Ang Saranggola ng Kambal Flipbook PDF

Ang Saranggola ng Kambal

89 downloads 117 Views 4MB Size

Recommend Stories


DELTA NG RANGE GAMA DELTA NG DELTA NG 30 DELTA NG 35 DELTA NG 45 DELTA NG 60 DELTA NG 80 DELTA NG 110 DELTA NG 150 DELTA MDP150 DELTA MR400
DELTA NG RANGE | GAMA DELTA NG DELTA NG 30 DELTA NG 35 DELTA NG 45 DELTA NG 60 DELTA NG 80 DELTA NG 110 DELTA NG 150 DELTA MDP150 DELTA MR400

300 y BOEING NG
MODELO DE MANTENIMIENTO PARA LA MEJORA DE LA DISPONIBILIDAD DE LA FLOTA DE AVIONES DASH8-100/200/300 y BOEING 737-700 NG. JAVIER ALFONSO CAMACHO GONZ

230mm OOR HAA ORA ANG. mm TR
W WPST 2 AN NGLE GR RINDER STAND S 1 180/230 mm SU UPPORT POUR MEULEUS M SE D'ANG GLE 180/ /230mm ST TAND VO OOR HAA AKSE SLI IJPMACH HINE 180 0/230mm

TUTORIAL DE VUELO BOEING NG
TUTORIAL DE VUELO BOEING 737-800NG Antonio de Castro ALZ150 IVAO 170017 This work is licensed under the Creative Commons AttributionNonCommercial-NoD

Story Transcript

CONTEXTUALIZED LEARNING MATERIAL PARA SA ROMBLOMANONG MAG-AARAL NG KINDERGARTEN PAMBATANG KUWENTONG MAY GAWAIN Ang Saranggola ng Kamabal DEPED, SANGAY NG ROMBLON Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa Toolkit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Hinid inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa toolkit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Romblon Schools Division Superintendent: Maria Luisa D. Servando PhD, CESO VI Assistant Schools Division Superintendent: Mabel F. Musa PhD, CESE BUMUO SA PAGSUSULAT NG TOOLKIT Manunulat

: Lea M. Rosas

Illustrasyon ni

: John Lee V. Tumanon

District Evaluators

: Maria Teresa M. Famorcan

Content Evaluator

: Rowena M. Madeja

Language Evaluator

: Felipa M. Marquez

Layout Evaluator

:John Lee V. Tumanon

Tagapamahala sa Distrito : Joseph G. Menorca Tagapamahala sa Dibisyon: Maria Luisa D. Servando PhD, CESO VI Mabel F. Musa PhD, CESE Melchor M. Famorcan PhD -OIC-CID CHIEF Apryl C. Bagnate– Project Coordinator Ruben R. Dela Vega – LRMDS Head Leopoldo M. Mago Jr. - LRMDS Leona Lynn F. Famorcan -LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IVB,Schools Division of Romblon Office Address

:Brgy. Capaclan, Romblon, Romblon

Email Address

:[email protected]

Tag-init na naman kaya tanghali na nang nagising ang kambal na sina Omar at Oscar. “Wow! Ang ganda ng panahon ang sarap maglaro ng

saranggola”, wika ni Oscar.

Maaari mo bang iguhit kung anong panahon ang tag-init? Iguhit dito.

Natapos mo na bang sagutan ang unang gawain? Ngayon naman ay ipagpatuloy natin ang pagbabasa sa kuwento.

Niyaya ni Oscar si Omar. “Omar, halika gagawa at magpapalipad tayo ng saranggola”, wika ni Oscar. “Naalala mo pa ba yong itinuro sa atin ni itay?” tanong ni Omar. Nakalimutan ko na, Omar. Halika, tuturuan kita kung paano gumawa ng saranggola. Itinuro ni Omar ang mga paraan sa paggawa ng saranggola. Una, gumupit ng malaking hugis dyamante sa plastic. Pangalawa, idikit ang dalawang patpat sa gitna. Pangatlo, gumawa ng maikling buntot at ang pang-apat lagyan ng mahabang tali sa gitna. Mabilis na natapos ni kambal ang saranggola. Ngayon naman ay gagawa tayo ng saranggola ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tapos mamaya ay papaliiparin natin ito.. 1. Gumupit ng malaking hugis dyamante sa plastic.

2. Idikit ang dalawang patpat sa gitna. 3.Gumawa ng maikling buntot 4. Lagyan ng mahabang tali sa gitna.

Natapos mo na bang gawin ang iyong saranggola? Mamaya ay lalabas tayo at susubukan natin paliparin. Ngayon naman ay ipagpatuloy natin ang pagbabasa sa kuwento.

“Halika Oscar, doon tayo sa parang. Maganda doon, maaliwalas, maganda at malakas ang simoy ng hangin, doon siguradong lilipad ng mataas ang ating saranggola”, pahayag ni Omar.

“Inay, Itay! Maaari po bang pumunta sa parang? Gusto lang po naming maglaro at magpalipad ng saranggola. “Sige mga anak pero huwag kayong lumayo ha,” tugon ng kanilang ama na si Mang Osmon. “Opo, Itay “, sabay na sagot ng kambal. Magbihis muna kayo, sabi ni Aling Osang. Nagbihis muna ang kambal, suot ang t-shirt, short at tsinelas na bigay ng ninong nila at ang sumbrero na bigay ng ninang nila. Nagdala rin ang kambal ng ekstrang sando para pampalit kapag sila”y pagpawisan. Kung ikaw ay isa sa kambal, ano-anong kasuotan ang iyong isusuot? Gumupit ng larawan ng kasuotan na gusto mo at idikit sa bond paper. Ilakip ito sa module.

Natapos mo na bang gawin ang iyong gawain? Ngayon naman ay ipagpatuloy natin ang pagbabasa sa kuwento. Tumungo ang kambal sa parang bitbit ang kanilang makukulay na saranggola. Pinalipad agad nila ang saranggola. Mataas ang lipad ng saranggola ni Oscar. Napansin ito ni Omar at tila nakaramdaman ito ng pagkainggit sa kapatid. Humanap si Omar ng paraan upang mapahinto sa pagpapalipad ng saranggola si Oscar. “Oscar, parang tinatawag ka ata ni Inay’’, pag- iimbento ni Omar. Sa pag-alis ni Oscar ay palihim na sinira ni Omar ang saranggola ni Oscar. Sa pagbalik ni Oscar ay napansin niyang may sira na ang kaniyang saranggola. “Ikaw ba ang may gawa nito?”, tanong ni Oscar.

Napansin ni Oscar na malungkot ang mukha ni Omar habang nakatingin sa kaniya. Nahihiyang tumango si Omar. “Naiinggit kasi ako sapagkat ‘di hamak na mas maganda at mataas ang lipad ng iyong saranggola”, paliwanag ni Omar habang nangingilid ang luha. “Patawad Oscar”, wika ni Omar. “Huwag mo na itong uulitin ha?’’ “Opo! Oscar”, sabi ni Omar. “Hayaan mo gagawa ulit tayo ng panibago”, sabi ni Oscar. “Halika, tuturuan kita kung paano magpalipad ng saranggola”, sabi ni Oscar.

Mabilis namang natutunan ni Omar ang tamang paraan ng pagpapalipad ng saranggola. Ilang saglit pa ay nakangiti na si Omar habang nagpapalipad ng kaniyang saranggola. “Salamat Oscar!“, wika niya. Masayang-masaya ang kambal sa pagpapalipad ng saranggola. “Ang ganda at ang taas ng saranggola natin”, sabi ni Oscar. “Oo nga Oscar’’, mahangin kasi ang panahon ngayon sabi ni Omar. Labis ang kasiyahan na nadarama ng kambal na sina Omar at Oscar sa kanilang pagpapalipad ng saranggola, dala na rin ng magandang pakikisama ng panahon.

Kung ikaw si Omar gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Ngayon ay may babasahin akong pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng magandang pag-uugali at ekis (X) naman kapag hindi.

________1. Nagpaalam ang kambal sa kanilang magulang na sila’y maglalaro. ________2. Palihim na sinisira ng kanyang kapatid ang kanyang saranggola. ________3. Naiinggit sa kung anong mayroon ang iba. ________4. Inaamin ang nagawang pagkakamali. ________5. Humihingi ng paumanhin kapag nagkasala.

Natapos mo na bang gawin ang ikatlong gawain? Ngayon naman ay ipagpatuloy natin ang pagbabasa sa kuwento.

“Halika na umuwi na tayo, baka hinahanap na tayo nina Inay at Itay. Habang pauwi na ang kambal, biglang yumanig ang lupa ng malakas at palakas pa nang palakas. “Lindol! “ wika ni Omar. Naalala niya bigla ang Earthquake Drill na ginagawa nila sa Paaralan noong may pasok pa. “Oscar! Duck, Cover and Hold“, sabi ni Omar. Dali-dali namang ginawa ito ng kambal.

Bata, alam mo ba kung paano gawin ang pag Duck, cover and Hold? Ipagaya sa bata ang tamang Duck, Cover and Hold sa tulong at gabay ng magulang o guardian.

Nang huminto ang pagyanig, dali-daling lumabas sina Aling Osang at Mang Osmon sa kanilang bahay at pinuntahan ang kambal. Nang makita nilang ligtas ang kambal niyakap nila ito at sila’y nagpasalamat sa Diyos dahil ligtas ang kanilang pamilya sa nangyaring lindol.

Mga gawaing nagawa ng inyong anak sa pamabatang kwento na ito. 1. Pagguhit ng uri ng Panahon 2. Pagpili ng damit na isusuot na naaayon sa uri ng panahon 3. Nasusunod ang mga paraan sa paggawa ng saranggola 4. Nakikilala ang mabuting gawain 5. Natutukoy ang mga dapat gawin tuwing may sakuna/

kalamidad Value na napapaloob sa kuwento 1. Paggalang sa nakakatanda 2. Pagtanggap ng pagkakamali

3. Pagpapatawad 4. Pagiging matulungin Learning competencies sa kindergarten Tell and describe the different kinds of weather (sunny, rainy, cloudy) Identify what we wear and use for each kind of weather Naipapakita ang simpleng kahandaan sa panahon ng sakuna tulad ng lindol, baha, sunog at iba pa.

ALL RIGHTS RESERVED 2021 HINDI PO ITO PINAGBIBILI

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.