FILIPINO Flipbook PDF


27 downloads 117 Views 46KB Size

Recommend Stories


Porque. PDF Created with deskpdf PDF Writer - Trial ::
Porque tu hogar empieza desde adentro. www.avilainteriores.com PDF Created with deskPDF PDF Writer - Trial :: http://www.docudesk.com Avila Interi

EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF
Get Instant Access to eBook Empresas Headhunters Chile PDF at Our Huge Library EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF ==> Download: EMPRESAS HEADHUNTERS CHIL

Story Transcript

Mitolohiyang Norse

Mitolohiyang Pilipino

-Nagmula sa Europa

-Nagmula sa Pilipinas -May mga tauhang sina Odin, Thor, at Loki at sa kanilang mga pamilya. -Ragnarok ang katapusan ng mundo ayon sa mitolohiyang ito. -Ikinuwento ng mga Norse, o mga taong nagmula sa hilaga.

-Naimpluwensiyahan ng iba't-ibang mga kultura sa Asya Nakakababang git ng mga kakaibang mga nilalang

-Umiikot ang mga tauhan sa mga diyos ng pantheon ng Pilipinas, kagaya nila Bathala, Apolaki, Dian Masalanta, at iba pa

Walang katapusan ng mundo ang binanggit sa mitolohiyang ito

Tauhan

Tagpuan

Banghay

Tema

-Rihawani ang isang diyosa o diwata ng puting usa -Dayuhan -Matandang gabay ng mga mangangaso

kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu

Sa kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa na si Rihawani. Upang di naman nila magalit ang sinabing diyosa, sila ay nagiingat sa tuwing sila ay kumukuha ng kanilang mga araw-araw na pangangailangan sa gubat. Dahil naman sa isang kuwento tungkol sa diyosang iyon, mas lalong naging katatakutan ang kagubatan para sa mga mamamayan na nakatira doon. Nunit isang araw, ay may mga dayuhang dumating doon na nais mangaso o mamaril ng hayop-gubat. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay din ang kasaysayan nito na pinanahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag ibiging puntahan ang pook na iyon. Para sa ikatitiyak ng lakad ay pinasamahan ng mga ito ng isang tagagabay. Umalis ang mga ito papunta sa gubat. Pagdating sa paanan ng isang bundok sila ay naghiwa- hiwalay at sinabing magkikita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit di nila alam na ang isa nilang kasama ay humiwalay na at dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang marating nito ang itaas ng bundok ay naisip nitong maglakad at bumaril ng ilang hayop. Sinundan niya ang putting usa hanggang sa mapadpad ito sa tabing-ilang kung saan napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhang papalayo. May makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad at itong binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan ng mangangaso ang puting usa ay may biglang sumulpot sa likuran niya na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril niyang usa. Lalo siyang namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae. Isinumpa nito ang dayuhan upang maging usa din ito at mapabilang sa kaniyang mga alagad. Hinanap nang hinanap ang dayuhan ng kaniyang mga kasamahan ngunit hindi na nila ito nakita. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay iniiwasan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.

Pangalagaan at respetuhi n ang kalikasan

9.

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.