RPH Illustrated Stories_Frogozo Flipbook PDF

RPH Illustrated Stories_Frogozo

58 downloads 108 Views 7MB Size

Recommend Stories


Illustrated Parts List
Illustrated Parts List Lista de Piezas ES726 Engine Sprayer ES726 Fumigadora SERIAL NUMBERS / NÚMEROS DE SERIE ALL0020001 - TODOS - 9999999 CYLINDE

Porque. PDF Created with deskpdf PDF Writer - Trial ::
Porque tu hogar empieza desde adentro. www.avilainteriores.com PDF Created with deskPDF PDF Writer - Trial :: http://www.docudesk.com Avila Interi

Story Transcript

ISANG MALIGAYANG KAARAWAN


Sir Al Ryanne G. Gatcho SUBMITTED BY: SUBMITTED TO: Augustine Joshua L. Frogozo 1NU13


Sa isang silid aralan, nagmistulang manok sa pagkakatindig ng kanyang ulo ang isang mag-aaral habang nakatitig sa orasan imbes na pakinggan ang talakayan ng guro. Kasabay nang pag-ikot ng mga kamay ng orasan, sinabi niya sa kanyang isip, "Yes, isang oras na lang at matatapos na din!"


Pagsapit ng alas dose ng tanghali, tumunog ang hudyat ng pagtatapos ng klase sa buong paaralan at kanyakanyang ligpit at karipas ang mga mag-aaral mula sa kanilang silid-aralan. “Sa wakas, makakauwi na rin ako upang ipagdiwang ang aking kaarawan, ” masayang ibinulong ni Miguel sa kanyang sarili matapos niyang antabayanan ang oras ng uwian.


Habang siya ay naglalakad, sinurpresa si Miguel ng kanyang mga kaibigang sina Anton at Pamela. “Happy birthday, Miguel! Saan pala ang handaan?” “Basta kainan talaga, mas mabilis pa kayo sa kidlat, ” tawa ni Miguel sabay pasalamat sa pagbati ng kanyang mga kaibigan. “Mamayang hapon, punta kayo sa amin. Maghahanda si nanay ng mga putaheng tiyak na ikabubusog niyo.”


Nang makarating si Miguel sa kanyang tahanan, agad niyang nalanghap ang nakakatakam na amoy mula sa kusina. Hindi niya namalayan at nahila na siya nito tungo sa nanay niyang masipag na nagluluto ng kanyang mga paboritong pagkain. “Nandito na pala ang birthday boy ko, ” sambit ng nanay ni Miguel. “Kumain ka na ba, anak? May spaghetti at fried chicken diyan kung ikaw ay nagugutom.”


“Salamat ‘nay pero busog pa po ako, ” tugon ni Miguel. “Nakakain na po ako kanina sa paaralan kaya tulungan ko na po kayo sa mga preparasyon para sa ating handaan mamaya.” “Manang-mana ka talaga sa tatay mo, ” giit ng nanay ni Miguel. “Gwapo na, mabait at maalagain pa. Sige, halika dito sa tabi ko at hugasan mo itong mga kamatis.”


Dahil sa paghahambing ng kanyang nanay, biglang naalala ni Miguel ang tatay niyang OFW sa ibang bansa. Halos limang taon na simula noong huli silang nagkasama ngunit hindi ito ikinasasama ng loob ni Miguel sapagkat naiintindihan niya ang sakripisyo sa trabaho ng kanyang tatay at kung bakit hindi niya magawang umuwi sa Pilipinas para sa kanyang kaarawan.


Pagdating ng hapon, nakalatag na ang mga masasarap na pagkain at nagsidatingan na ang mga bisita sa tahanan ni Miguel, kabilang ang mga kaibigan niyang sina Anton at Pamela. Maya’t maya pa ay sinindihan na rin ang mga kandilang nasa ibabaw ng keyk upang kantahan at batiin ng lahat si Miguel para sa kanyang espesyal na araw.


Nang humupa ang mga boses, may natanggap si Miguel na maliit na kahon mula sa kanyang nanay na agad naman niyang binuksan para makita ang nilalaman. Sa loob ng kahon ay isang panibagong selpon na matagal na niyang pinapangarap magkaroon. Dahil dito, masaya siyang tumungo sa kanyang nanay upang magpasalamat nang biglaan siyang napatigil matapos tumunog ang selpon.


“Sagutin mo ang tawag, anak, ” sabi ng nanay ni Miguel. “Hindi lamang sa akin ka dapat magpasalamat, kundi sa taong tumatawag din sa iyo ngayon.” Sinagot ni Miguel ang tawag sa selpon at sa kanyang gulat, siya ay nakarinig ng pamilyar na boses na tumunaw sa kanyang puso.


“’Tay, kayo po ba iyan, ” tanong ni Miguel sa kausap niya. “Oo, Miguel, ” tugon ng lalaki. “Si tatay ito, anak. Lumingon ka sa likod mo, nandirito ako.”


Sa kanyang pagtalikod, hindi napigilan ni Miguel ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata nang muli niyang makaharap ang kanyang ama makalipas ang ilang taon. Kaya hindi na siya nagpatumpiktumpik pa at agad na tumakbo upang puntahan ang isa sa pinakamamahal niya sa buhay.


“Paano po kayo nakauwi, ‘tay, ” tanong ni Miguel. “Hindi po ba ipinagbabawal kayong umuwi ng inyong trabaho?” “Ganoon ang kondisyon ng dati kong amo, anak, ” paliwanag ng tatay ni Miguel. “Subalit ngayon, bago na ang aking amo at mas mapagmalasakit pa. Kaya pinayagan niya akong makauwi sa Pilipinas para sama-sama nating maipagdiwang ang iyong kaarawan.”


“Nagustuhan mo ba ang regalo namin sa iyo ng iyong nanay, ” tanong ng tatay ni Miguel.” “Opo, ‘tay, maraming salamat, ” sagot ni Miguel. “Pero kayo po talaga ang aking regalo. Hiniling ko po sa Panginoon na makasama kayo sa aking kaarawan kahit na malayong mangyari ngunit tinupad pa rin Niya ito. Kaya wala na po akong ikagagalak pa. Kinumpleto niyo na po ang aking araw.”


Matapos ang matamis na pagkikita muli ng mag-ama, nagtipon-tipon na ang lahat sa hapag-kainan para magbigay ng pasasalamat sa Panginoon at simulan na ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Miguel kasama ang kanyang pinakamamahal na nanay at sa wakas, ang kanyang tatay.


T H E E N D


Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.