LAKBAY-SANAYSAY ESPEÑERA Flipbook PDF

LAKBAY-SANAYSAY ESPEÑERA

18 downloads 109 Views 3MB Size

Recommend Stories


Porque. PDF Created with deskpdf PDF Writer - Trial ::
Porque tu hogar empieza desde adentro. www.avilainteriores.com PDF Created with deskPDF PDF Writer - Trial :: http://www.docudesk.com Avila Interi

EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF
Get Instant Access to eBook Empresas Headhunters Chile PDF at Our Huge Library EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF ==> Download: EMPRESAS HEADHUNTERS CHIL

Story Transcript

Isang Araw na Paglalakbay sa Tanay, Rizal Lakbay-Sanaysay ni Chearlyn Espeñera

Bilang isang kabataan na napabilang sa isang relihiyosong pamilya, Nakagawian ng aming pamilya na pumunta sa isang lugar sa nalalapit na mahal na araw na maaaring makapagbigay ng kapayapaan sa aming kaisipan at kaginhawaan ng aming nararamdaman. Isa sa mga lugar na ito ang pinakabinabalikan ng aming pamilya, Ang Regina Rosarii Institute for Contemplation in Asia.

Sa mahigit dalawang oras na pagbyahe papunta sa destinasyon na ito, kami ay pinatulog muna dahil ang sabi sa amin ng aming kasama na mataas daw ito at sobrang tirik sa araw, kung kaya't aming sinunod ito. Pagkarating namin sa gate nito, sa labas pa lamang ay makikita mo na ang napakaraming taong pumupunta dito, doon ko na rin napaisip na kaya ito ay tampok at kilala ng mga tao dahil sa hiwagang meron ito. Sa pagpasok namin ay hindi pa gaano masisilayan ang napakagandang birhen. Libre ang mga taong pumasok ngunit ang mga nakasasakyan ay kinakailangan magbayad ng 50 pesos para sa paparadahan nito.

Bago kami umakyat sa birhen na iyon ay mayroon sila ng binibigay na mapa na kung saan aakyatin at nagkaroon ng saglit na pagtalakay kung paano at sino ang mga nangangalaga ng Regina RICA. Ang kongregasyon sa likod ng 13.5 ektaryang pilgrim site na ito ay itinatag ng mga dating miyembro ng Dominican Sisters of the Most Holy Rosary noong 2005.

Nakatayo sa tuktok ng burol ang kahanga-hangang imahe ng Our Lady of the Most Holy Rosary. Ito ay isang 71ft na taas na imahe ng Birheng Maria, isang obra maestra ng pintor at iskultor na si Jojo Barcena Jr. Ito ay tiyak na isang gawa ng sining at isang bagay na maaaring mamangha ng mga peregrino ngunit ito ay hindi lamang isang tipikal na malaking Imaheng Birhen. Ang malaking iskulturang ito ay talagang matitirahan at ang mga tao ay talagang hinihikayat na pumasok sa loob para sa kanilang sariling espirituwal na kaliwanagan at pagmumuni-muni. Sa aming pagmamasid sa napakagandang lugar na ito, nagulat kami sa napaka habang lalakarin upang makaakyat sa pinaka tuktok nito. Ngunit, Lubos akong na bighani sa kagandahang taglay nito, bukod sa napakalaki ng birhen na ito ay makikita mo rin ang mga kakahuyan, mga iba't-ibang mga bulaklak, iba't ibang hayop na kanilang inaalaga na parang sila'y isang mangbubukid at makikita mo rin ang kalinisan sa lugar na ito.

Upang makaakyat sa taas nito kinakailangan dumaan sa tinatawag nilang Mary's Sacred Trail. Ito ay daan patungo sa birhen. Hindi ako gaano nakakuha ng mga litrato dahil sa ako'y na bighani sa malawak na lupain kung ito'y iyong titignan. Sa paglalakad din may makikitang mga candle station na kung saan puwedeng magtirik ng kandila at magdasal. Pagkadating namin sa pinaka taas nito ay makikitang ang mantel na kung saan daluyan ng daan patungo sa loob nito. Pinagbawalan na kumuha ng litrato sa loob nito dahil sagrado at bilang respeto sa mga taong nagdadasal sa loob nito.

Pagkatapos namin sa loob ng birhen ay kinakailangan naming bumaba dahil sa aking kapatid na nagutom na kakalakad. Kumain kami sa kanilang cafeteria na kung saan ang kanilang pagkain ay hindi karne, kundi mga sari-saring gulay na galing mismong sa kanilang tanim. Ang aming magulang ay nagustuhan ang kanilang mga putahe at piling pagkain lamang ang kinain ng aking kapatid dahil sa hindi ito kumakain ng gulay. Malinis ang kanilang lugar kung kaya't maaaring ka magnilay nilay at mapagisa. Mayroon rin silang chapel na kung saan nagkakaroon ng misa araw-araw para sa mga taong pumumunta at para narin sa mga humihiling ng kanilang kagalingan .

Mayroon din sila kolumbaryo na kung saan inilalagay ang mga abo ng mga namayapa na.

Sa pagtatapos ng aming paglalakbay, aking natutunan sa pagakyat panaog namin sa isang bundok at sa isang tirik na araw, ay may aral na matututunan. Sa bawat hakbang na aking aakyatin sa isang lugar ay laging may dahilan, hindi dahilan ang pagod at pawis upang hindi gustuhin ang isang bagay. Hindi ko pa man alam kung anong meron sa tuktok ng bundok na iyon natunghayan ko naman ang paparoonan ng mga taong nakasabayan ko.

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.