos, mamamatay na ang kanyang ama kaya nakatadhana na sa kanya ang trono nito. Isipin mo ha, kapag namatay ang isang diyos ay maisasalin niya ang kanyang kapangyarihan sa tagapagmana, kung hindi natin makukuha ang buhay ni Prinsipe Lucas ay siya na ang mamumuno at hahatian niya ng kapangyarihan niya ang iyong kapatid, edi lalong lalakas ang kapatid mo kesa sa iyo, papayag ka ba don? Hindi diba?? Halos buong buhay mo, siya ang laging nangingibabaw, kaya ngayon, dapat hindi mo na siya hayaang mataasan ka. Tsaka isa pa, kapag nakuha na natin ang kapangyarihan ni Prinsipe Lucas, tayo na ang mamumuno sa buong nayon, syempre kasama kita kasi ikaw ang kukuha sa buhay niya, kapag nangyari yun pwede mong utus-utusan yung kapatid mo tapos maaakit mo na lahat ng tao sa nayon. Yun yung gusto mo diba?” Nagustuhan ni Luna ang plano ng masamang mangkukulam kaya pinangako niyang kukuhanin nya ang buhay ni Prinsipe Lucas. Bago umuwi si Luna ay may ibinigay na bote ang mangkukulam kay Luna. “Ilagay mo ito sa inumin ni Prinsipe Lucas kapag nagkaroon ka ng pagkakataon na makasama siya, siya ay manghihina hanggang sa mawalan ng hininga sa oras na mainom nya ito. Ang trabaho mo ay hanggang bukas lamang ng tanghali, kaya pagbutihin mo.” Usal ng mangkukulam Umuwi si Luna nang may pagkasabik dahil akala niya ay matutupad na ang kanyang pangarap. Pagkauwi ay dumeretso kaagad si Luna sa kanyang kwarto. Pupuntahan sana ni Lana si Luna sa kwarto nya para kausapin.. Nang buksan nya ang pinto ay nakita niya si Luna na may hawak na bote na may lamang likido habang nakangiti. Tumayo si Luna upang itago ang likido nang makita niya na nakasilip si Lana. Agad niyang itinago nang palihim ang bote. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay kumatok ka muna?” Sabi ni Luna. “Gusto lamang kitang makausap, sabi kase ni Lucas, may darating na handaan bukas at inimbita ka niya, hindi ka daw kasi nakikisalamuha, at gusto ka narin daw niya makasama at makausap..” “Ah ganun ba, sige, pupunta ako bukas.” Nang lumabas si Lana ay laking tuwa ni Luna, nararamdaman na niya ang simoy ng hangin kasama ang matagumpay niyang plano. Kinaumagahan ay agad naligo si Luna upang mag-ayos. Sabi nya sa sarili na ito na daw ang huling araw na pangit sya. Pagkarating sa handaan ay agad na niyaya ni Prinsipe Lucas sina Lana at Luna na kumain. Umalis si Prinsipe Lucas at si Lana naman ay nasa kusina, sinamantala ni Luna ang pag-alis ni

Prinsipe Lucas, habang hindi pa ito bumabalik ay dali-dali niyang inilagay lahat ng likido sa inumin ng prinsipe. Pagkabalik ng prinsipe ay nagtaka siya ng makita niyang nakangiti si Luna.. Kumain na sila,, maiinom na sana ng prinsipe ang tubig na nasa kanyang harapan ngunit dumating ang chef at pinalitan ang tubig ng prinsipe dahil kaninang umaga pa daw ang tubig na iyon at baka may kung anong dumi na. Naiinis si Luna dahil hindi siya nakapag tira ni isang patak ng likidong binigay sa kanya. Hindi rin niya napansin na tanghaling tapat na, tapos na ang oras nya. Nagsimulang makaramdam ng pananakit ng loob si Luna, hanggang sa isang hindi imbitadong bisita ang dumating, ang Mangkukulam. “Narito ako upang kunin si Luna. Luna, hindi mo napagtagumpayan ang ipinapagawa ko sa iyo, kaya bilang kapalit, buhay mo ang kukunin ko..” Inilabas ng mangkukulam ang kanyang wand at itinutok kay Luna. Hirap na hirap sa paghinga si Luna, umiiyak sa lungkot si Lana at ang kanyang ina at ama dahil sa nangyayari kay Luna, hindi nila inakala na humingi siya ng tulong mula sa masamang mangkukulam. Noong oras ding iyo ay umalis ang mangkukulam at nawalan ng hininga si Luna… Hindi na siya naihabol sa ospital kaya’t binawian na siya ng buhay sa kaharian. Inilibing siya sa isang espesyal na libingan, at binantayan siya ni Lana magdamag. Kinaumagahan, purong katahimikan ang bumalot sa buong kaharian, lahat ng tao sa nayon ay nakiramay sa libing ni Luna.. Hindi siya iniwan ng kanyang kapatid at mga magulang dahil kahit patay na siya ay gusto nilang iparamdam na kasama pa rin niya ang kanyang pamilya. Nung gabi ring iyon… Nabulabog ang buong nayon sa nakita nila sa kalangitan. Isang malaki at puting bilog ang kanilang nakita, hangang-hanga ang mga tao dito, sadyang kaakit-akit ito at ubod ng ganda, napakaliwanag rin nito. Ngunit, habang tinititigan ni Lana ang bagay na ito ay napansin niya ang mga itim na bilog na nakapalibot rito. Natatandaan nya si Luna, si Luna ay may itim na bilog na nakakalat sa mukha niya dahil sa sunog,, nasunog kasi ang bahay nila dati at sinubukan ni Luna na iligtas si Lana. Muntikan ng mamatay si Luna dahil delikado ang kanyang ginawa ngunit salamat sa awtoridad at ligtas sila. Umiyak si Lana dahil sa pagkamatay ng kanyang nag-iisang kapatid pero dahil sa paglitaw ng kakaibang bagay na iyon ay nasiyahan siya dahil naramdaman niyang lagi paring nandyan si Luna, binabantayan sila. Gabi-gabi ay lumalabas ng bahay si Lana upang tingnan si Luna. Naisipan ni Prinsipe Lucas na bigyan ng pangalan ang bagay na iyon, dahil sa talinong taglay ni Lana ay nakaisip sya ng pangalan, Buwan. Nagtaka naman si Prinsipe Lucas kung bakit buwan ang ipapangalan kung pwede namang sariling pangalan nalang ni Luna? Dahil, baka matakot ang mga tao kapag nalaman nilang si Luna iyon, tsaka isa pa, baka layuan at iwasan ulit siya ng mga tao kapag nalaman nilang si Luna iyon. “Gusto ko siyang makasama ulit pero alam kong mas masaya na siya sa kalagayan niya ngayon.. Pero gusto ko lang iparamdam sa kanya na kahit anong anyo nya ay tatanggapin ko at mamahalin ko siya bilang kapatid ko.”

At doon nagsimula ang paglitaw ng buwan gabi-gabi, para pagandahin ang langit, magbigay ng liwanag, at iparating sa kanyang pamilya na kahit siya ay wala na, babantayan pa rin niya ito. ~Ang wakas~

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2025 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.