Awtput-Amparo, Bulfa at Delgado Flipbook PDF

Awtput-Amparo, Bulfa at Delgado

64 downloads 122 Views

Story Transcript

1

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Karapatang Sipi

Inihanda nina: Amparo, Kristine Joy A. Bulfa, Jeah Cryzane A. Delgado, Erica A.

Nagmula sa: College of Teacher Education Southern Luzon State University Lucban, Quezon Ph

2

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Paunang Salita

Ang tula ay kaugnay ng mga kwento, nobela na karaniwang nagsasalaysay rin ng mga pangyayari na nakikita sa lipunan. Sa pamamagitan ng tula naiihanay ng makata ang damdaming dulot ng kapighatian, kalungkutan, ligaya at gayon rin ang tagumpay. Ang tula ay may magandang epekto sa ating buhay dahil sa pamamagitan nito ay nakapaglalahad ng damdamin at emosyon sa pamamagitan ng pagsusulat.Ang tula ay kakikitaan ng sukat at tugma o malaya man ay kailangang magtaglay ng magandang diwa. Ang diwa ay makikita sa isang tula ito ay kakikitaan ng magandang halimbawa na tatatak sa mambabasa. Ang booklet na ito ay magsisilbing materyal sa pagsusuri sa mga piling tula ng Kalazine mula sa UP batay sa elemento ng tula. Gayundin, bibigyan rin ng pansin ang pagsisiwalat ng akdang pampanitikang makatotohanan sa pamamagitan ng Teoryang Realismo.

Ang

makatotohanang pangyayari sa paligid ay mas naipapahayag sa akdang pampanitikan katulad ng tula. Ito ang nagiging daan upang mailahad ang damdamin, obserbasyon at karanasan sa lipunan at ng isang manunulat sa kaniyang paligid sa pamamagitan nang pagpapamalas ng galing sa larangan ng pagsulat.

3

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pasasalamat

Nakapaloob sa booklet na ito ang pagsusuri at pag-aanalisa gayundin ang mga datos ng mga tula. Ang pagbuo ng materyal ay hindi naging madali sa mga mananaliksik, kinakailangan ng maayos na presentasyon sa paglalatag ng pagsusuri sa mga akda. Gayon pa man dahil sa tiyaga at pagsisikap ay nabuo ito. Una, nag papasalamat ang mga mananaliksik sa kanilang mga magulang sa taos pusong sumusuporta at pag-intindi. Pangalawa, sa kanilang mga kaibigan, kaklase, at ka-grupo na naging katuwang upang maging matagumpay at maayos ang paggawa sa materyal na binuo. Ang lahat ng ito ay hindi magiging maayos kung wala ang suporta mula sa kanila. At lubos na pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang kanilang guro na gumabay lalo’t higit ay nag papasalamat sa Diyos sa pagbibigay ng buhay, lakas ng katawan at talino upang maisagawa ang materyal at pananaliksik na ito. Nawa ang materyal na ito ay magsilbing gabay upang manatiling tangkilikin at pagyabungin pa ang panitikan lalo na ang pagsusuri at paggamit ng mga Teorya.

4

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Talaan ng Nilalaman

Paunang salita …………………….…………………………………...………………….….… 3 Pasasalamat ……………………….…………………………………...………………….….… 4 Tula …………………….…………………………………...………………….…………….… 6 Realismo …………………….…………………………………...……………………….….… 7 Layunin ng Pagsusuri ………….….…………………………………...………………….….… 8 Katuturan ng Terminolohiya …….…………………………………...………………….…...… 9 Mga Tula at Pagsusuri sa Elemento ng Tula ………………………...……….…….…….… 11-42 Paglalapat ng Teoryang Realismo ….………………………………………………….….… 44-67 Sanggunian…………………….…………………………………………………………..… 69-70

5

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Tula

Inilahad ni Lumbera (2008), na ang tula ay isang kalipunan ng mga salita na sinadyang magkauganyan sa isa’t isa upang mabigyan ng makata ng kongkretong anyo ang isang representasyon ng diumano’y karanasan ng isang indibidwal. Sinasabi na ang tula ay pinakamabuting salita sa pinakaangkop na kaayusan. Nangangahulugan na ang tula ay tinatawag na likhang akda at ang makata naman ay ang manunulat. Isang pagbabago ng hugis at takbo ng buhay ang tula. Nakabubuo ang manunulat ng akda sa pamamagitan ng kaniyang imahinasyon. Sa tulong ng kalikasan at sarili niyang karanasan sa buhay ay pinupukaw niya ang damdamin ng mga taong makababasa ng kaniyang akda.

6

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Realismo

Inilahad ni Becker (1963) mula sa kanyang libro na Documents of Modern Literary Realism, na ang realismo ay tulad ng pormula ng sining, sa pamamagitan ng pagsasa-isip ng katotohanan para sa isang tiyak na paraan, sinisimulan upang maipakita ang simulacrum batay sa mahigit o kaunting mga tuntunin. Inilahad sa libro na “Kritisismo: Teorya at Paglalapat” nina Victoria Ines-Ramos at Venancio L. Mendiola (1994) na mayroong iba’t ibang pangkat ang teoryang realismo sa pagsusuri sa panitikan. Nariyan ang: 1.) Kritikal na Realismo 2.) Sosyalistang Realismo 3.) Sikolohikal na Realismo 4.) Pino o Mabining Realismo 5.) Senitimental na Realismo 6.) Mahiwagang Realismo.

7

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Layunin ng Pagsusuri

1. Maitala at masuri ang mga piling tula batay sa elemento nito: 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5

Sukat Saknong Tugma Kariktan Talinghaga

2. Masuri ang mga piling tula sa Kalazine gamit ang teoryang realismo. 3. Makabuo ng isang awtput tungkol sa ginawang pagsusuri ng tula gamit ang teoryang realismo. 4. Malaman o mataya ang lebel ng pagtanggap sa nabuong awtput. 4.1

Nilalaman

4.2

Desinyo

4.3

Orihinalidad

4.4

Kahalagahan

8

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Katuturan ng mga Terminolohiya

Panitikan - Batay kay Sandy Ghaz (2019) ang panitikan ay nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao sa paraang pasulat. Maaaring nakabatay ito sa katotohanan o kathang isip lamang. Sa pag-aaral na ito, ang panitikan ang magsisilbing pundasyon upang maisakatuparan ang pagsusuri. Panunuring Pampanitikan – Batay sa ulat ni pampanitikan ay syang nagbibigay ng pampanitikan. Sa pag-aaral na ito, ang isasagawang pananaliksik, ito gagawing gagawing materyal.

D. J. Manacpo (2019) na ang panunuring buhay at diwa sa isang likhang akdang malaki ang ginagampanan ng panunuri sa panunuri ang syang magiging nilalaman ng

Tula - Inilahad ni M. A. Chiutena (2014) na ang tula ay isang pagpapahayag ng damdamin ng tao. Maaaring ang tula ay mayroong sukat at tugma at mayroon rin namang tula na nasa malayang taludturan. Sa pag-aaral na ito, gagawin ang panunuri sa mga piling tula ng Kalazine. Kalazine - Mula sa paunang salita ni A. Gutierr (2021) sa Tomo I, Isyu Blg. I na ang pamagat na Kalazine ay nagmula sa salitang “Kalasag” isang samahan ng mga manunulat sa UP na naglalayong maging behikulo sa mga estudyanteng manunulat na nagnanais ipabasa ang kanilang mga akda labas sa kani-kanilang mga sarili. Sa pag-aaral na ito, ang mga nakalatha na mga tula sa Kalazine ay syang susuriin ng mga mananaliksik upang bigyang pansin ang mga likhang akda ng mga mag-aaral ng UP. Kalasag - isang opisyal na pahayagan ng Arte at Literatura, UP Diliman. Unibersidad ng Pilipinas (UP) - ito ay isang pampublikong paaralan sa Diliman. Teorya – Ayon sa Encyclopedia Titanica (2022), ang teorya ay isang termino na nagmula sa Greek theoria, na sa kontekstong pangkasaysayan ay nangangahulugang obserbahan, pagnilayan o pag-aralan at sa halip ay tinukoy sa haka – haka na pag-iisip. Teoryang Realismo – Inilahad naman ni D. H. Battad (2014) Ang layunin nito ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan sa pamaraang makatotohanan. Gagamitin ang teoryang ito bilang basehan upang mapalabas ang diwa ng mga tulang susuriin.

9

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

10

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pagsusuri sa Elemento ng Tula

Inilahad ni Lumbera (2008), na ang tula ay isang kalipunan ng mga salita na sinadyang magkauganyan sa isa’t isa upang mabigyan ng makata ng kongkretong anyo ang isang representasyon ng diumano’y karanasan ng isang indibidwal. Dagdag pa, inilathala rin sa kaniyang aklat na ayon sa “New Critic” na ang tula bagay na buo, isang likha na may nagsasariling uniberso ng mga ideya at emosyon na ibinunga ng pagtatagpo ng mga piling salita ng manunulat. Ayon naman kay Gomez (2018), ang tula ay isang anyo ng panitikan na masining na nagpapahayag ng saloobin at damdamin ng isang makata. Ang kalimitang pinapaksa ng tula ay nasyonalismo, pag-ibig, kalikasan, Diyos, kapwa at iba pa. Sa pagsusuri ng mga mananaliksik, ang mga piling tula ay sinuri batay sa sukat, saknong, tugma, kariktan at talinhaga. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa isang taludtod o linya na magbubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa ng tula. Mayroong apat na uri ang sukat ito ay ang: wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabingwaluhin. Ngunit mayroon namang mga tula na hindi isinasaalang-alang ang sukat sa bawat taludtod dahil ito ay nasa anyong malayang taludturan.

11

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). Ang mga uri ng saknong ay ang mga sumusunod: a) b) c) d) e) f) g)

Dalawang talutod o linya - couplet Tatlong talutod o linya - tercet Apat talutod o linya - quatrain Limang talutod o linya - quintet Anim na talutod o linya - sestet Pitong talutod o linya - septet Walong talutod o linya – octave

Ang tugma ay isa katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Ito ay nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog. Ang mga uri ng tugma ay tugmang ganap (patinig) at tugmang di-ganap (katinig). Ang kariktan ay tumutukoy sa mga maririkit na mga salita upang masiyahan ang mga mambabasa, gayundin upang mapukaw ang kanilang damdamin at kawilihan. Ang talinhaga naman ay ito ang nagsisilbing palamuti ng tula upang manatili ang kasiningan at kariktan nito.

12

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Talahanayan 1. Pagsusuri sa mga elemento ng tula sa mga piling akda sa Kalazine.

Bikig ni Angelica Paller Tila niyakap ng panimdilim ang paligid nang dumating ang takipsilim Nagsitikom ang mga kuliglig. Naglahong parang bula ang nagsisi-ugungang makina’t busina; ang ingay ng mga kabataan at manininda sa kawalan. Tinakdaan ng hangganan ang sangkatauhan sa bawat sulok, at panig ng mga kalyehon bilang muwestra ng kanyang kadakilaan. Nang gabing iyon, nagsimulang maghari ang katahimikan. Katahimikang hanggang sa nagtagal ay nakakabingi, nakakarindi at nakakasulasok Wari’y tinik na bumibikig sa lalamunan. Ni halinghing, ni hagawhaw ay humahaplos Sa bawat pandinig. Lahat ay tila nakasalang sa panganib Na sumisigid sa kani-kanilang sistema sa oras na sila ay mag-ingay. Sinakop nilang mga haling ang kalsada. Dinig lamang ang kalansingan ng posas at pakiusap sa kanilang sandata ay dahas. Itinuro; inilista ang mga ngalang ililibing sa hukay bitbit ang bagaheng kanilang kinadukha Subalit Ang ilan ay kumporme sa kani-kanilang upuan. Ang iba’y nakikipagsapalaran bitbit ang panawagan. Ang marami ay naghahanap ng mapagtataguan: 13

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Humahaguhap at humahagibis habang inuusal ang kanilang mga panalangin. Lulan-lulan ang luksa at takot Sa naghaharing katahimikan. Tila mikrobyang nanunuot sa buto’t laman; Kumokontamina at pumipitig sa kanilang buong katawan: Ang pumupuksa sa katatagan. Sa kanilang nasa itaas, ang pagsubok sa usal ng pagbalikwas ay isang payak na ingay lamang na kakambal ay kamatayansa gitna ng katahimikang kinulimbatan ng kapayapaan.

Pamagat: Bikig

Sukat

Ang tulang ito ay nasa anyong malayang taludturan na kung saan walang sinusunod na sukat o bilang sa bawat taludtod. Katahimikang hanggang sa nagtagal ay nakakabingi, nakakarindi at nakakasulasok Wari’y tinik na bumibikig sa lalamunan. Ni halinghing, ni hagawhaw ay humahaplos Sa bawat pandinig. Lahat ay tila nakasalang sa panganib Na sumisigid sa kani-kanilang sistema sa oras na sila ay mag-ingay.

Saknong

Ang tulang Bikig ay mayroong iba’t ibang bilang ng taludtod bawat saknong. Ang bilang ng taludtod sa sa bawat saknong ay (9,2,10,6,6,5,6) kung kaya’t hindi ito maaaring

14

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

tawagin na sestet bagaman ang karamihan sa mga saknong ay mayroong anim na taludtod. Tugma

Ang tulang ito ay hindi isinasaalang-alang ang tugmaan sa bawat taludtod. Sinakop nilang mga haling ang kalsada. Dinig lamang ang kalansingan ng posas at pakiusap sa kanilang sandata ay dahas. Itinuro; inilista ang mga ngalang ililibing sa hukay bitbit ang bagaheng kanilang kinadukha

Kariktan

Ang kariktan sa tula na nakita ay ang mga sumusunod: • • • •

Nagsitikom - tumahimik ang mga ingay o tunog sa paligid Takipsilim – malapit na magdilim o gabi Kalyehon – eskinita Halinghing – daing dahil sa iniindang sakit

• Hagawhaw - hindi maintindihang tunog ng malakas na pagbubulungan

• Sumisigid – tumitindi ang sakit • Dahas – pagmamalupit • Kinadukha – pinaghirap “Tila niyakap ng panimdilim ang paligid nang dumating ang takipsilim Nagsitikom ang mga kuliglig.”

Talinghaga

Ito ay nasa uri ng tayutay na pagtutulad dahil ito ay di-tiyak na paghahambing sa lugar na tahimik nang sumapit ang dilim o gabi. “Wari’y tinik na bumibikig sa lalamunan” Ito ay nasa uri ng tayutay na pagtutulad dahil ito rin ay di-tiyak na paghahambing sa mga saloobin na hindi mailabas ng persona. 15

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

“Lahat ay tila nakasalang sa panganib” Ito ay nasa uri ng tayutay na pagtutulad dahil ito ay di-tiyak rin na paghahambing sa ang lahat ng tao ay maaaring mapahamak. “Tila mikrobyong nanunuot sa buto’t laman” Ito ay nasa uri ng tayutay na pagtutulad dahil ito ay di-tiyak na paghahambing ng mikrobyong nanunuot sa buto’t laman, ito ay maaaring bacteria na maaring maging sanhi ng sakit o masamang pangyayari na maaaring maapektuhan ang lahat.

16

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Dawit ni Nephi Mae Tangalin Naghaharing kadiliman sa kalye ng Katipunan sa ilalim ng pagkurap-kurap ng lumang poste sisindihan ni Toper, alyas “To” sa kalye sigarilyong Marlboro, sabay hithit dito. Alas dose ang usapan— Ihahanda ang maliit na kwaderno para ekisan ang alyas ng isang kliyente. ‘Di pwedeng patanga-tanga, baka sa kamay ni Bato ang bagsak. Muling hihithit. Maglalabas-masok sa bibig bubuga ng usok pagtapos ay babagsak ang upos nito sa paanan. Nasisinagan sa kabila ng kadiliman ang panigurado’y kliyente. Mabagal ang lakad, sasalubungin niya ng ngisi. Ramdam ng manipis na tig-benteng tsinelas ang upos ng sigarilyo, mainit-init, parang kape. Dudukutin ang pakete sa makipot na bulsa sabay abot nito, “tatlong libo, boss” tigin sa kanan— tingin sa kaliwa— kahit ‘wag na sa itaas Samahan mo nalang nng dalangin na sana’y mairaos ang gabi sa Katipunan. Sa pag-abot ng pakete malamig na nguso ng calibre .38 ang humalik sa bungo, at nagpatigil sa lalaking may bansag na “To”, Malilintikan panigurado kay Bato Manlalamig— Maeestatwa— Ibubulong na tila salamangka, “Di papalag” Samahan ng yuko at kaunting pagrorosaryo. 17

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Bago pa ang pagkagat ng posas, sa mga kamay ni Toper Magkukumahog na sa pagtakbo. Isang putok— Dalawang putok— Mapapamura ang tatlong pulis, “Punyemas ‘yung bata sa gilid”

Pamagat: Dawit

Sukat

Ang tulang ito ay nasa anyong malayang taludturan na kung saan walang sinusunod na sukat o bilang sa bawat taludtod. Naghaharing kadiliman sa kalye ng Katipunan sa ilalim ng pagkurap-kurap ng lumang poste sisindihan ni Toper, alyas “To” sa kalye sigarilyong Marlboro, sabay hithit dito.

Saknong

Ang tulang “Dawit” ay mayroong iba’t ibang bilang ng taludtod sa bawat saknong. Ang bilang ng taludtod sa bawat saknong ay (4,5,3,16,4,7).

Tugma

Ang tulang ito ay hindi isinasaalang-alang ang tugmaan sa bawat taludtod. Alas dose ang usapan— Ihahanda ang maliit na kwaderno para ekisan ang alyas ng isang kliyente. ‘Di pwedeng patanga-tanga, baka sa kamay ni Bato ang bagsak.

Kariktan

Ang kariktan sa tula na nakita ay ang: • •

Salamangka – mahika o madyik Magkukumahog - nagtyatyaga o nagpapakahirap

18

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Talinghaga “Naghaharing kadiliman sa kalye ng Katipunan” Ito ay nasa uri ng tayutay na pagmamalabis na ilarawan ang lugar na Katipunan na hindi kakikitaan ng kahit anong liwanag.

19

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Kailangan Ka, May Magagawa Ka ni Samuel “Red” Rodriguez Saklolo- isang mabigat at nakapanlalambot na salita. Mga biktima nito’y silang kinapos ng lakas ng loob at tiwala. Animo’y nawawala, bahala na sa kung saan dadalhin ng mga paa. Hindi alam kung ano ang gagawin, mananahimik na lamang o lalaban ba.

Puno ng mga pag-aalangan, naduduwag madalas. “Maayos naman ako at ang buhay ng pamilya ko” madalas na binibitawan. Masakit man isipin ngunit katotohanan na ang siyang humahampas. Ito ang siyang manipestasyon ng pasismo sa bansang sinilangan

Minsang naganap at ninakaw sa atin Ang kalayaan at karapatan na dapat nating tinatamasa pa rin. Limang dekada nang nakalipas, danas natin ang hagupit Ng pagmamanipula’t pagpapaikot sa atin ng buwayang malupit.

Hindi mo ba ramdam, kaibigan? Lumingon ka’t nawa ika’y matauhan. Sapagkat sa kasalukuya’y unti-unti na naman tayong pinagsasamantalahan. Katukin ang iyong puso’t isip, pahalagahan ang nasa laylayan.

Tanungin ang iyong sarili: makukuntento na lamang ban a maging makasarili? Ayaw mo ba na ang ating mga pinaglalaba’y makadudulot ng ginhawa sa nakakarami? Hindi pa huli ang lahat. Damdamin mo’t boses ay iparinig. Halina’t alisin natin ang sa kapwa’y hindi maipaliwanag na nginig

20

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Huling saknong na ito, mkithiin buong sarili’y alamin Handa ba talaga tayong lumaban para sa mga nagmamahal sa atin? Kung oo, buksan ang puso’t isipat lumaban nang may giting Palayain ang taglay mong galing sa larangan ng sining.

Pamagat: Kailangan Ka, May Magagawa Ka

Sukat

Ang tulang ito ay nasa anyong malayang taludturan na kung saan walang sinusunod na sukat o bilang sa bawat taludtod. Saklolo- isang mabigat at nakapanlalambot na salita. Mga biktima nito’y silang kinapos ng lakas ng loob at tiwala. Animo’y nawawala, bahala na sa kung saan dadalhin ng mga paa. Hindi alam kung ano ang gagawin, mananahimik na lamang o lalaban ba.

Saknong

Ang tulang “Kailangam Ka, May Magagawa Ka” ay matatawag na quatrain dahil mayroong bilang na apat na taludtod sa bawat saknong (4,4,4,4,4,4).

Tugma

Ang tulang ito ay tugmaang ganap at di-ganap sapagkat kakikitaan ito ng tugmaang katinig at patinig. Tanungin ang iyong sarili: makukuntento na lamang ban a maging makasarili? Ayaw mo ba na ang ating mga pinaglalaba’y makadu- dulot ng ginhawa sa nakakarami? Hindi pa huli ang lahat. Damdamin mo’t boses ay ipa- rinig.

21

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Halina’t alisin natin ang sa kapwa’y hindi maipaliwa- nag na nginig Kariktan

Ang kariktan sa tula na nakita ay ang: •

Talinghaga

Giting - malakas na determinasyon upang lumaban

Ang tulang ito ay hindi kakikitaan ng matatalinhagang mga salita.

22

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Isang dapit-hapon sa Brgy. Tumana ni Nephi Mae Tangalin Nang tumapak muli ako sa Brgy. Tumama, sa isang dapit-hapon, nakasusulasok ang amoy ng putik mula sa mga eskinita Pumanaw na ang imahe ng eskinita na minsa’y dinaanan ko ng tingin habang nasa kotse.

Nakamartsa ang mga maruruming damit, nabasang dokumento, nasirang apliances, nasa putikan ang mga sirang bombilya, nayuping yero, tone- toneladang tarpolin ng nagdaang eleksiyon sa kahabaan ng daanan.

Mistulang dalampasigan nilisan ng dagat.

Natutunaw ang larawan ng daanang minsa’y malinis at buhay sa kasuluk-sulukan ng aking alaala. Sa nakagigimbal na eksena, sinubukang pagtagpi- tagpiin muli ang larawan ng dating Tumama: buhay at malinis.

Sa pagtatagpi, lagi’t laging may iniiwang peklat ang sakuna Maglalakbay ang peklat hanggang dekada sa siyudad.

23

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Isang dapit-hapon sa Brgy. Tumana

Sukat

Ang tulang ito ay nasa anyong malayang taludturan na kung saan walang sinusunod na sukat o bilang sa bawat taludtod. Nang tumapak muli ako sa Brgy. Tumama, sa isang dapit-hapon, nakasusulasok ang amoy ng putik mula sa mga eskinita Pumanaw na ang imahe ng eskinita na minsa’y dinaanan ko ng tingin habang nasa kotse.

Saknong

Ang tulang “Isang dapit-hapon sa Brgy. Tumana” ay may iba’t ibang bilang na (4,5,6,4,3) taludtod sa bawat saknong, kung kaya’t hindi ito matatawag quatrain kahit na dalawa ang nagkaroon ng apat na bilang ng taludtod.

Tugma

Ang tulang ito ay hindi isinasaalang-alang ang tugmaan sa bawat taludtod. Natutunaw ang larawan ng daanang minsa’y malinis at buhay sa kasuluk-sulukan ng aking alaala. Sa nakagigimbal na eksena, sinubukang pagtagpi- tagpiin muli ang larawan ng dating Tumama: buhay at malinis.

24

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Kariktan

Ang kariktan sa tula na nakita ay ang mga sumusunod: •

Nakagigimbal – kapanapanabik o nakakatakot • Nakakasulasok – napakabaho, napakasangsang na amoy • Dapit-hapon – bago dumilim o sumapit ang gabi “Nakamartsa ang mga maruruming damit”

Talinghaga

Ito ay uri ng tayutay na pagmamalabis dahil sa paglalarawan sa lugar na hindi makatotohanan. “Mistulang dalampasigang nilisan ng dagat” Ito ay metapora sa pinsalang iniwan ng bagyo na inilarawan sa tula. Ito ay pagwawangis sa Brgy. Tumana na buhanginang nilisan ng dagat na kung saan ang kalagayan ng lugar ay makikita mo ang dumi at baho nito.

25

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Liwanag, nasaan ka na ba? ni Leigh Evannessence C. Pendon Puno ng pagtataka at katanungan ang isipan. Inakalang tapos na ang matagal na ipinaglalaban. Natapos na ang pagkukunwari, Pero ito ay isa lang pa lang pagkakamali.

Nabalot ng takot at pighati Ang mga boses na tila hindi na marinig. Pula ang nakikita ko sa bawat sulok ng mga kalsada. Ito na nga ba ang katapusan ng ating bansa?

Hustisya ay hindi na alam ang kahulugan O kung saan mo ito mahahagkan. Pilit akong pumipiglas sa kadenang bumabalot sa aking katawan. Kailan ba ito nawawakasan? Buksan nang maigi ang inyong mga mata. Hindi totoo ang inyong nakikita! Mga mabubulaklak na salita at pagpupunas ng luha Ang kanyang ginagamit upang tayo’y mamanipula.

Mag- isip nang mabuti at huwag magbakasakali. Dapat paalisin ang mapagkunwaring hari! Wala siyang pakialam sa mga buhay na nasawi. Ito na ang pagkakataon para tapusin ang pang-aapi 26

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Liwanag, nasaan ka na ba? Sukat

Ang tulang ito ay nasa anyong malayang taludturan na kung saan walang sinusunod na sukat o bilang sa bawat taludtod. Nabalot ng takot at pighati Ang mga boses na tila hindi na marinig. Pula ang nakikita ko sa bawat sulok ng mga kalsada. Ito na nga ba ang katapusan ng ating bansa?

Saknong

Ang tulang “Liwanag, nasaan ka na ba?” ay may bilang na apat na taludtod sa bawat saknong, kung kaya’t ito ay matatawag quatrain. (4,4,4,4,4)

Tugma

Ang tulang ito ay gumamit ng tugmaang ganap at di-ganap dahil kakikitaan ito ng tugmaang patinig at katinig. Puno ng pagtataka at katanungan ang isipan. Inakalang tapos na ang matagal na ipinaglalaban. Natapos na ang pagkukunwari, Pero ito ay isa lang pa lang pagkakamali.

Kariktan

Ang kariktan sa tula na nakita ay ang: •

Mahahagkan - makakamtan matatamasa ang hustisya

o

“Kadenang bumabalot sa aking katawan”

Talinghaga

Ito ay nasa uri ng tayutay na pagtatao dahil sa pagbibigay buhay ng kadenang bumabalot sa katawan ay ang hindi magagandang karanasan at alaala na hindi mawala sa puso’t isipan.

27

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Manindigan para sa Bayan ni Akire Alrischa Ika’y patuloy na binubusalan Di sila nakuntento, ikaw din ay piniringan Hahayaan mo bang pati tenga mo’y takpan Kailan ka pa ba maninidigan?

Nakikita mo ang kapwa mong Pilipinong ginigipit Ngunit tinitingnan mo ba kung ano ang kanilang sinasapit Naririnig mo na mayroon silang dinaraing, Ngunit pinakikinggan mo ba nang maayos ang kanilang hinaing? Huwag mong sabihing kaya mong unawain Ang bigat ng mga dinadala nilang suliranin Kung ikaw lang din mismo ay wala namang ginagawa Upang matulungang makabangon ang iyong kapwa

Hindi ito sa pagitan lamang Ng pamahalaan at ng ordinaryong tao Kaya huwag mong sabihing “manahimik na lang” Dahil sa ayaw at sa gusto mo, ikaw rin ay apektado Tayo’y patuloy na binubusalan. Kaya tayo ay dapat lumaban, Tayo’y may boses, bigyan ito ng katuturan Gamitin natin ito upang imulat ang lipunan

28

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Di sila nakuntento, tayo din ay piniringan Kaya itigil na ang pagbubulag-bulagan Imulat ang sarili sa katotohanan Ng kinahihinatnan ng mamamayan Huwag nating hayaang pati mga tenga ay takpan Huwag magpadala sa mga bulong nilang kasinungalingan! Mga pangakong wala namang katuparan, Na ang layunin lamang ay sarili nila ang mapayaman Huwag hayaang mamahala sa ating bansa Ang administrasyong dalubhasa sa serbisyong tutaan Pamamalakad na ito, itigil na; Pilipino, tayo ay maninidigan!

Pamagat: Manindigan para sa Bayan

Sukat

Ang tulang ito ay nasa anyong malayang taludturan na kung saan walang sinusunod na sukat o bilang sa bawat taludtod. Ika’y patuloy na binubusalan Di sila nakuntento, ikaw din ay piniringan Hahayaan mo bang pati tenga mo’y takpan Kailan ka pa ba maninidigan? Ang tulang “Manindigan para sa Bayan” ay may bilang na apat na taludtod sa bawat saknong, kung kaya’t ito ay matatawag quatrain. (4,4,4,4,4,4,4,4)

Saknong

29

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Tugma

Ang tulang ito ay gumamit ng tugmaang ganap at di-ganap dahil kakikitaan ito ng tugmaang patinig at katinig. Huwag mong sabihing kaya mong unawain Ang bigat ng mga dinadala nilang suliranin Kung ikaw lang din mismo ay wala namang ginagawa Upang matulungang makabangon ang iyong kapwa

Kariktan

Ang kariktan sa tula na nakita ay ang: •

Talinghaga

Katuturan – ang kahalagahan o importansya ng isang bagay.

Ang tulang ito ay hindi kakikitaan ng matalinghagang mga salita.

30

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

O, Abril ni Djanggo Alagar Binabaha ng tumbagang Abril ang masisikip na pagi-pagitan ng mga dampang yero at playwud, at hinihipan ang tawanan ng mga nakikipagharutang paslit, tago pa rin ang mga bunganga’t ilong at binabantayan ng amang napahinuhod. Lumalarga na ang mga magtatahong bumabagtas sa nanggigitatang aspalto, at pumapahid minsan ng mga butil- butil sa gatlaing noo. Kumakalansing ang barya sa bulsa niya. Naka-de-kwatro sa bangketa, binibilang naman ng batugan ang mga tarat na humahapon sa kawad, habang hinihilamos ng usok ng nikotina ang hanggang pinakapusod ng baga.

Silbatong pupunit, at dali- daling pauuwiin ng ama ang mga bata. Wala na ang batugan sa kinauupuan. At ang magtataho’y namimilipit sa lansangan, sapo- sapo ang mukhang nakatikim ng batuta sapagkat hindi nasasapnan. Kumalat ang barya

31

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: O, Abril

Sukat

Ang tulang ito ay nasa anyong malayang taludturan kung saan walang sinusunod na sukat. Binabaha ng tumbagang Abril ang masisikip na pagi-pagitan ng mga dampang yero at playwud, at hinihipan ang tawanan ng mga nakikipagharutang paslit,

Saknong

Ang tula na ito ay mayroong iba’t ibang bilang ng taludtod sa bawat saknong. Ang bilang ay (16,6).

Tugma

Sa tulang O, Abril, makikita at mababasa na wala itong tugmaan sa bawat hulihan ng taludtod. Lumalarga na ang mga magtatahong bumabagtas sa nanggigitatang aspalto, at pumapahid minsan ng mga butil- butil sa gatlaing noo. Kumakalansing ang barya sa bulsa niya. Naka-de-kwatro sa bangketa, binibilang naman ng batugan ang mga tarat na humahapon sa kawad, habang hinihilamos ng usok ng nikotina ang hanggang pinakapusod ng baga.

32

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Kariktan

Ang kariktan na nakita sat ula ay ang mga sumusunod: • •

Napahinuhod- pumayag o sumasangayon Nangingitatang- maputik o madumi

Ang tula ni Djanggo R. Alajar na “O abril” ay walang makikitang matatalinhagang salita.

Talinhaga

33

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Isang Dakot ng Kape ni Kane L. Blancaflor Dinakot ng kamay ang binhi’t tinanggal ang lupa mula sa balat. Walang pag-aatubiling nilublob sa tubig, hinubad ang pulang sutla na kumukumot, sinaid. Sa kunat ng aming balat, kalauna’y isasalok sa isang masalimuot na lantod.

Sa ilalim ng tirik na araw ibinilad hitik ang init sa mga lawas na hubad. Tinuka ng maya’t pinitas ang ilang kasamang butil hinakot ang ilan, tuyo na ang laman hinihintay ang sentensiya’t malalaman, Saan ba gigilingin? Saan ba tutuusin?

Sa nagngingitngit na ngipin ng malamig na bakal biglang sinilaban, tinusta. Galing sa pusyaw ay pinasa, mula batok hanggang talampakan alimpuyo ng apoy sa loob ng katawang sinisira sa saliw ng bakal na pagod.

34

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Wasak na ang siyang katawan sa sapit ng Hunyo’y di maawatan. Banyuhay kay tagal madatnan, buryo na’t tadtad ang laman, biglang nalusaw nang puksain ng tubig na pinakuluan at diniin Ang dating anyo nam’y inanod na.

Pamagat: Isang Dakot na Kape

Sukat

Ang ito ay nasa anyo ng malayang taludturan kung saan ito ay hindi kakikitaan ng sukat sa bawat taludtod Dinakot ng kamay ang binhi’t tinanggal ang lupa mula sa balat. Walang pag-aatubiling nilublob sa tubig, hinubad ang pulang sutla na kumukumot, sinaid. Sa kunat n gaming balat, kalauna’y isasalok sa isang masalimuot na lantod.

Saknong

Ang tula na ito ay may bilang na pito na taludtod sa bawat saknong, kung kaya’t ito ay matatawag na septet (7,7,7,7). Sa tulang “Isang dakot na kape” ni Kane L Blancaflor, ay walang tugmaang naganap.

Tugma

Sa nagngingitngit na ngipin ng malamig na bakal biglang sinilaban, tinusta.

35

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Galing sa pusyaw ay pinasa, mula batok hanggang talampakan alimpuyo ng apoy sa loob ng katawang sinisira sa saliw ng bakal na pagod.

Kariktan

Ang kariktan na nakita sa tula ay ang mga sumusunod: • • • • •

Lantod- kasalanan Hitik- sagana Lawas- katawan Saliw- pang-aalipin Banyuhay- bagong anyo ng buhay

“Ang dating anyo nami’y naanod na.”

Talinhaga

Ito ay nasa uri ng tayutay na pagmamalabis dahil ito ay nangangahulugan na dating pagkatao ay tuluyan ng kumupas o nawala.

36

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Dalawa ni Quad Maries Corsino Dati sabi mo sa akin Dito lang ako Wag akong lalabas Wag akong makikihalubilo

Hindi ako nakiniog Sumilip ako sa maliit na butas Sa gilid ng kwarto Mga tao sa labas ay sumisigaw

Walang limitasyon May mga hawak na plaka Dala ang iba’t ibang pananawagan Sabi mo wag akong lalabas

Pero ‘di ko na kayang ‘di makihalubilo Noon itinago mo ako sa loob Dahil sabi mo Ang mga nagtatago at tahimik Ay naliligtas dahil may nag-iingay. Hindi na ako magtatago Lagi kong hahanapin ang silipan Ang butas tungo sa lansangan Para maipaglaban ang katarungan 37

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Kalayaan, ang aking bayan Laban sa dalawang lider ng bansang Walang ibang ginawa kundi kitilin Ang mga pangarap Ng mga Pilipinong nabuhay sa katapangan.

Pamagat: Dalawa Ang tulang “Dalawa” ay nasa anyong malayang taludturan kung saan walang sinusunod na sukat.

Sukat

Dati sabi mo sa akin Dito lang ako Wag akong lalabas Wag akong makikihalubilo Ang tulang ito ay mayroong iba’t ibang bilang ng mga taludtod sa bawat saknong. Ang mga bilang ng saknong sa bawat saknong ay (4,4,4,5,9) kung kaya’t hindi ito matatawag na quatrain kahit na karamihan sa bilang ng taludtod ay apat. Sa tulang “Dalawa” ay hindi isinasaalangalang ang paggamit ng tugma.

Saknong

Tugma

Hindi ako nakinig Sumilip ako sa maliit na butas Sa gilid ng kwarto Mga tao sa labas ay sumisigaw

38

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Kariktan

Ang kariktan na nakita sa tula ay ang: •

Makihalubilo - makipag-ugnayan sa isang aktibidad o kaya ay mga grupo ng mga tao.

Ang tula ni Quad Maries Corsino na “Dalawa” ay walang nakatalang matatalinhagang salita.

Talinhaga

39

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Ika-anim na Misteryo ng Hapis: Ang Pangarap ng Pangulo Bilang Tagapagligtas ni Mae Malaya Halos kasing-tunog ng pangako ng mga propeta: May dadating na maliligtas sa mga kasalanan ng naunamapapawi ang maruming kalakaran sa mga madidilim na eskinita; may garantiya na mananagot ang mga mapang-api; may tutubos sa katiwalian ng sangkatauhan. Bigyan ng tatlo hanggang anim na buwan, at malayo na sa kinagisnan.

Ang katotohanan: ang inilukluk ay ang pinakamakasalanan. Babad at malansa na ang kanyang mga damit sa pagpipiga ng mga ebidensiya. Ang lansangan ay tahimik ngunit hindi payapa. Ikinakanlong niya ang mga buwaya’t aswangsama- sama silang halang ang mga bituka’t, namamanhid na ang mga palad sa pamamaslang

40

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Ika-anim na Misteryo ng Hapis: Ang Pangarap ng Pangulo bilang Tagapagligtas Ang tulang “Ikaanim na misteryo ng hapis: Pagpapanggap ng Pangulo bilang Tagapagligtas” ay nasa anyong malayang taludturan kung saan walang sinusunod na sukat.

Sukat

Halos kasing-tunog ng pangako ng mga propeta: May dadating na maliligtas sa mga kasalanan ng naunamapapawi ang maruming kalakaran sa mga madidilim na eskinita; Saknong

Ang tulang ito ay mayroong iba’t ibang ng taludtod sa bawat saknong. Ang bilang ay (12,14)

Tugma

Sa tulang “Ikaanim na misteryo ng hapis: Pagpapanggap ng pangulo bilang tagapagligtas” ay hindi isinasaalang-alang ang tugmaan. Ang katotohanan: ang inilukluk ay ang pinakamakasalanan. Babad at malansa na ang kanyang mga damit sa pagpipiga ng mga ebidensiya.

41

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Kariktan

Ang kariktan na nakita sa tula ay ang mga sumusunod: • •

Garantiya - bagay na ipinanagot sa isang pagkawala Pamamaslang - pananakit, Pangaalipusta.

“Halos kasing - tunog ng mga pangako ng mga propeta.”

Talinhaga

Ito ay nasa uri ng tayutay na pagtutulad dahil ang salitang kasing-tunog ay nangangahulugan na katulad o kapareho. “Sama-sama silang halang ang mga bituka’t namamanhid na.” Ito ay nasa uri ng tayutay na pagtutulad dahil ang halang ang mga bituka ay nangangahulugan na hindi nangingiming pumatay ng tao.

42

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

43

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Paglalapat ng Teoryang Realismo Ayon kay Ramiscal J. (2014), ang layunin ng Teoryang Realismo ay ipakita ang karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kaniyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikang ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ang kasiningan at pagkaepektibo ng may-akda sa kaniyang isinulat. Inilahad sa libro nina Ramos at Mendiola (1994) na mauuwi pa rin ang realismo sa iba pang akdang pampanitikan. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Kritikal na Realismo – ito ay ang mga gawain sa isang lipunang maka-burgis upang ipamalas ang kapangitan at panlulupig na aspekto nito. 2. Soyalistang Realismo – sinisikap dito na maipakita ang katotohanan at ang mga kongkretong paglalahad ng kasaysayan sa isang tunguhing rebolusyunaryo. Sa ibang salita ay hindi nito tuluyang inilalahad ang buhay, bagkus, ipinamamalas ang direksyon ng isang lipunang komunista. 3. Sikolohikal na Realismo – Sinusuri nito ang motibo sa pagkilos ng tao, ang kanilang mga impresyon, lunggati o mga simbuyo ng damdamin. 4. Pino o Mabining Realismo – Pinapaksa naman dito ang buhay ng mga edukadang tao, nahihiga sa salapi at ang mga may ari-arian sa lipunan. Ito ay ang isang uri ng realismo na matimpi, natatakdaan, dalisay at sa kadalisayan nito ay iwinawaksi ang kapangitan, kahindik-hindik, ang magsawa, nakapandidiri o nakakaparimarim. 5. Sentimental na Realismo – ito ay may pagkahillig sa makatotohanang detalye, may gawi ito nang pangangarap ng gising, gayundin sa mga masasayang wakas o ang pagasa sa damdamin kaysa sa kaisipan sa paglutas sa pang-araw-araw na suliranin.

44

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Bikig

Ang tulang “Bikig” ay sumasailalim sa akdang pampanitikan na kritikal na realismo dahil ito ay naglalahad ng mga kilos na hindi bulgar ang paggawa o pagkilos. Sa tulang ito ang pagpapakahulugan sa katahimikan ay hindi kapayapaan bagkus pagpipigil na hindi ilabas ang nalalaman upang walang madamay na ibang tao. Itinatago sa pamamagitan ng katahimikan ang pagkamalupit at masasamang kilos o gawa ng mga namumuno. Maihahalintulad ang tula sa pangyayaring naganap noong taong 2017 sa isang dating pulis na si ex-SPO3 Arturo Lascanas na tumestigo sa senado hinggil sa kanyang papel sa pamamatay na vigilante-style sa syudad ng Davao, na kung saan naging Mayor si Duterte. Si Lascanas ang ikalawang saksi sa Senado na ini-ugnay si Duterte sa Davao Death Squad, grupo ng mga nagsagawa ng pagpatay kung saan ang isang tao ay inaakusahan ng isang krimen at pagpatay nang hindi idinadaan sa patas na paglilitis, na itinanggi naman ni Duterte. Sinabi ni Lascanas na siya ay binayaran sa pagpatay sa mga suspek sa droga at kriminal. Sinabi niya, siya ay binayaran sa halagang P3,000 hanggang P5,000 sa bawat pinag-uutos na trabaho ni Pang. Duterte na pamamatay sa mga inaakusahang gumagamit ng droga. Pumapatay ang mga pulis dahil sa pera at dahil na rin sa takot na mapasama sa mga watch list ng mga suspek sa droga na binuo ng mga pulis at lokal na opisyal. Ulat mula kay Ronald Manila, Filipino Radyo Abril 19, 2017. Pagpapatunay lamang na dahil sa pera ay maaaring hindi kumilos sa tama ang isang tao. Katulad sa tulang ito, maaaring ang persona ay hindi maisiwalat ang katotohanan dahil maaaring siya ay hawak ng pinuno at iniiwas ang sarili gayundin ang mga tao sa kaniyang paligid sa kapahamakan dahil sa mayroon siyang nalalaman sa hindi tamang pamamalakad ng namumuno.

45

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Katahimikang hanggang sa nagtagal ay nakakabingi, nakakarindi at nakakasulasok Wari’y tinik na bumibikig sa lalamunan. Ni halinghing, ni hagawhaw ay humahaplos Sa bawat pandinig. Lahat ay tila nakasalang sa panganib Na sumisigid sa kani-kanilang sistema sa oras na sila ay mag-ingay. - Mula sa ikatlong saknong ng tulang Bikig.

46

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Dawit

Ang tulang Dawit ay sumasalamin sa akdang pampanitikan na pinong realismo na tumatalakay sa mga edukadong tao na gumagawa ng kahindik-hindik na gawain. Ito ay paglalarawan sa tunay na pangyayari sa bansa, na hindi makataong plano sa pagpapatupad ng isinasagawang batas na Republic Act. No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na pinagtibay ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, nilalayon ng batas na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot. Maraming tao ang nadadamay o nasasangkot dahil sa kanilang hindi tamang pagpaparatang na humahantong sa pagpatay ng tao. Maihahalintulad ang tulang ito sa pangyayari noong Hulyo 2016 sa pag-aresto at pagpatay sa mag-amang Renato at Jaypee Bertes ng dalawang pulis na sina PO2 Alipio Balo at PO1 Michael Tomas. Si Jaypee Bertes ay kinikilalang tulak ng droga at ang amang si Renato Bertes ay nadamay dahil ayaw iwan ang kaniyang anak kung kaya’t sinamahan niya ito hanggang sa himpilan ng pulisya. Makalipas ang ilang oras ay nabalitaan na patay na ang mag-ama dahil sa paratang na nanlaban ito sa dalawang pulis. Subalit sa lumabas na imbestigasyon ng Comission on Human Rights, hindi nanlaban ang mag-ama bagkus ito ay binugbog at pinatay ng dalawang pulis. Sinampahan ng kasong murder ang dalawang pulis at naglabas ng arrest warrant noong taong 2017 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang dalawang pulis. Sa tula namang ito, maihahalintulad ang amang si Renato na nadawit sa pamamalakad ng Giyera sa Labanan ng Droga. Isinisiwalat na sa katotohanang pangyayari ay hindi sumasailalim sa tamang paglilitis katulad ng “drug test” sapagkat hinahatulan nang walang tamang ebidensya na ang lahat ng hinuhuli ay

47

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kung kaya’t dahil dito mayroong ibang tao ang nadadamay. Ulat mula kay Mike Navallo, ABS-CBN News noong Hulyo 16, 2021. Manlalamig— Maeestatwa— Ibubulong na tila salamangka, “Di papalag” Samahan ng yuko at kaunting pagrorosaryo. Bago pa ang pagkagat ng posas, sa mga kamay ni Toper Magkukumahog na sa pagtakbo. Isang putok— Dalawang putok— Mapapamura ang tatlong pulis, “Punyemas ‘yung bata sa gilid” - Mula sa ikalimang saknong ng tulang Dawit.

48

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Kailangan Ka, May Magagawa Ka

Ang tulang “Kailangan Ka, May Magagawa ka” ay sumasalamin sa akdang pampanitikan na pinong realismo sapagkat naglalarawan ito sa mga namumunong gumagawa ng karumal-dumal at kahindik-hindik sa lipunan. Maihahalintulad sa mga pangyayari sa pamamahala ni Ferdinand Marcos sa bansang Pilipinas mula 1965 hanggang 1986. Nilagdaan niya ang Proklamasyong 1081 noong Setyembre 21, 1972 na naglagay sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar, na kung saan nagkaroon siya ng kapangyarihan na kontrolin ang iba’t ibang sangay ng pamahaalaan kung saan maraming Pilipino ang nawalan ng karapatan katulad ng pag-aatas sa mga sundalong hulihin ang mga mamamayang hindi sumusunod o sumasang-ayon sa mga hakbang ng pangulo. Ang tumaliwas sa gobyerno ay inabuso at pinahihirapan. Ilan sa mga ginamit bilang pagpapahirap ang panggagahasa, pangunguryente, water cure, at pagbigti. Sa kasalukuyang administrasyon ni Duterte, unti-unti na namang nararanasan ng bansang Pilipinas ang hirap lalo na ng mga Pilipinong nasa laylayan o mga mahihirap na hindi maabutan ng sapat na tulong dahil sa pagkakaroon ng korapsyon sa pundo ng kaban ng bayan. Katulad ng pangyayari noong 2020 sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP), ito ay pundo mula sa kaban ng bayan na ipinamahagi bilang ayuda sa mga salat sa buhay at walang kabuhayan sa gitna ng krisis Covid-19. Nabalita ang isang Barangay Kagawad na si Danilo Flores ng Barangay San Agustin, Hagonoy, Bulacan na di umano’y na huli sa video kung saan sinasabihan niya ang mga SAP financial aid recipients na sila ay makatatanggap lang ng P3,000 na pera at ang natitirang P3,500 ay ibibigay sa alkalde ng bayan para ipamigay sa mga walang nakuhang benepisyo mula

49

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

sa SAP. Ito naman ay itinanggi ni Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz. Ang video na nagpapatunay ay kumalat sa social media kung kaya't ang DSWD sa nasabing lugar ay humingi ng tulong sa kapulisan. Si Flores ay naaresto noong Sabado ng gabi sa paglabag sa Sec.3 (b) Republic Act No. 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act at violation sa Bayanihan Act. Ayon sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año, 2020 “Hindi talaga masisikmura ng taumbayan ang pagbubulsa ng SAP. Ang daming umaasa at naghihintay nito tapos pagkatanggap pa ay may kaltas na. Hindi makatarungan ito para sa mga benipisyaryo at ito ay maling pagpapayaman ng mga korap na opisyal,” Mula sa ulat ng DILG News noong Mayo 5, 2020. Isang senaryong patunay na nagkakaroon ng korapsyon sa kaban ng bayan at hindi nabibigyan ng sapat na tulong ang nakararami lalo’t higit ang mga nasa laylayan ng lipunan. Minsang naganap at ninakaw sa atin Ang kalayaan at karapatan na dapat nating tinatamasa pa rin. Limang dekada nang nakalipas, danas natin ang hagupit Ng pagmamanipula’t pagpapaikot sa atin ng buwayang malupit.

Hindi mo ba ramdam, kaibigan? Lumingon ka’t nawa ika’y matauhan. Sapagkat sa kasalukuya’y unti- unti na naman tayong pinagsasamantalahan. Katukin ang iyong puso’t isip, pahalagahan ang nasa laylayan.

- Mula sa ikatlong saknong ng tulang Kailangan Ka, May Magagawa Ka.

50

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Isang dapit-hapon sa Brgy. Tumana

Ang tulang “Isang dapit-hapon sa Brgy. Tumana” ay sumasailalim sa akdang pampanitikan na pinong realismo dahil ito ay naglalahad ng kalagayang panlipunan na naglalarawan ng masasamang kalagayan ng isang lugar na napinsala ng kalamidad. Maihahalitulad ang tulang ito sa senaryong hagupit ng bagyong Ulysses noong Nobyembre taong 2020 sa Cagayan Valley. Idineklarang nasa ilalim na State of Calamity ang Cagayan dahil sa nararanasang pinakamalaki at pinakamalawak na baha sa kasaysayan ng probinsiya mula sa Cagayan Provincial Information Office. Inilahad naman sa Republic Act 10121, Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na nilagdaan ni dating Pang. Arroyo, sinasabi na dinedeklarang state of calamity ang isang lugar kung ito ay mayroong matinding pinsala sa ari-arian, mass casuality at pagkasira ng kabuhayan, kalsada at normal na pamumuhay ng tao. Maraming tao ang namatay, nasira ang mga tahanan at halos walang natirang ari-arian sa hagupit ng bagyo. Ayon sa ulat ng Radyo Pilipinas, mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na 73 ang kabuuang namatay sa hagupit ng bagyo kabilang ang 24 ang naitala nilang namatay mula sa Region 2 o Cagayan Valley. Aabot naman sa 727,738 na pamilya o katumbas ng 3,052, 049 na indibidwal, mula sa 5,594 na mga barangay naman ang naapektuhan ng bagyo kasama ang Region 3 o Central Luzon, Region 4A o Calabarzon, Region 5 o Bicol, Cordillera at Metro Manila. Samantala, aabot na sa mahigit P2.7 bilyon ang naitalang pinsala sa agrikultura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Cordillera, at National Capital Region (NCR).

51

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Sa kasagsagan ng bagyo sa Cagayan Valley, kaliwa’t kanan ang paghingi ng tulong ng mga tao sa pamamagitan ng social media dahil sa pinakamalawak na baha sa kasaysayan na ang dahilan ay pagbukas ng Magat Dam para sa pagpakawala ng tubig dahil napuno o umabot na sa tamang lebel na kaya ng dam dahil sa walang tigil na buhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Ulysses. Ayon sa isang residenteng si Nicole Irene Torrado, na ang baha sa probinsya at buong Cagayan Valley, “Mas mataas kaysa sa mga nagdaang baha noon. Walang sapat na tauhan ang lokal na pamahalaan para tulungan ang lahat ng tao sa lugar, lalo’t sila ay nagliligtas mula pa kahapon. Tumataas pa rin ang lebel ng tubig sa ngayon at bukas pa ang mga gate ng Magat Dam. Kami ay lubhang nangangailangan ng tulong dahil karamihan sa mga bayan ay nakalubog sa tubig na mas mataas kaysa sa kanilang mga bubong.” Ulat mula kay John Gabriel Agcaoili – ABS-CBN News noong Nobyembre 14, 2020. Pinatunayan lamang na matumal o mabagal ang serbisyo ng pamahalaan pagdating sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi agarang pagbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo katulad ng pagbibigay ng ligtas na lugar upang mabawasan ang bilang ng mga taong namamatay o nasasawi sa hagupit ng bagyo. Natulungan man ngunit hindi agaran, kung kaya’t maraming mga tao ang namatay. Kung hindi kinalampag ang gobyero sa iba’t ibang plataporma katulad ng social media sa mga nangyari sa Cagayan Valley ay hindi agarang matutulungan ang mga tao na nakaranas ng hagupit ng bagyong Ulysses. Mula kay Leo Sarne, Radyo Pilipinas noong Nobyembre 17, 2020.

52

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Nakamartsa ang mga maruruming damit, nabasang dokumento, nasirang apliances, nasa putikan ang mga sirang bombilya, nayuping yero, tone- toneladang tarpolin ng nagdaang eleksiyon sa kahabaan ng daanan.

Mistulang dalampasigan nilisan ng dagat.

Natutunaw ang larawan ng daanang minsa’y malinis at buhay sa kasuluk-sulukan ng aking alaala. Sa nakagigimbal na eksena, sinubukang pagtagpi- tagpiin muli ang larawan ng dating Tumama: buhay at malinis. - Mula sa ikalawa hanggang sa ika-apat na saknong ng Isang dapit-hapon sa Brgy. Tumana.

53

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Liwanag, nasaan ka na ba?

Ang tulang “Liwanag, nasaan ka na ba?” ay sumasalamin sa akdang pampanitikan na pinong realismo sapagkat naglalarawan ito sa mga gumagawa ng karumal-dumal at kahindikhindik sa lipunan. Maihahalintulad ang tulang ito sa pangyayari na mabagal ang pagbibigay ng hustisya sa magkapatid na sina Crizzle Gwynn at Crizzule Luois Maguad na napatay noong Disyembre 10, 2020 sa M’lang North Cotabato pasado alas dos ng hapon. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulisya sa lugar, pinasok ng mga hindi pa kilalang salarin ang bahay ng mga biktima kung saan walang awang pinagsa-saksak at minartilyo ang mga ito. Nakita sa crime scene ang duguang damit ng mga suspek sa likod ng bahay at kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa magkapatid. Samantala, nakaligtas naman ang kanilang kasama sa bahay na kinikilala sa pangalan na “Janice” na sinasabing nakatago pa sa loob ng silid kung kaya ay nakapag-post pa sa kanyang Facebook upang humingi ng tulong. Hindi kalaunan ay umamin si Janice sa pamamagitan ng liham na ibinigay sa mag-asawa na siya ang pumatay sa magkapatid, at agarang dinala sa pangangalaga ng DSWD dahil wala pa sa tamang edad para ikulong sa kulungan. Samantala, patuloy pa rin hinahanap ng mga pulis ang isa pang kasamahan ni Janice. Ayon sa panayam ng “NewsLine Mindanao” sa ama ng mga biktima na si Cruz Maguad, sinasabi nitong inggit at selos umano ang dahilan kung bakit pinatay ni Janice ang kanyang mga anak. Sa Facebook post ni Cruz Maguad nitong Disyembre 24, nakikiusap siya sa mga Cotabatenio at iba pang kalapit na lugar na tulungan sila sa paghahanap sa tatay ni ‘Janice’ dahil malaki ang paniniwala nilang may kinalaman o siya umano ang utak sa pagpatay sa magkapatid na sina Crizzle Gwynn at Crizville Luois Maguad. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa paghahanap ng hustisya 54

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

ang mag-asawang Maguad para sa kanilang mga nasawing anak. Mula sa ulat ni Nicole Therise Marcelo sa Balita noong Disyembre 26, 2021. Hustisya ay hindi na alam ang kahulugan O kung saan mo ito mahahagkan. - Mula sa ikalimang saknong ng tulang “Liwanag, nasaan ka na ba?”

55

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Manindigan para sa Bayan

Ang tulang “Manindigan para sa Bayan” ay sumasalamin sa akdang pampanitikan na sentimental na realismo sapagkat ito ay naglalahad ng mga pangyayari na makatotohanan na hindi lahat ng mga Pilipino ay mayroong paninindigan at may mga tao na patuloy na nagbubulagbulagan sa tunay na nangyayari sa bansa. Gayunpaman, sa huling bahagi ng tula ay nagpapakita ng pagbibigay ng pagkakataon na makabangon muli sa pamamagitan ng pagbubukas ng isip at maging matalinong mamamayan upang hindi manipulahin ng mga namumuno. Ang tulang ito ay ipinapakita ang pagiging tuta ni Pangulo Duterte sa bansang Tsina. Nagiging sunod-sunuran, katulad na lamang pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea na kung saan ang mga mangingisda katulad ni Larry Hugo, 42 taong gulang, isang Pilipinong mangingisda sa kanlurang bahagi ng Pilipinas na nakarananas ng panghaharass mula sa Chinese vessels sa Pag-asa Island na nasa West Philippine Sea noong 2017. Sa isang pakikipanayam ng Maritime Fairtrade kay Hugo, ito ang kanyang muling punta sa naturang sandbar simula Nobyembre noong nakaraang taon, kaya ikinagulat niya na hinaharangan na silang mga mangingisda ng mga Chinese vessels roon. “Noong ako ay patawid ng sandbar Cay 2, bandang 8:30 ng umaga, isang China Coast Guard na may pangalang 5103 ang humarang sa dinaraanan ko” sabi ni Hugo, kaya naman nagmadali siyang bumalik at lumayo dahil sa takot. “Syempre, takot na takot ako. Akala ko aatakihin ako o itataboy gamit ang water cannon katulad ng ginagawa sa ibang mga mangingisda dati,” dagdag pa ni Hugo. Lumabas ang balitang si Pangulo na si Rodrigo Duterte ay nakikipag-ugnayan sa bansang Tsina noong 2016, sa kabila ng mga kaganapan o pangyayaring ito tungkol sa pang-aalipin sa 56

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

mga mangingisdang Pilipino, wala magandang plano upang ipaglaban ang mga Pilipino bagkus ang mga Pilipino ang binalaan ng gobyerno na huwag mangisda sa parte ng Panatag Shoal kahit na ito ay pasok sa Exclusive Econimic Zone ng Pilipinas. Mula sa ulat ni Stanley Buenafe Gajete, Philippine Correspondent, Maritime Fairtrade noong Mayo 17, 2021 Huwag hayaang mamahala sa ating bansa Ang administrasyong dalubhasa sa serbisyong tutaan Pamamalakad na ito, itigil na; Pilipino, tayo ay maninidigan! - Mula sa pito at walong saknong sa tulang Manindigan para sa Bayan.

57

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: O, Abril

Ang tulang “O, Abril” ay nasa ilalim ng sikohikal na realismo na naglalarawan sa aspeto ng buhay, pagpapatunay ng buhay na panloob at mga simbolo ng damdamin. Kung saan ang tula ay pagpuna sa mga nangyayaring karahasan sa lipunan. Ang karanasan ng mga tao noong nagkapandemiya ay isinalaysay sa tula tulad ng sikolohikal na realismo ipinakita dito ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga tao. Maihahalintulad ang balitang pagpapatupad ng lockdown ni Pang. Duterte na nagkaroon ng malaking impak sa bansa. Mula sa Pinoy Weekly isinulat ni Neil Ambion noong, July 20, 2021. Maraming nagutom sa unang tatlong buwan ng ECQ, umabot sa 16.7 porsiyento o 3.9 milyong pamilya ang nakaranas

ng kagutuman ayon sa sarbey ng Social

Weather Station

(SWS). Pagpapatunay lamang na noong panahon ng pandemiya ay maraming pamilya ang nakaranas ng kagutuman. Maraming nawalan ng trabaho at kabuhayan, Ayon sa balitang mula sa ABS-CBN News “Bilang ng mga nawalan ng trabaho sa unang 3 buwan ng 2021: higit 118,000” Mula sa pagsusuri ng ABS-CBN Investigative and Research Group (IRG) sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), 118,210 ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pagbabawas ng mga empleyado o permanenteng pagsasara ng negosyo mula Enero hanggang Marso ng 2021. Bukod pa ito sa halos 600,000 empleyado na natapyasan ang kita dahil nabawasan din ang oras o araw ng trabaho. Pagpapatunay lamang na ito ay tunay na nangyari sa buhay ng mga tao. Maraming mga doktor na namatay simula noong nagsimula ang COVID/Pandemiya, Mula sa GMA News noong Abril 4, 2021 “Bilang ng mga doktor sa Pilipinas na namatay dahil sa COVID-19, mahigit 30 na, ayon sa DOH. Kabilang dito si Dr. Ronald Victorio na binawian ng buhay dahil sa Covid at sa kawalan ng pasilidad o ospital na mapagdadalhan. Ekspresyon ito ng panghihinayang sa buhay ng nakararami (ang kalakhan ay maralita siyempre at kailangang lumabas at kumayod araw araw para mabuhay) sa ilalim ng militaristic na lockdown na ito.

58

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Silbatong pupunit, at dali- daling pauuwiin ng ama ang mga bata. Wala na ang batugan sa kinauupuan. At ang magtataho’y namimilipit sa lansangan, sapo- sapo ang mukhang nakatikim ng batuta sapagkat hindi nasasapnan. Kumalat ang barya. - Mula sa ikalawang saknong ng tulang O, Abril.

59

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Isang Dakot na Kape

Ang tulang "Isang Dakot na Kape" ay nasa ilalim ng sosyalistang realismo kung saan ito ay tumutukoy sa paglalahad ng kalagayan ng lipunan na makatotohanan at kogkretong paglalahad ng kasaysayan at tunguhing rebulusyonaryo. Ang tulang ito at tungkol sa rebulusyon o pakikibaka kung saan ito ay isang kolektibo at hindi indibidwal na hangarin katulad ng isang kapeng tinusta pinaghirapan maraming pagsubok ang pinagdadaanan ngunit nananatiling matibay. Akma ang tula sa sosyalistang realismo sapagkat ipinakikita dito ang kasaysayan mula sa paglaban at pamamalakad. Maihahalintulad ito sa nangyari sa SAF 44, kung saan sinasabing 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang brutal na pinatay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Nasukol ang SAF 44 na nagsisilbing blocking force sa isang maisan sa Bgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao. Kahit nakabulagta na ay binabaril pa at tinataga ang mga miyembro ng SAF. Pagkatapos patayin, ninakaw pa ang mga baril, uniporme, cell phone, pera at iba pang mahalagang gamit ng SAF commandos. Mula ito sa ulat ng Philstar pangyayari noong Enero 25, 2015. Nakipaglaban ng may dedikasyon at pagmamahal sa bayan ang SAF 44 kahit ang naging kapalit ay ang kanilang buhay. Dagdag ang pangyayari noong Mayo 23, 2017 ng sumabog ang balitang ang Marawi ay sinakop ng teroristang grupong Maute. Ang grupo ay pinangungunahan ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute kasama ang sinasabing “Emir” ng ISIS sa Timog Silangang Asya at leader ng Abu Sayyaf Group na si Isnilon Hapilon. Nagsimula ang lahat sa tangkang pag raid at pagdadala ng warrant of arrest ng mga sundalo sa isang bahay sa Basak, Malutlut kung saan napag alaman na ito ay kinaroroonan ng teroristang si Isnilon Hapilon. Doon na nagsimula ang krisis at patayan na umabot ng limang buwan. Nag-iwan ng malaking pinsala sa buong Marawi ang nangyaring krisis. Maraming namatay na mga sundalo, sibilyan at terorista. Umabot sa 163 ang nalagas sa hanay ng ating mga sundalo, habang 847 ang napatay sa hanay ng mga terorista. 47 mga sibilyan ang naitalang namatay dahil naipit sa gulo at 359,680 naman ang mga lumikas na mga residente. Makikita sa dalawang halimbawa na ito ay may kaugnayan sa tula mula sa pakikipaglaban hanggang sa mamatay nakita paglaban sa ano mang pagsubok kahit hindi alam ang kakahinatnan. 60

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Sa nagngingitngit na ngipin ng malamig na bakal biglang sinilaban, tinusta. Galing sa pusyaw ay pinasa, mula batok hanggang talampakan alimpuyo ng apoy sa loob ng katawang sinisira sa saliw ng bakal na pagod - Mula sa ikatlong saknong ng tulang Isang Dakot na Kape.

61

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Dalawa

Ang tulang "Dalawa" ni Quad Marines Corniso ay sumasailalin sa sikolohikal na realismo na binibigyang diin ang pagsisikap na mailarawan ang aspeto ng buhay lalong higit ang tinatagong kahulugan nito. At pagkilos ng isang tao tungo sa hinahangad na kalayaan at mawala ang takot na ipaglaban ang katarungan at mga adhikain na nais maisakatuparan. Maihahalintulad ito sa tunay na kilos ng mga taong matapang na nagpapakita ng paglaban sa kanilang karapatan at katarungan ng bayan. Kaugnay nito ang balitang pagpoprotesta ng mga mag-aaral mula sa iba’t- ibang unibersidad dahil sa pagtaas ng tuition fee sa kolehiyo. Kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit bakit sila ang nagpoprotesta. Noong Mayo 15, 2014 ipinakita sa GMA News ang pagpoprotesta ng mga mag-aaral dahil ang patuloy na pagtaas ng tuition fee sa mga kolehiyo, 'di na raw makatarungan. Ipinaglalaban ng mga mag-aaral na huwag na taasan ang tuition fee. Dahil karamihan sa kanila ay walang sapat na pambayad sa mga bayarin sa paaralan at ang pagtataas ng tuition ay hindi dumaan sa consultasyon sa mga magulang at mag-aaral. Inilathala rin na 354 na unbersidad ang inaprobahan na magtaas ng tuition fee, kung kaya’t para sa mga mag-aaral ay hindi ito makatarungan. Para maipaglaban ang katarungan Kalayaan, ang aking bayan - Mula sa ikaapat at ikalimang taludtod sa ikaapat na saknong ng tulang Dalawa.

62

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Pamagat: Ika-anim na Misteryo ng Hapis: Pagpapanggap ng Pangulo bilang Tagapagligtas”

Ang tulang "Ika-anim na Misteryo ng Hapis: Pagpapanggap ng Pangulo bilang Tagapagligtas" ay nasa ilalim ng kritikal na realismo ito ay naglalarawan ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspetong may kapangitan at panlulupig. Sa tula makikita ang panlulupig ng pangulo sa kanyang nasasakupan. Ang kasamaan ng pamamalakad at pagiging baluktot ng sistema at mga karahasan na nararanasan ng lipunan sa kamay ng pangulong nagpapanggap bilang tagapagligtas. Ang paglaganap ng kapangitan ng pamamalakad at panlulupig sa sinasakupan. Maihahalintulad ito sa mga balitang may kaugnayan sa pagpapatay, katulad na lamang ng mga pinatay mula sa kanyang pinaguutos na drug war killing. Maraming tao ang nadamay, dahil sa walang-awang pagpatay sa mga taong kasangkot sa itinuturong drug dealer. Ngunit hindi lahat ng pinapatay ay adik ang iba ay inosente ngunit nadadamay sa pamamaslang o sinasabing biktima lamang ng Drug War killing katulad ni Renato, na nadamay dahil ayaw iwanan ang anak na si Jaypee Bertes, na tinuturong drug suspect. Lumabas sa pagsusuri ng Commission on Human Rights (CHR) na binugbog ang dalawa bago barilin. — Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News noong Hulyo, 16 2021. Sinasabing dahil sa pamamaslang ay maraming naghirap, mula sa pahayag nang pamilya ni Renato, sila ay nakaranas ng sukdulang paghihirap simula nang mamatay ito noong 2016 sa Mandaluyong City. Tumigil ang tatlong anak niya—edad 13, 10 at 1, sa oras ng pagkatamay niya—sa pag-aaral at naging batang-kalye. “Kinailangan kong magsipag nang mamatay ang tatay ko” sabi ni Robert, panganay, nangongolekta ng basura para suportahan ang pamilya niya. “Ako ang naging tatay ng mga kapatid ko.” Tunay na hindi lahat ng napapatay ay may kasalanan nadadamay lamang ang mga inosenteng kumakayod para sa kanilang pamilya. Hustisya ang sigaw.

63

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Ang lansangan ay tahimik ngunit hindi payapa. Ikinakanlong niya ang mga buwaya’t aswangsama- sama silang halang ang mga bituka’t, namamanhid na ang mga palad sa pamamaslang - Mula sa ikapito hanggang ika-labing-apat na taludtod sa ikalawang saknong ng Ika-anim na misteryo ng hapis: Pagpapanggap ng Pangulo bilang Tagapagligtas.

64

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Inilahad sa aklat ni Becker (1963) na Documents of Modern Literary Realism na idinidiin niya ang tatlong aspekto sa panitikang makatotohanan. Ito ay ang pagpili ng paksa, ang pagbabagong istilo o paraan ng pagsulat at ang pilosopikal na batayan nito na tumutugma sa mga akda ng mga manunulat ng Kalazine. Ayon sa kaniya ang pinapaksa ng panitikang makatotohanan ay pinipili lalo na yung mga pangkaraniwang paksa na nangyayari sa lipunan katulad ng ang mga buhay ng mga mahihirap, ang mga sitwasyong panlipunan katulad pang-aalipin, ang buhay ng mga mayorya o nakararami, at mga hindi kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Gayundin, sa paglalarawan at pagsulat ng mga paksang ito ay gumagamit ng mga salitang masasakit sa damdamin, malalaswang pag-uusap at sa paglalarawan sa kapangitan ng kamunduhan ng mga tao sapagkat ninanasang maipakita ang katapatan sa paglalarawan sa mga kaugalian at sa kilos na tumutugma rin sa paksa ng mga piling tula sa Kalazine. Sinang – ayunan naman ni Daduya (2020), na ang teoryang realismo ay ang teoryang ipinakita ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ayon nga sa mga realista dapat maging katotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Ang realismo ay pumapatungkol sa paksang- sosyo politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naapi. Ikalawa, sa pagbabagong istilo o paraan ng pagsulat ng makatotohanang pangyayari. Inilahad niya na upang matamo ito ay umiiwas sa paglalahad ng opinyon ng may-akda bagkus ay nakabatay sa katotohanang nangyari sa paligid. Ang mga piling tula sa Kalazine ay batay sa obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligid na nagpamulat sa kanilang kamalayan at batay rin sa kanilang sariling karanasan. Sinang – ayunan naman ito ni Prof. Ong (2014) na nilalayon ng teoryang realismo na ipakita sa pamamaraang makatotohanan ang karanasan ng tao at lipunan gayundin ang ideyal na pahuhulma at pananaw sa mga bagay ay itinatakwil. Tinatalakay ang paksang tulad ng mga nangyayari sa paligid mga nakabatay sa sariling karanasan at obserbasyon ng manunulat. Ang ikatlong aspekto naman ay tumatalakay sa

65

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

pilosopikal na batayan. Ayon kay Becker na masalimuot ang paglalapat ng kaugnayan ng pilosopiya sa kalakasan o sa teoryang realismo. Inilahad niya na mayroong apat na uri ng katotohanan. Ito ay ang mga umiigpaw na katotohanang ‘di nakikita, sapagkat nasa kaisipan. Sa paniniwala ni Plato, isang kinikilalang Philosopher, ito ang tunay o ganap na makatotohanan, ang katotohanan sa pansariling karanasan, ang katotohana’y napapaloob sa panlabas na anyo ng mga di-pangkaraniwang bagay at ang huli ay ang kaugnayan ng panlabas na anyo sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari at ang katotohanan sa pagkamulat ng kamalayan. Ang mga tula sa Kalazine ay mga paglalahad, paglalarawan at pagsisiwalat ng mga totoong pangyayari sa paligid na inilathala sa sining ng mga manunulat. Ang mga katotohanang isinatitik ng mga manunulat ng Kalazine ay hindi lamang ordinaryong mga tula, kundi ito ay paglalahad ng mga tunay na nangyayari sa bansa, gayundin ay paglalarawan sa pamamalakad ng administrasyong Marcos at Duterte sa bansang Pilipinas. Dagdag pa, ang katotohanan ay makikita ang kaugnayan nito sa nangyayari sa lipunang burgis at pagpapakita ng kapangitan at panlulupig. Tulad sa nakasulat ito ay isang pagsilip sa nakaraan kung saan ang mga tao ay walang nalalaman at ang mga isip ay hindi nakakalaya sa tanikala. Ayon kay Balzac, inilahad sa pag-aaral ni Dargan (1918) na Critical Analysis of Realism na ang umiiral na kahulugan ng realismo ay sining o kumakatawan sa aktuwalidad na higit na tinitingnan mula sa materyal na pananaw, paraan upang makagawa ng mas malapit na pagkilala sa katotohanan.

66

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Talahayanan 2. Paglalapat ng Teoryang Realismo sa piling mga tula sa Kalazine. Pamagat ng Libro

Mga Akda

Bikig Dawit

KALAZINE mula sa UP Tomo I, Isyu Blg. I

Akdang Pampanit ikan sa Realismo Kritikal na Realismo Pinong Realismo

Kailangan Ka, May Magagawa Ka Isang dapithapon sa Brgy. Tumana

Pinong Realismo

Liwanag, nasaan ka na ba? Manindigan para sa Bayan O’ Abril

Sentiment al na Realismo Sentiment al na Realismo Sikohikal na Realismo Sosyalista ng Realismo Sikolohika l na Realismo Kritikal na Realismo

Isang dakot ng kape Dalawa

Ika-anim na misteryo ng Hapis

Pinong Realismo

Paksa

Pang-aapi Extra Judicial Killings sa ilalim ng Giyera Laban sa Droga Ang mga buhay ng mga mahihirap sa lipunan Paglalarawan sa lugar na hinagupit ng bagyo at sa tumal nang pagtugon ng gobyerno sa kalamidad Pang-aapi

Pang-aapi

Pangyayari sa Pandemya Rebolusyon at Pakikibaka Paghahangad ng Kalayaan

Realismong Pananaw

Ang realismo ay tumatalakay sa katotohanan na nangyayari sa buhay ng tao at sa lipunan. Maaaring ito ay makatha batay sa sariling karanasan at sa obserbasyon ng manunulat sa kaniyang paligid. Ang mga tula na nasuri mula sa KALAZINE ay batay sa makatotohanang pangyayari, karanasan at kamalayan ng mga may-akda. Ang mga paksa ng mga tula batay sa pagsusuri ay mga nararanasan sa lipunan katulad ng pang-aalipin, extra judicial killings, pakikibaka, pamamalakad ng gobyerno, paghahanagad ng kalayaan, panlulupig at ang mga buhay ng mga mahihirap sa lipunan. Ang lahat ng ito ay tugma sa idinidiin ni Becker (1963) sa tinutungo ng panitikang makatotohanan sa kaniyang aklat na may pamagat na Documents of Modern Literary Realism.

Panlulupig ng Pangulo sa kaniyang nasasakupan

67

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

68

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Sanggunian Lumbera, B. (2008). Poetika/politika: tinipong mga tula. UP Press. Bernie C. Santos, C. L. (2007). Sambotani III. Batayang at Sanayang Aklat sa Paglinang sa Kasanayan sa Wika at Panitikan. Manila: Rex Book Store. Angel, D. J. (2019). KAKAYAHAN SA PAGSUSURI NG TULA. American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR), pp-181-187. Becker, G. J. (1963). Documents of Modern Literary Realism. United States of America: Princeton University Press. Ines-Ramos, Victoria at Venancio L. Mendiola. 1994. Kritisismo: Teorya at Paglalapat Sangguniang-aklat sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan sa Kolehiyo. Manila, Phil.: Rex Book Store. Ghaz, S. (2019). ANO ANG PANITIKAN – Kahulugan Ng Panitikan & Mga Halimbawa Nito. Philippine

News.

https://philnews.ph/2019/07/15/ano-ang-panitikan-kahulugan-ng-panitikan-

mga-halimbawa/ Manacpo,

D.

J.

(2019).

Panunuring

Pampanitikan.

Scrib.

https://www.slideshare.net/DanielleJoyceManacpo/panunuring-pampanitikan189643409 Chiutena, M. A. (2014). Tula/ Poem. Scrib. https://www.slideshare.net/angelchiutena/tula41049153 Kalazine Tomo I, Isyu Blg. I. (2021). Kalasag, i-ii.

69

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

ANG KAHULUGAN NG TEORYA (ANO ITO, KONSEPTO AT KAHULUGAN) - AGHAM AT KALUSUGAN. (2022). Encyclopedia Titanica, https://tl.encyclopediatitanica.com/significado-de-teor. Battad, D. H. (2014). Teoryang Realismo. https://prezi.com/m6wzaq7lynfv/teoryang-realismo Gomez, P. (2018). Ano ang Kahulugan ng Tula? https://www.buhayofw.com/ano-ang-kahuluganng-tula-5b3218cf30edd#.YeQTWHpBy5d. Miserale, J. (2019). Tula at Elemento nito. https://www.slideshare.net/JhamieMiserale/grade-10tula-at-elemento-nito. Ramiscal, J. (2014). Teoryang pampanitikan. https://www.slideshare.net/jmramiscal9/teoryangpampanitikan-36668892. Daduya (2020) Mga Teoryang Pampanitikan. https://www.pressreader.com/philippines/panaynews/20200131/281784221072589 ONG, C. G. (2014, Hulyo 19). Lektyur sa Panunuring Pampanitikan. Kritisismong Panliteratura, p. 3. https://pdfcoffee.com/panunuring-pampanitikan-lektyur-pdf-free.html Dargan, E. P. (1918). Studies in Balzac. II. Critical Analysis of Realism. The University of Chicago Press, 351-370 https://www.jstor.org/stable/432743.

70

Booklet sa Pagsusuri ng mga Tula…

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.