araling panlipunan 3 Flipbook PDF


102 downloads 105 Views 2MB Size

Recommend Stories


Porque. PDF Created with deskpdf PDF Writer - Trial ::
Porque tu hogar empieza desde adentro. www.avilainteriores.com PDF Created with deskPDF PDF Writer - Trial :: http://www.docudesk.com Avila Interi

EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF
Get Instant Access to eBook Empresas Headhunters Chile PDF at Our Huge Library EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF ==> Download: EMPRESAS HEADHUNTERS CHIL

Story Transcript

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE

Educating minds, Shaping the future

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN Batay sa 2020 Most Essential Learning Competencies (MELC) para sa New Normal”

Baitang 3 | Unang Markahan

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

i

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE

ii

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Talaan ng Nilalaman UNANG MARKAHAN Ang mga Lalawigan sa Pilipinas Aralin 1 – Ang mga Simbolo sa Mapa................................... 1 Aralin 2 – Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon............................................... 6 Aralin 3 – Pisikal na Katangian ng Bawat Lalawigan at Rehiyon sa Pilipinas........................................ 11 Aralin 4 – Likas na Yaman sa Rehiyong Kinabibilangan......... 22 Lagumang Pagsusulit...................................................... 31 Glosaryo......................................................................... 35 Photo Credits................................................................... 36

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

iii

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Ang MELCs ay inihango mula sa mga kasanayang pampagkatuto sa Kurikulum ng K to 12 para sa Araling Panlipunan. Ito ay may layuning matulungan ang mga guro na matukoy ang mga mahahalagang kasanayang pampagkatuto upang sa gayon ay mabigyan ito ng prayoridad at maging batayan sa paggawa ng mga kagamitan na pagtuturo ng asignatura. Lahat ng kasanayang pampagkatuto na nakasaad ay inaasahang tutugon sa pamantayang pangnilalaman at pamantayan sa pagganap na nakapaloob sa kurikulum. Markahan Una

iv

Most Essential Learning Competencies Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolo na ginagamit sa mapa sa tulong ng panuntunan (katubigan, kabundukan, at iba pa) Nasusuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon (primary direction) Nasusuri ang iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito gamit ang mapang topograpiyang rehiyon Natutukoy ang pagkakaugnayugnay ng mga anyong tubig at lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

K to 12 CG Code AP3LAR-Ia-1

AP3LAR-Ie-7

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Nakagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng mga mahahalagang anyong lupa at anyong tubig ng sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan nito Natutukoy ang mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya nito Naipaliliwanag ang wastong pangangasiwa ng mga pangunahing likas na yaman ng sariling lalawigan at rehiyon Nakabubuo ng interpretasyon ng kapaligiran ng sariling lalawigan at karatig na mga lalawigan ng rehiyon gamit ang mapa

AP3LAR-If-10

AP3LAR-Ig-h-11

AP3LAR-Ii-14

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

v

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE

vi

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Unang Markahan

Ang mga Lalawigan sa Pilipinas Panimula Ang modyul na ito ay halaw sa seryeng aklat ng Bayanihan. Ito ay maayos na binuo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na patuloy na linangin ang diwang tutugon sa hamon ng bagong panahon. Ang mga paksang-aralin at kasanayang nakapaloob ay nakabatay sa K to 12 Kurikulum at Most Essential Learning Competencies na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang bawat aralin ay masusing isinaayos upang mapagyaman ang kaalaman, kakayahan, at kasanayan ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan. Aralin

1

2

Pamagat

Layunin • Naiisa-isa ang mga pananda na ginagamit sa mapa

Ang mga Simbolo sa • Nabibigyang-kahulugan Mapa ang mga pananda na ginagamit sa mapa sa tulong ng mga panuntunan • Natutukoy ang kinalalagyan ng mga lalawigan sa rehiyon batay sa mga kalapit na lugar gamit ang Kinalalagyan ng mga pangunahing direksiyon Lalawigan sa Sariling • Nailalarawan ang lokasyon Rehiyon ng mga lalawigan sa rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

vii

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE • Mailalarawan ang mga anyong lupa at anyong tubig sa bansa

3

4

Pisikal na Katangian ng Bawat Lalawigan at Rehiyon sa Pilipinas

Likas na Yaman sa Rehiyong Kinabibilangan

• Makapagbibigay ng mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas • Matutukoy ang pagkakaibaiba ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig • Matatalakay ang mga yamang lupa at yamang tubig na makukuha sa bansa • Matutukoy ang mga paraan sa pangangalaga sa likas na yaman • Maiisa-isa ang mga produkto na nanggagaling sa iba’t ibang lalawigan

viii

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Aralin 1

Ang mga Simbolo sa Mapa SIMULAN MO Tukuyin ang mga sumusunod na simbolo. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

PAUNLARIN NATIN Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba. Ang mapa ay isang patag na representasyon o paglalarawan ng iba’t ibang lugar. Ito ay isang mahalagang kagamitan sa pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar. Ito rin ay nakatutulong upang matukoy ang kaanyuan at katangiang pisikal ng bawat lugar. Ito ay may iba’t ibang bahagi na makatutulong sa atin upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar, maging ang layo at distansiya ng mga ito.

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

1

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Ang pananda ay ang iba’t ibang simbolo na ginagamit sa mapa. Ito ang nagbibigay ng mga impormasyon upang mapabilis ang paghahanap ng mga pangunahing kalsada, mga mahahalagang lugar, at mga katangiang heograpikal ng isang lugar. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga halimbawa ng mga pananda sa isang mapa. puno

talon

simbahan

ilog

paaralan

burol

pagamutan

bundok

riles

bulkan

palayan

dagat

tulay

daungan

daan

paliparan

SAGUTIN NATIN Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan. 1. Ano ang mapa? Ano ang gamit nito? ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ 2

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE 2. Ano ang pananda sa mapa? Bakit ito mahalaga? ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________

GAWIN NATIN A. Tukuyin ang bawat simbolo na nasa hanay A. Hanapin ang iyong sagot sa hanay B. A B _____ 1. a. simbahan _____ 2. b. pagamutan _____ 3. c. riles _____ 4. d. palayan _____ 5. e. tulay _____ 6. f. talon _____ 7. g. ilog _____ 8. h. burol _____ 9. i. bulkan _____ 10. j. bundok k. daungan BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

3

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE B. Gamit ang mapa, iguhit sa loob ng kahon ang bawat pananda na matatagpuan sa bawat lalawigan. paaralan

Nueva Ecija Tarlac Zam

bal

es

Pampanga

daungan

Bulacan

Bataan

daan

paliparan

1. Bataan

4. Pampanga

2. Bulacan

5. Zambales

3. Nueva Ecija

4

talon

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE C. Tukuyin ang lahat ng pananda na matatagpuan sa bawat lalawigan sa mapa.

Nueva Ecija Tarlac Zam

bal

es

Pampanga Bulacan

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

D. Sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan. Bakit mahalaga na matuto ng tamang paggamit ng mapa? __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

5

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Aralin 2

Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon SIMULAN MO Gamit ang mapa ng NCR, isulat ang lungsod na tinutukoy sa bawat bilang. 1. Ito ay ang lungsod na nasa kanan ng Pasay. Caloocan N

a

Valenzuela

av Mal a ot as bon

Quezon

Caloocan

Manila

M

na

iki

ar

2. Ito ay ang lungsod na nasa kaliwa ng Malabon.

San Juan Mandaluyong

Makati Pasay

N Pa

sig

Pateros

s

Parañaque

a

i

4. Ito ay ang lungsod na nasa itaas ng Las Piñas.

Mu

ntin

lup

o

3. Ito ay ang lungsod na nasa ibaba ng Marikina.

Taguig

Las Piñas

g

a

u e

PAUNLARIN NATIN Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba. Ang compass rose ay isang sagisag na nagpapakita ng mga pangunahing direksiyon sa mapa. Ang mga pangunahing direksiyon ay ang hilaga, timog, silangan, at kanluran. Karaniwang ginagamit ng mga manlalakbay ang compass rose upang madaling matukoy ang tamang ruta. Dapat tandaan na ang hilaga (H) ay nasa itaas na bahagi at ito ay katapat ng timog (T) na nasa ibabang bahagi. Sa kanang 6

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE bahagi ng mapa ay matatagpuan ang silangan (S) na kung saan sumisikat ang araw. Katapat nito na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng mapa ay ang kanluran (K) na kung saan naman lumulubog ang araw. Ang point of reference ay ang tawag sa batayan na kung saan matatagpuan ang iyong kinaroroonan.

H

K

S

T

Point of Reference

SAGUTIN NATIN Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan. 1. Anong ang compass rose? ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ 2. Ano-ano ang apat na pangunahing direksiyon sa compass rose? a. __________________ c. __________________ b. __________________ d. __________________ 3. Tukuyin kung saang pangunahing direksiyon makikita ang bawat pananda sa mapa. a. Saang direksiyon makikita ang bulkan? ___________ b. Saang direksiyon makikita ang simbahan? _____________________ c. Saang direksiyon makikita ang talon? ____________ d. Saang direksiyon makikita ang palayan? __________ BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

7

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE GAWIN NATIN A. Isulat sa loob ng bawat kahon ang pangunahing direksiyon sa compass rose.

B. Gamit ang mapa ng NCR, isulat sa patlang ang lungsod na tinutukoy sa bawat bilang.

Caloocan

N

Valenzuela

av Mal a ot as bon

Quezon

Caloocan

Manila

San Juan Mandaluyong

Makati Pasay

Mu

ntin lup

a

Las Piñas

8

Pateros Taguig

Parañaque

ig

s Pa

1. Ito ay ang lungsod na nasa hilaga ng Malabon. _______________________ 2. Ito ay ang lungosd na nasa timog ng Parañaque. na iki r a M _______________________ 3. Ito ay ang lungsod na nasa kanluran ng San Juan. _______________________ 4. Ito ay ang lungsod na nasa silangan ng Mandaluyong. _______________________ 5. Ito ay ang lungsod na nasa kanluran ng Muntinlupa. _______________________

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE 6. Ito ay ang lungsod na nasa silangan ng Caloocan. ________________________________________ 7. Ito ay ang lungsod na nasa hilaga ng Mandaluyong. ________________________________________ 8. Ito ay ang lungsod na nasa timog ng Pasay. ________________________________________ 9. Ito ay ang lungsod na nasa timog ng Taguig. ________________________________________ 10. Ito ay ang lungsod na nasa hilaga ng Pasig. ________________________________________ C. Gamit ang mapa sa ibaba, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nakalaan.

1. Saang direksiyon makikita ang simbahan kung ang pagbabatayan ay ang ospital? ________________________________________________ BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

9

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE 2. Anong gusali ang nasa timog ng pamilihan? ________________________________________________ 3. Kung ang pulisya ang pagbabatayan, saang direksiyon makikita ang simbahan? ________________________________________________ 4. Anong pook ang matatagpuan sa hilaga ng pamilihan? ________________________________________________ 5. Saang direksiyon makikita ang pulisya kung ang pagbabatayan ay ang bata? ________________________________________________ D. Tukuyin ang lungsod o lalawigan na makikita sa bawat pangunahing direksiyon na kung saan ang point of reference ay ang iyong tinitirahan. Gumamit ng mapa ng Pilipinas para rito.



10

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Aralin 3

Pisikal na Katangian ng Bawat Lalawigan at Rehiyon sa Pilipinas SIMULAN MO Iuri ang mga sumusunod na salita sa loob ng kahon kung anyong tubig o anyong lupa. Isulat ang bawat isa sa tamang hanay. karagatan golpo bulkan lambak kapatagan ilog burol dagat tangway bukal Anyong Lupa

kipot lawa bundok talampas

bulubundukin talon pulo

Anyong Tubig

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

11

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE PAUNLARIN NATIN Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba. ANYONG LUPA Ang mga sumusunod ay ang mga anyong lupa na matatagpuan sa Pilipinas. 1. Bundok – Ito ay mataas na anyong lupa. Karaniwang matatagpuan dito ang mga makakapal na kagubatan at mga maiilap na hayop. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang Bundok Apo na matatagpuan sa Davao. Ang Bundok Halcon sa Mindoro, Bundok Kanlaon sa Negros, at Bundok Pulag sa Nueva Vizcaya ay ang ilan pa sa mga bundok na matatagpuan sa bansa. 2. Bulubundukin – Ito ay mahabang hilera o hanay ng mga bundok. Ang Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera ay ang ilan sa mga halimbawa ng bulubundukin sa Pilipinas. 3. Burol – Ito ay anyong lupa na higit na mas mababa kaysa sa bundok. Ang Chocolate Hills sa Bohol ay isang uri ng burol. Tinutubuan ito ng mga luntiang damo sa panahon ng tagulan at nagiging kulay tsokolate tuwing tag-araw. 4. Bulkan – Ito ay anyong lupa na may butas o bunganga sa tuktok na karaniwang nagbubuga ng tunaw na bato at kumukulong putik. Ang Bulkang Mayon sa Albay ay ang pinakatanyag na bulkan sa buong mundo dahil sa perpektong hugis nito. Ang Bulkang Taal ay kilala rin bilang isa sa mga pinakamaliliit na bulkan sa buong mundo. Ang Bulkang Pinatubo naman sa Zambales ay ang isa sa mga pinakamapaminsalang bulkan sa bansa.

12

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE SAGUTIN NATIN Iguhit ang bawat anyong lupa sa loob ng kahon. Bundok

Burol

Bulkan

Bulubundukin

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

13

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE 5. Kapatagan – Ito ay malawak at patag na lupain na walang pagtaas o pagbaba ng lupa. Dito matatagpuan ang napakainam na taniman at lugar na alagaan ng mga hayop. Mainam itong taniman ng palay, prutas, gulay, mais, tubo, at iba pa. Ang Gitnang Luzon ay ang itinuturing na pinakamalawak na kapatagan sa bansa. 6. Talampas – Ito ay mataas na anyong lupa na may patag na bahagi sa ibabaw. Ang lungsod ng Baguio sa Benguet, Bukidnon sa Mindanao, at Tagaytay sa Cavite ay ang mga kilalang talampas sa bansa. 7. Lambak – Ito ay patag na lupain na matatagpuan sa pagitan ng mga bundok o burol. Ang mga halimbawa nito ay ang Lambak ng Cagayan na kilala bilang pinakamalawak na lambak sa bansa at Lambak ng Trinidad na taniman naman ng mga repolyo, kamatis, patatas, strawberry, at iba pang uri ng gulay at prutas. Kilala ang lugar na ito sa tawag na,“Salad Bowl of the Philippines.” 8. Tangway – Ito ay kilala rin sa tawag na peninsula. Ito ay ang pahabang anyong lupa na halos napaliligiran ng katubigan. Ito ay nakausli o nakaungos mula sa malaking bahagi ng lupain. Ang mga halimbawa nito ay ang Tangway ng Bicol, Tangway ng Bataan, at Tangway ng Zamboanga. 9. Pulo – Ito ay anyong lupa na napaliligiran ng tubig. Ang Pilipinas ay isang kapuluan, sapagkat ito ay binubuo ng maraming malalaki at maliliit na pulo. Ang ilan sa mga magagandang pulo sa bansa ay ang Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan at ang Cebu at Bohol sa Visayas.

14

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE SAGUTIN NATIN A. Tukuyin ang ngalan ng bawat anyong lupa na nasa larawan. 1.

2.

4.

3.

5.

B. Ilarawan ang bawat anyong lupa at magtala ng dalawang halimbawa. Anyong Lupa

Paglalarawan

Halimbawa

1. bundok 2. bulubundukin 3. burol 4. bulkan 5. kapatagan 6. talampas

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

15

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE 7. lambak 8. tangway 9. pulo

ANYONG TUBIG Ang mga sumusunod ay ang mga anyong tubig na matatagpuan sa Pilipinas. 1. Karagatan – Ito ay ang pinakamalaki, pinakamalawak, at pinakamalalim na anyong tubig. Ang Karagatang Pasipiko na matatagpuan sa gawing silangan ng Pilipinas ay ang isa sa mga pinakamalalaking karagatan sa daigdig. 2. Dagat – Ito ay mas maliit ang sukat kaysa sa karagatan, maalat, at matatagpuan malapit sa kalupaan. Ang ilan sa mga halimbawa ng dagat sa Pilipinas ay ang Kanlurang Dagat ng Pilipinas at ang Dagat ng Celebes. 3. Golpo – Ito ay anyong tubig na nakaugnay sa karatigdagat o karagatan at malapit sa kalupaan. Nagsisilbi itong daungan at himpilan ng mga sasakyang-pandagat. 4. Look – Ito ay bahagi ng dagat na pumapasok sa baybayin o dalampasigan. Kahalintulad ito ng golpo ngunit mas maliit lamang. Mainam itong pangisdaan at daungan ng mga maliliit na sasakyang-pandagat. Ang ilan sa mga halimbawa ng look ay ang Look ng Maynila, Look ng Laguna, Look ng Iligan sa Lanao del Norte, at Look ng Subic sa Zambales.

16

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE 5. Kipot – Ito ay makitid na anyong tubig na nasa pagitan ng dalawang malaking isla o pulo. Pinag-uugnay nito ang dalawang malalaking anyong tubig. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Kipot ng San Juanico na naghihiwalay sa Samar at Leyte at ang Kipot ng San Bernardino na naghihiwalay sa Samar at Luzon. 6. Ilog – Ito ay mahabang anyong tubig na dumadaloy sa mga lawa, look, o dagat. Kadalasan, ito ay nagmumula sa mga matataas na lupain katulad ng burol at bundok. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ilog Cagayan sa Luzon na itinuturing na pinakamahabang ilog sa bansa at ang Ilog Pasig na nag-uugnay sa Lawa ng Laguna at Look ng Maynila. 7. Lawa – Ito ay anyong tubig na napalilibutan ng lupa. Karaniwan sa mga lawa sa daigdig ay tubig-tabang at mainam ding pangisdaan. Ang ilan sa mga halimbawa ng lawa ay ang Lawa ng Laguna na kilalang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, ang Lawa ng Taal sa Batangas, at ang Lawa ng Lanao sa Lanao del Sur. 8. Talon – Ito ay anyong tubig na dumadaloy o bumabagsak mula sa isang mataas na lugar katulad ng bundok o burol hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Ang ilan sa mga halimbawa ng talon ay ang Talon ng Maria Cristina sa lungsod ng Iligan sa Mindanao, Pagsanjan sa Laguna, at Hinulugang Taktak sa Antipolo. 9. Bukal – Ito ay anyong tubig na nanggagaling mula sa ilalim ng lupa. Ang tubig na nanggagaling dito ay maaaring mainit o malamig, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Bukal ng Tiwi sa Albay at ang Bukal ng Malumpati sa Antique.

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

17

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE SAGUTIN NATIN A. Iguhit ang bawat anyong tubig sa loob ng kahon. Ilog

Lawa

Talon

B. Ilarawan ang bawat anyong tubig at magtala ng dalawang halimbawa. Anyong Tubig

Paglalarawan

1. karagatan 2. dagat 3. golpo 4. look 5. kipot 6. ilog 7. lawa 8. talon 9. bukal 18

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

Halimbawa

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE GAWIN NATIN A. Tukuyin ang isinasaad sa bawat pangungusap sa hanay A. Hanapin ang iyong sagot sa hanay B. A B _____ 1. Ito ay ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo. _____ 2. Ito ay ang bulkan sa bansa na may perkpektong hugis. _____ 3. Ito ay tinaguriang “Salad Bowl of the Philippines.” _____ 4. Ito ay ang pinakamaliit na bulkan sa bansa. _____ 5. Ito ay ang pinakamapaminsalang bulkan sa bansa. _____ 6. Ito ay ang pinakamalawak na kapatagan sa bansa. _____ 7. Ito ay ang pinakamalawak na lambak sa bansa. _____ 8. Ito ay ang naghihiwalay sa Samar at Leyte. _____ 9. Ito ay ang pinakamalaking lawa sa bansa. _____ 10. Ito ay ang pinakamahabang ilog sa bansa.

a. Cagayan b. Gitnang Luzon c. Ilog ng Cagayan d. Ilog Pasig e. Kipot ng San Juanico f. Lawa ng Laguna g. Mayon h. Pasipiko i. Pinatubo j. Trinidad k. Taal

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

19

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE B. Isulat sa patlang kung saang lalawigan matatagpuan ang bawat anyong lupa at anyong tubig. ________________ 1. Bulkang Taal ________________ 2. Bundok Halcon

________________ 3. Bulkang Pinatubo



________________ 4. Chocolate Hills



________________ 5. Bundok Apo



________________ 6. Bukal ng Tiwi



________________ 7. Hundred Islands



________________ 8. Bundok Pulag



________________ 9. Talon ng Maria Cristina



________________ 10. Bundok Kanlaon

C. Magtala ng limang kapakinabangan na makukuha sa anyong lupa at anyong tubig. 1. Kapakinabangan na makukuha sa anyong lupa a. ____________________________________________ b. ____________________________________________ c. ____________________________________________ d. ____________________________________________ e. ____________________________________________ 2. Kapakinabangan na makukuha sa anyong tubig a. ____________________________________________ b. ____________________________________________ c. ____________________________________________ d. ____________________________________________ e. ____________________________________________

20

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE D. Magtala ng tatlong anyong lupa at tatlong anyong tubig na matatagpuan sa iyong kinabibilangang rehiyon.

(Kinabibilangang Rehiyon)

ANYONG LUPA Lugar/Pangalan

Uri ng Anyong Lupa

Lugar Kung Saan Matatagpuan

Uri ng Anyong Tubig

Lugar Kung Saan Matatagpuan

1. 2. 3.



ANYONG TUBIG Lugar/Pangalan 1. 2. 3.

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

21

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Aralin 4

Likas na Yaman sa Rehiyong Kinabibilangan SIMULAN MO Isulat sa loob ng kahon ang mga kapakinabangang makukuha sa nakasaad sa bawat larawan.

PAUNLARIN NATIN Basahin at unawain nang mabuti ang diskusyon sa ibaba. Ang mga likas na yaman ang pinagkukuhanan natin ng mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain, tirahan, damit, at iba pang kagamitan na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

22

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Yamang Lupa Ang mga likas na yamang ito ay biyaya ng Diyos at kalikasan. Malaking bahagi ng kabuuang sukat ng bansa ay ginagamit sa pagsasaka at pagtatanim. Sa mga kapatagan at lambak na may mga matatabang lupa ginagawa ang pagtatanim. Nagsisilbi rin itong tirahan ng maraming tao. Ang iba pang bahagi ng bansa ay sentro ng kalakalan at industriya, o kaya naman ay ng paghahayupan.

SAGUTIN NATIN Gumuhit ng apat na pangangailangan ng tao na makukuha sa yamang lupa. Kulayan ang mga ito. Pangangailangan ng Tao na Makukuha sa Yamang Lupa

Ang Gitnang Luzon ay itinuturing na pinakamalawak na kapatagan sa bansa. Dahil dito, nakagagawa at natutugunan ng rehiyong ito ang pangangailangan ng mga mamamayan sa bigas. Ang Gitnang Luzon ay kilala sa taguring, “Kaban ng Bigas ng Pilipinas.” Bukod sa palay, ang mga magsasaka ay nakapagtatanim din ng iba’t ibang puno, gulay, prutas, at mga halamang-ugat katulad ng kamote at gabi na nakatutulong sa sektor ng agrikultura ng bansa. Sa mga malalawak na lambak naman ng Hilagang Luzon matatagpuan ang maraming taniman ng tabako at iba pang uri ng gulay. Kilala naman ang mga lalawigan ng Tarlac at Pampanga na pinanggagalingan ng maraming ani ng tubo at mais. BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

23

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Ang Cavite ay sagana sa saging at pinya. Samantalang ang Batangas naman ay kilala sa pag-aani ng kape. Lubhang kasiya-siya ang masaganang ani ng niyog sa Quezon, abaka sa Bicol, at lanzones sa Laguna at Camiguin. Mayaman naman sa mangga, durian, saging, at pinya ang maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao. Maging ang mga matataas na lugar katulad ng Benguet ay sagana rin sa likas na yaman. Maraming gulay katulad ng pechay, repolyo, sayote, carrots, patatas, at pipino ang iniaani rito. Ang Benguet ay tinaguriang, “Salad Bowl of the Philippines.” Ang iba pang tanim katulad ng bell pepper, strawberries, cauliflower, kinchay, o celery ay sagana sa lugar na ito dahil na rin sa malamig na klima na angkop para sa pagtatanim ng mga ganitong uri ng mga gulay at prutas. Kahanga-hanga rin ang napakaraming uri ng bulaklak na tumutubo at matatagpuan dito. Bukod sa pagsasaka, marami rin ang umaasa sa alternatibong paraan ng hanapbuhay katulad ng paghahayupan. May mga nagaalaga ng baboy, kambing, baka, kalabaw, manok, bibe, at iba pa.

SAGUTIN NATIN A. Magdikit ng apat na larawan ng gulay na nanggagaling sa Benguet na nais mong ilagay sa iyong salad bowl.





24

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE B. Kulayan ang mga hayop na inaalagaan bilang alternatibong hanapbuhay sa agrikultura at paghahayupan.



C. Isulat ang mga produktong makikita sa bawat rehiyon o lalawigan. Rehiyon/Lalawigan

Produkto

Gitnang Luzon Hilagang Luzon Tarlac at Pampanga Cavite Batangas Quezon Bicol Laguna at Camiguin Visayas at Mindanao

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

25

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Malalawak din ang mga kagubatan na makikita sa bansa na karaniwang matatagpuan sa mga kabundukan. Dito matatagpuan ang maraming likas na yaman katulad ng mga matitibay at malalaking punongkahoy, rattan, at goma na ginagamit na mga materyales sa paglikha ng iba’t ibang kagamitan at kasangkapan. Matatagpuan din sa mga kagubatan ang mga kakaibang hayop na sa Pilipinas lamang makikita katulad ng tarsier sa Bohol, mouse-deer sa Palawan, at tamaraw sa Mindoro. Makikita rin sa Pilipinas ang pambansang ibon na agila. Mayaman din ang bansa sa napakaraming uri ng metal at hindi metal na mineral na nakukuha sa mga paanan ng bundok at sa ilalim ng lupa. Ang ilan sa mga matatagpuan ay ang deposito ng ginto, pilak, tanso, bakal, at nikel.

SAGUTIN NATIN A. Tukuyin ang ngalan ng hayop na nasa bawat larawan. 1.

2.

3.

4.

B. Magsulat saloob ng bawat kahon ng metal o hindi metal na mineral na makukuha sa pagmimina.

26

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE C. Magdikit ng limang larawan ng kasangkapan na maaaring mabuo mula sa mga punongkahoy na makukuha sa mga kagubatan. 1.

2.

4.

3.

5.

Yamang Tubig Ang Pilipinas ay sagana rin sa yamang tubig. Ang mga katubigan na nakapaligid at matatagpuan sa ating bansa ang pinanggagalingan ng iba’t ibang uri ng isda, hipon, pusit, kabibe, perlas, at iba pang yamang dagat. Isa ang ating bansa sa may mga pinakamalalaking nakukuhanan ng tuna, bangus, at mga shellfish na naiaangkat pa sa maraming bansa. Ang pinakamalaking isda na kung tawagin ay “butanding” ay matatagpuan sa Sorsogon at ang pandaka pygmaea na pinakamaliit na isda ay matatagpuan naman sa Lawa ng Buhi sa Camarines Sur.

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

27

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE Bukod sa mga ito, may mga bahagi rin sa kailaliman ng dagat kung saan nakahuhukay o nakakukuha ng petrolyo at langis na tumutugon sa pangangailangan sa enerhiya. Gayundin, may makukuhang mga perlas na ginagamit sa pagbuo ng mga alahas.

SAGUTIN NATIN Kulayan ang mga yamang maaaring makuha sa iba’t ibang anyong tubig.



GAWIN NATIN A. Lagyan ng tsek () ang loob ng kahon na nagpapakita ng wastong pangangalaga sa likas na yaman ng bansa.

28

1.

Maglinis ng sariling bakuran.

2.

Ibukod ang mga basurang nabubulok sa hindi nabubulok at recyclables.

3.

Itapon ang balat ng kendi sa kanal upang hindi makita ng iba ang kalat.

4.

Huwag magsayang ng pagkain.

5.

Isara nang mabuti ang gripo upang walang tubig na tumulo.

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE 6.

Sunugin ang mga basura upang makabawas sa dami ng basurang naiimbak.

7.

Patayin ang telebisyon, ilaw, radyo, at iba pang kagamitan sa bahay kung hindi ginagamit.

8.

Gamitin ang papel sa paggawa ng eroplano, bangka, at iba pa sa paglalaro.

9.

Ipunin ang diyaryo, magasin, lata, at bote at ipagbili.

10.

Magtanim ng maraming binhi na magiging puno sa hinaharap.

B. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang ipinahihiwatig sa bawat pangungusap at Mali naman kung hindi wasto. __________ 1. Ang Hilagang Luzon ay kilala sa taguring,“Kaban ng Bigas ng Pilipinas.” __________ 2. Ang mga tamaraw ay makikita sa Palawan. __________ 3. Ang pinakamaliit na usa na makikita sa Pilipinas ay ang pilandok. __________ 4. Nanggagaling ang mga kasangkapan katulad ng lamesa at upuan mula sa yamang tubig. __________ 5. Ang Tarlac at Pampanga ay ang pinanggagalingan ng maraming ani ng tubo at mais. __________ 6. Kilala ang lalawigan ng Quezon sa pagaani ng niyog. __________ 7. Matatagpuan sa Gitnang Luzon ang maraming taniman ng tabako. __________ 8. Ang Benguet ay kilala sa pinanggagalingan ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas. __________ 9. Ang pandaka pygmaea ay ang pinakamaliit na isda na makikita sa Pilipinas. __________ 10. Ang Visayas at Mindanao ay ang pinanggagalingan ng mga produkto katulad ng durian, pinya, at saging. BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

29

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE C. Gumuhit sa loob ng kahon ng kaparaanan na magagawa mo bilang isang bata upang mapangalagaan ang kapaligiran.

30

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE LAGUMANG PAGSUSULIT A. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang ipinahihiwatig sa bawat pangungusap at Mali naman kung hindi wasto. ________ 1. Ang Bundok Halcon ay makikita sa Zambales. ________ 2. Ang Bulkang Taal ay ang pinakamaliit na bulkan na makikita sa Pilipinas. ________ 3. Ang Bulkang Pinatubo ay nakilala dahil sa perpektong hugis nito. ________ 4. Maraming yamang mineral ang makukuha sa bansa katulad ng tanso at ginto. ________ 5. Ang pandaka pygmaea ay ang pinakamaliit na isda sa bansa. ________ 6. Ang maya ay ang pambansang ibon ng bansa. ________ 7. Ang compass rose ay ang nagtuturo ng pangunahing direksiyon sa mapa. ________ 8. Ang pilandok ay mouse-deer sa wikang Ingles. ________ 9. Ang Pilipinas ay maraming likas na yaman. ________ 10. Ang Gitnang Luzon ay kilala sa mga malalawak na palayan. B. Tukuyin ang isinasaad sa bawat pangungusap sa hanay A. Piliin ang iyong sagot sa hanay B. A B _____ 1. Ito ay ang patag na representasyon ng iba’t ibang lugar. _____ 2. Ito ay ang pangunahing direksiyon na nasa kaliwa na kung saan lumulubog ang araw. _____ 3. Ito ay ang mga simbolo na ginagamit sa mapa. _____ 4. Ito ay ang direksiyon na nasa itaas na bahagi ng timog. _____ 5. Ito ay ang tawag sa lokasyon na iyong kinaroroonan.

a. hilaga b. kanluran c. point of reference d. mapa e. pananda

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

31

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE A B _____ 1. Ito ay mahabang hilera o hanay ng mga bundok. _____ 2. Ito ay patag na lupain na matatagpuan sa pagitan ng mga bundok o burol. _____ 3. Ito ay mataas na anyong lupa na may patag na bahagi sa ibabaw. _____ 4. Ito ay nagbubuga ng tunaw na bato at kumukulong putik. _____ 5. Ito ay anyong lupa na higit na mas mababa kaysa sa bundok.

a. bulkan b. bulubundukin c. burol d. lambak e. talampas f. tangway

A B _____ 1. Ito ay ang daungan ng mga sasakyang-pandagat. _____ 2. Ito ay bahagi ng dagat na pumapasok sa baybayin o dalampasigan. _____ 3. Ito ay makitid na anyong tubig na nasa pagitan ng dalawang malaking isla o pulo. _____ 4. Ito ay mahabang anyong tubig na dumadaloy sa mga lawa, look, o dagat. _____ 5. Ito ay ang pinakamalaking anyong tubig.

32

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

a. dagat b. golpo c. ilog d. karagatan e. kipot f. look

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE C. Gamit ang mapa ng CAR, isulat sa patlang ang lalawigan na tinutukoy sa bawat bilang.

Apayao

Abra Kalinga

Mountain Province Ifugao Benguet

a. Ito ay ang lalawigan na nasa hilaga ng Kalinga. _________________________________________ b. Ito ay ang lalawigan na nasa timog ng Mountain Province. _________________________________________ c. Ito ay ang lalawigan na nasa kanluran ng Ifugao. _________________________________________ d. Ito ay ang lalawigan na nasa silangan ng Abra. _________________________________________ d. Ito ay ang lalawigan na nasa timog ng Abra. _________________________________________

BAITANG 3 UNANG MARKAHAN

33

THIS COPY IS FOR FACULTY USE ONLY DO NOT REPRODUCE GLOSARYO compass rose – Ito ay isang sagisag na nagpapakita ng mga pangunahing direksiyon sa mapa. Ang mga pangunahing direksiyon ay ang hilaga, timog, silangan, at kanluran. Karaniwang ginagamit ng mga manlalakbay ang compass rose upang madaling matukoy ang tamang ruta. mapa – Ito ay isang patag na representasyon o paglalarawan ng iba’t ibang lugar. Ito ay isang mahalagang kagamitan sa pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar. Ito rin ay nakatutulong upang matukoy ang kaanyuan at katangiang pisikal ng bawat lugar. pananda – Ito ay ang iba’t ibang simbolo na ginagamit sa mapa. Ito ang nagbibigay ng mga impormasyon upang mapabilis ang paghahanap ng mga pangunahing kalsada, mga mahahalagang lugar, at mga katangiang heograpikal ng isang lugar. point of reference – Ito ay ang tawag sa batayan na kung saan matatagpuan ang iyong kinaroroonan.

PHOTO CREDITS https://www.photos-public-domain.com/2017/11/23/mountainsand-plains/ https://www.publicdomainpictures.net/en/view -image. php?image=3964&picture=arctic-plateau-and-stream-valley https://www.publicdomainpictures.net/en/view -image. php?image=100471&picture=green-mountain-valley https://www.publicdomainpictures.net/en/view -image. php?image=342371&picture=small-peninsula https://www.publicdomainpictures.net/en/view -image. php?image=14838&picture=small-island https://www.publicdomainpictures.net/en/view -image. php?image=261119&picture=salad-bowl 34

MODYUL SA PAG-AARAL NG ARALING PANLIPUNAN

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.