Ibong Liway at ang Kanyang Daang Pabalik Flipbook PDF


85 downloads 119 Views 40MB Size

Recommend Stories


Get Instant Access to ebook Magia Con Velas PDF at Our Huge Library MAGIA CON VELAS PDF. ==> Download: MAGIA CON VELAS PDF
Get Instant Access to eBook Magia Con Velas PDF at Our Huge Library MAGIA CON VELAS PDF ==> Download: MAGIA CON VELAS PDF MAGIA CON VELAS PDF - Are y

230mm OOR HAA ORA ANG. mm TR
W WPST 2 AN NGLE GR RINDER STAND S 1 180/230 mm SU UPPORT POUR MEULEUS M SE D'ANG GLE 180/ /230mm ST TAND VO OOR HAA AKSE SLI IJPMACH HINE 180 0/230mm

Story Transcript

Learning Competencies: Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag, napakinggang teksto at napakinggang ulat F4PB-IIdi-6.1, F4PN-IIi-18.1, F4PN-IIIi-18.2

Storybook Icon Here

This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of the Department of Education. Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use of any purpose of statutes, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in collaborative assemblies and in meetings of public character.

For the purpose of citation, the following is recommended. LastName, FirstName Initial, Mga Kwentong Bayan, DepEd-BLR 2022

DEVELOPMENT TEAM

Sa maulap na lugar sa Kafagway, mayroong mataas na puno ng Pino kung saan naninirahan nang mapayapa ang tribong Billit. Ito ay pinamumunuan ng pinakamatandang ibon na si Apo Kinakchan.

Masisilayan ang pagtutulungan,

pagmamalasakit at pagkakaisa ng mga ibon sa kanilang pang araw-araw na gawain. Sa isang sanga ng puno, may isang pasaway na ibon—ito ay si Liway. Kabaligtaran niya ang pag-uugali ng kanyang mga katribo. Ayaw niyang nauutusan at parati siyang nangangatwiran upang makaiwas sa mga gawain. Katulad na lamang ng pag-iimbak ng palay tuwing umaga, pinipilit niyang mahuling gumising upang wala siyang gagawin.

Isang

araw,

inutusan

ng

kanyang magulang si Liway na magtipon ng palay. Ngunit sa halip na maghanap ay kinuha niya ang mga naipong palay ng ibang ibon. Nakarating ito kay Apo Kinakchan at ipinatawag niya si Liway.

At sa

kalagitnaan ng pag-uusap, biglang kumulog at kumidlat ang kalangitan.

“Ibong Liway! Hindi tama ang iyong ginawa. Ikaw ay kumuha ng hindi sa iyo,” sabi ng malakas na tinig mula sa langit. Tumingala ang mga ibon at nakita nila si Kabunyan. “Ikaw ay dapat parusahan nang mapagtanto mo ang iyong mga pagkakamali. Ang mabigat mong pasanin ay tutubo sa iyong likod,” ang pagwawakas ni Kabunyan sa kanyang hatol. Unti-unting naramdaman ni Liway ang mabibigat na bukol at dahil dito ay nahirapan siyang tumayo. Siya ay lumuha at humingi ng patawad ngunit naglaho na si Kabunyan.

Labis ang kalungkutan at pagsisisi ni Liway. Hindi siya makatingin sa mga kapwa niya ibon dahil sa kahihiyan. Kung kayat tuluyan na siyang umalis at malungkot na lumayo sa puno ng

Pino.

Sa kanyang paglilipad, may nakita siyang isang matandang ibon na naipit sa sanga

ng

puno

niya itong tinulungan

at at

nakita

niyang nahihirapan ito sa sakit. Dali-dali

nilapatan ng lunas ang mga

nabaling pakpak ng

matanda. Nagpasalamat ito sa kanya at tuluyan nang lumipad papalayo. Natuwa si Liway sa kanyang ginawa. Sa ikalawang araw ng kanyang paglalakbay , narinig niya ang isang paruparo na humihingi ng tulong. Nakita niya na hindi ito makawala sa sapot ng gagamba. Mabilis

na

inalis

ni

Liway

ang paruparo sa pagkakasabit.

Nagpasalamat ito at pinabaunan siya ng hawak nitong nektar. Pagkatapos nilang maghiwalay ng landas, naupo saglit si Liway , at nang kanyang haplusin ang likod ay nadama niyang natanggal ang isang bukol.

Napatalon siya sa galak .

Naisip niya na kaya pala natanggal ang bukol sa kanyang likod ay dahil sa bukal sa

kalooban niya ang tumulong. Kinuha niya ang ibinigay na nektar

at humayo.

Sa ikatlong araw, nagising si Liway

sa ingay ng mga bubuyog. “Bzzz, bzzz, bzzz. Nais naming humingi sa hawak mong nektar. Wala kaming nahanap sa mga bulaklak. Gutom na gutom at pagod na pagod na kami,” wika ng mga ito. Hindi nag-atubili at iniabot ni

Liway ang

hawak niyang nektar. “Bzzz,

bzzz,

bzzz.

Kaibigang

Maraming salamat, Ibon. Pagpalain ka

nawa sa iyong kabutihan,” ang masayang wika nila.

Habang minamasdan ni

Liway ang papalayong mga bubuyog, namutawi

muli ang matamis na ngiti sa kanyang mukha at naramdaman niya ang pagkawala ng mabigat na bukol sa kanyang likod. Sa ikalimang araw, habang siya ay kumukuha ng mga buto mula sa puno, narinig niya na tila may tumatangis. Hinanap niya ito at nakita niya ang isang ibon sa maliit na sapa. Tinanong niya kung bakit ito umiiyak.

“Huhuhu, pinaalis ako sa aming tribo dahil sa masama kong nagawa. Labis akong nalulungkot,” ang sambit ng ibon. “Huwag ka ng malungkot, kaibigan. Halika at samahan mo akong kumuha ng mga buto nang sa gayon ay may makain tayo,” ang malamyos na wika ni Liway. Ang dalawang ibon ay magkasamang kumuha ng kanilang pagkain at tuluyan nang nagpahinga sa tuktok ng puno. Naramdaman muli ni Liway na natanggal ang isa pang bukol sa kanyang likod.

Kinaumagahan, lumipad ang dalawang ibon mula sa taas ng puno patungo sa isang tribo ng mga ibon na kanilang natanaw mula sa itaas. Sa kanilang pagdapo ay binati sila at buong-pusong tinanggap ng tribo ng mga agila. Sa kanilang pamamalagi sa lugar, napansin ni Liway ang pagkakatulad ng mga gawain sa kanyang tribo. Muli niyang naalala ang kanyang mga hindi mabubuting pag-uugali. Nalungkot siya subalit naramdaman niya na hindi na siya ang dating pasaway at pilyong ibon. Tumayo siya nang makita niyang papunta na ang mga ibon na kukuha na ng mga butil ng palay. Buong araw ang kanilang pagkuha ng mga butil ngunit

hindi niya naramdaman ang pagod dahil

nasisiyahan siya sa kanyang ginagawa. Napakaganda ng araw na iyon para kay Liway. Hinaplos niyang muli ang likod at paunti na nang paunti ang bigat ng mga bukol.

Pagkatapos nilang magpaalam sa mga agila, ipinagpatuloy ni Liway ang kanilang paglipad kasama ng bago niyang kaibigan. Ito ang ikawalong araw ng paglalakbay ni Liway at nararamdaman niya ang paggaan ng dinadala niya sa kanyang likod at sa kanyang puso. Wala silang kapagurang lumipad hanggang sa may nakita silang tila kumikinang na mga bagay sa isang puno.

“Kaibigan,

tingnan mo ang mga maliliit na ibong ito, tila

wala silang kasama. Dito muna tayo at bantayan sila,” wika ni Liway. At

binantayan

muna

nila

ang

mga

dumating ang kanilang ina. Natuwa at

inakay

hanggang

nagpasalamat

ang

inahing ibon sa kanilang kabutihan at sila ay pinabaunan ng pagkain at tubig. “Salamat mga mabubuting ibon, tatanawin kong malaking utang na loob ang

inyong

pagbantay

sa

aking

mga inakay.

Mag-ingat kayo sa inyong paglalakbay,” ang tuwang-tuwang wika ng Inahing Ibon. “Wala pong anuman. Masaya kaming

nakakatulong sa

mga nangangailangan,” sabay na sagot ng dalawang ibon.

Isang bukol na lang ang natitira sa likod ni Liway. Dahil dito, umaapaw ang kanyang kasiyahan at ikinuwento niya ito sa kanyang kaibigan na natutuwa para sa kanya. Sa kanilang paglalakad sa ikasampung araw, nakita nila ang isang tutubi na halos mawalan ng malay. Agad-agad nila itong nilapitan at nalaman nilang uhaw na uhaw pala ito.

Napilayan ang tutubi kung kayat hindi ito makalapit sa sapa upang makakuha ng tubig. Pinainom nila hanggang sa naibsan ang uhaw nito at tuluyan nang lumakas. Nagpasalamat ang tutubi. Lubos naman ang pasasalamat ni Liway dahil nawala na ang bukol sa kanyang likod. Tumalon sa tuwa at nagpaikot-ikot na lumipad ito. Napakagaan na muli ng kanyang pakiramdam.

“Kaibigan, taos-puso ang aking pasasalamat sa pagsama mo sa aking paglalakbay. Ikaw marahil ay isang anghel na ibinigay ni Kabunyan upang makayanan ko ang mga pagsubok,” ang wika ni Liway. “Walang anuman. Ako rin ay nagpapasalamat dahil tinanggap mo ako bilang isang tunay na kaibigan,” ang nakangiting sagot nito. At dumating na ang araw na babalik sa

na ang dalawa

kani-kanilang tribo . Tuwang-tuwa sila subalit labis din ang

kanilang kalungkutan dahil sa kanilang paghihiwalay. “Kaibigan, dumating na ang oras upang tayo ay umuwi. Alam ko na maipagmamalaki na ako ng aking mga magulang at hindi na ako itataboy ng aking mga kasama,” ang nakangiting sambit ni Liway. “Aking ipapanalangin ang iyong kaligtasan

at gabay ni

Kabunyan,” ani ng kanyang kaibigan. “Napakalungkot ng ating paghihiwalay subalit napakasaya ng ating pagtatagpo. Minsan naiisip ko kung bakit kailangang mangyari ito,” wika muli ni Liway. “Maaaring ganoon talaga, kaibigan. May mga bagay na mahirap

tanggapin at maintindihan subalit alam ko na may mga magagandang dahilan. Sa mga panahon at pagkakataong nais ko nang sumuko, nakatagpo ako ng isang katulad mo na nakakaunawa sa akin,” sagot ng

kanyang kaibigan. “Tama ka, kaibigan. Ako man ay halos bibitaw na sa pagkakapit subalit nang makita kita ay lumakas ang aking loob. At ito marahil ang isa sa pinakamagandang dahilan ng mga pangyayari sa aking paglalakbay. Tunay ngang mahiwaga ang buhay at ang bawat hiwaga nito ay dapat nating pahalagahan,” ang wika ni Liway kasunod ng mahigpit na yakap.

Nakabalik na ang dalawa sa kani-kanilang tribo. Si Liway ay mainit na tinanggap ni Apo Kinakchan at ng kanyang mga kapwa ibon sa Tribo Billit. Niyakap din siya nang mahigpit ng kanyang Nanay Ibon at Tatay Ibon. Mula noon, isinasagawa na ni Liway ang mga mahahalagang aral na natutunan kasama na rito ang mga alaala ng kanyang kaibigan. Isinasabuhay na niya ang pagiging masipag, matulungin at mabait na ibon. Sa mga mukha ng kanyang mga kapwa ibon ay masisilayan ang kagalakan sa pagbabalik ni Ibong Liway. At para sa kanilang pasasalamat kay Kabunyan, nagkaroon ng pagdiriwang ang Tribo Billit sa pamamagitan ng pagpapagaspas ng kanilang mga pakpak sa saliw ng mga gangsa.

Si Ibong Liway ay isang pilyo at pasaway na ibon sa Tribo Billit. Ito ang dahilan ng mga mabibigat na pas-

anin

na kaniyang kakaharapin. Mapagtatagumpayan

kaya niya ang mga pagsubok at makakabalik kaya siya sa kanilang tribo?

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.