TITLE Flipbook PDF


51 downloads 111 Views 33MB Size

Recommend Stories


Porque. PDF Created with deskpdf PDF Writer - Trial ::
Porque tu hogar empieza desde adentro. www.avilainteriores.com PDF Created with deskPDF PDF Writer - Trial :: http://www.docudesk.com Avila Interi

EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF
Get Instant Access to eBook Empresas Headhunters Chile PDF at Our Huge Library EMPRESAS HEADHUNTERS CHILE PDF ==> Download: EMPRESAS HEADHUNTERS CHIL

Story Transcript

PAHAYAG

Ukol sa Pabalat

Sinukat ng isang mumunting daliri ang guhit at agwat ng bawat hinaing ng mumunting tinig na aking narinig, na ikaw at ako, o tayo ngang lahat. Halina't sikaping itayo ang nais upang sa pag-gising, may lakas at sigla, may bagong pag-asa sa bagong lipunang, ninais ng masa. Konsepto: Laurence Hero R. Rino Dibuho: Hannah Paula C. Gamboa



Paunang Salita Ayon sa kasalukuyan, batay sa nakaraan, mga pangyayaring sa lipunan tila limatik na patuloy at ayaw umalis sa sistemang politikal. May bahid ng dugo ang lupa, may iba’t ibang kulay at mukha ang pamahalaan. Sino, saan at paano makakamtam ang lipunang wagas o dalisay, sa makatuwid ay pamahalaang may puso, maka-Diyos at makatao? Habang naka gapos ang kamay at umid ang dila, sa sistemang kolonyal at mapagharing uri ang Demokrasya ay may piring at nasa kuko ng dilim ay kapos palad ang bayan mong sinta. Ngunit ang araw ay sisikat din, maglalaho ang dilim at liwanag ang mamamalas, habang may mga taong kikilos at magsisikap na itatag ang pangako ng lupang sinilangan. Isang bansa, isang diwa, sa bagong anyo ng sistemang politikal.

Laurence Hero R. Rino Punong Patnugot

T A L A A N N G N I L A L A M A N

Anino Hamak Sonder Silensyo

2 4 6 8

Huwad Tiwala Sulo Paglaum Balota

10 12 14 16 18

Sa Isang Sulok Sagip Buhay

20 22

Kapangyarihan Para sa Pagbabago

24

Pa(g)hinga

26

Bangon

28

Ang Reyalidad

30

T A L A A N N G N I L A L A M A N

KUNG GUSTO NG PAGBABAGO, PUMILI NG BAGO!

32

Pagpuna sa Maling Sistema

34

Orasa

36

Laban Lang

38

Dagap

40

Liwanag sa Dilim

42

|Mga larawan |Mga sining

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco

1

Anino

TULA

Laurence Hero R. Rino

Sa luklukang trono ay aking nakita,

Aninong may taglay ng gayuma’t lakas Ng isang matatag, kabalyerong tunay Na sa bawa’t yugto, agimat ay taglay Ngunit sa pagsapit ng gabing madilim, Aba! Naku naman! Ano nga ba ito? Liwanag ay nasaan, landas ay ginapi! Pati ang tagumpay ng lahat ng lipi! Ika’y Pilipino, Pilipino ako! Ikaw, ako! Tayong dalwa, Sa adhika ay iisa! Subalit nasaan, saan patutungo!? Ang mga hinaing, mga pangarap mo? Na nilulukuban ng ulap at abo, Naglahong pangako ng aral at dangal Sa sulok ng bawat mumunting pangarap… Akala nang una ay magaganap na! Ang kadakilaan ng Poong may Kapal Ngunit ano ngayon ang kinahinatnan? Ng bayan kong sawi na ni sa anino ay ‘di na mawari. 2

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 3

Hamak

TULA

Hanah Kyle J. Hornilla

Tinanggal nya ang pulang tinta sa mga kamay, Kasabay ang pagsigaw ng mga tao sa labas ng aming bahay. Sinisigaw ang pangalan ng aming pamilya, Para bang kami ay sinasamba. Hindi nila alam ang totoong nangyayari. Kung paanong ako'y laging piping saksi. Sa mga dugong dumanak sa mansyon, Bagay na bagay ang pulang t-shirt na gamit namin tuwing eleksyon. Ngumiti at kumaway ang kanyang ginawa. Habang ang mga nakatago ay ngumangawa. Hindi ko mabatid bakit sila naniniwala. Sa pangako niyang lahat ay giginhawa. Ako'y naging bulag at walang sinabi, Kahit gabi gabi'y may humihikbi. Sa kanyang likuran nag susumamo, Mga taong walang ginawa kundi maghangad ng pagbabago Pero ngayon nasilaw na ang mga tao sa titulo ng aming pamilya. Kahit maganda at malinis ang aking bestida, Sa likod nito'y madaming kamay na humihila. Umaasang sila'y aking matutulungan, 'Di nila alam ako'y preso din sa aming tahanan.. 4

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco

5

TULA

Sonder Louise Cassandra P. Almeria

Banaag nating lahat, na kahit maraming beses man tayong ilugmok ng mundo, maraming beses din taong iaahon nito. Ayos lang kung naranasan natin ang pagkatalo, dahil lahat naman dumadaan dito. At sa tingin ko, pinagdaraanan pa rin ito ng karamihan. Dahil marahil, ang sagot lang naman na nakaabang sa dulo- pagtangga sa pagkatalo.

6

dibuho ni Hannah Paula C. Gamboa

7

Silensyo Angelo De Quiroz

TULA

Tuwing alas dose ng gabi, Nagsisilitawan mga gustong bumili. Kaliwa't kanay may mga nakamasid, Magtitipon sa lugar na madilim. Tensyon sa nasabing lugar, Mataas, nakakasakal. Alerto sa anumang paggalaw, Tila mga asong gala na sa tubig ay uhaw. Magsisitakbuhan sa pagdating ng mga pulisya, Magtatago't di na magpapakita. Tila mataya-taya ng matatanda, Mga nahuli'y sa rehas ang punta. Sa eskinitang masikip, Darating ang mga nakaunipormi, Kakatok sa pintuan ng nasabing tagapagbili, Ngunit hindi tiyak, kung ito nga ba ang tunay na salarin. Gatilyo'y kinalabit, ni mamang pulis, Kanyang inakalang hawak ng salari'y, isang patalim Ngunit huli nang lahat ng kaniyang napagtanto, Na ang hawak ng binatilyo, Isa lamang pang-gantsilyo. 8

dibuho ni Hannah Paula C. Gamboa

9

TULA

Huwad Justin Carl M. Libo-on

Ang botohan ay malapit na, kay raming biglang nagpapakita. Mga tatakbong may pa-sorpresang programa na tila bang napaka maaalintana. mga ngiting akala mo'y napaka makatotohanan, na para bang magiging maganda ang ating kinabukasan. ngunit kapag sila'y 'di nakaharap mayroon din ba silang pangarap? sakanilang matatamis na salita, na madami kaagad ang naniniwala. mga pangako na ipinangako na nila noong nakaraang botohan. ngayo'y may nanalo na, at wala nang magagawa pa. saglit na kasiyahan bago mag halalan, ngayon nama'y napaltan na ng kalungkutan.

10

dibuho ni Hannah Paula C. Gamboa

11

TULA

Tiwala Kurt Adrian Consignado

Marami pang araw ang darating Hindi pa tayo mauubusan ng araw Hindi rin tayo dapat mawalan ng pag-asa Matuto tayong maniwala sa kakayanan natin Dahil ang tunay na tagumpay, Ay hindi dapat inaasa sa iba Matuto na tayong lumaban, Nang tayo-tayo lang Maraming tao ang nangangailangan, Tayo lang din naman ang magtutulungan 'Wag na tayo umasa sa iba Baka mag-mukha lang tayong kawawa Lilipas din ang lahat ng ito Kahit mahirap sa karamihan, Kahit matagal na panahon Ang mahalaga ay may hangganan Itanim natin sa ating isipan Na 'wag nang umasa pa sa gobyerno Dahil wala naman tayong katiyakan Kung matutulungan ba tayo ng mga ito 12

dibuho ni Hannah Paula C. Gamboa

13

TULA

Sulo Gimiel Eduard B. Aldovino

Sa malawak na mundo ng kawalan at puno ng kadiliman, May liwanag ako na nasumpungan. Parang isang tanglaw Na sa damdamin ko'y pumukaw. Nagpapalakas upang harapin ang araw. At mga pagsubok na umaalingawngaw. Sinira ang malarehas na takot, Upang harapin ang buhay na puro salot. Siyang nag bigay ng pag-asa Sa Espiritu kong nanghihina at isang aba. Bawat pagsubok ay na babata, Sapagkat siya'y isang pagpapala ni Bathala. Oh Apoy! na sa mata'y nakasisilaw Liwanag mo sanay wag mapugnaw. Ako ay wag mong lilisanin at lulubayan, Tayo'y magsasama hanggang sa huling hantungan.

14

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 15

TULA

Paglaum Hanah Kyle J. Hornilla

Sa mundong marahas na aking gusto baguhin, Mahirap gawin pero aking pipilitin. Para sa mga batang nangangarap, Mga matandang matagal nang nalugmok sa hirap. Madami ang tinanggalan ng pribelehiyo, Katulad ng mga nasa bukid na halos mabali na ang buto. Hindi madaling magtanim ng kanin na kakainin mo, Hindi mabilis anihin ang pera mula rito. Sa mga kasabayan ko na negosyo ang politika, Mahirap lumaban dahil sila'y kilala na. Pero aking susubukan na baguhin ang sistema, Dahil mahal ko ang mga taong aking nakakasama. Sa politika na aking papasukin, Madaming tao ang tututol sa akin. Utak ang aking pagaganahin, Para maisagawa ko ng maayos ang aking tungkulin.

16

dibuho ni Hannah Paula C. Gamboa 17

Balota

TULA

Laurence Hero R. Rino

Dahong papel, badya ng eleksyon Pangulo, Senador, at mga kasama Sa listahang legal ay ‘yong makikita Larawan ng mga tunay na artista Kulang ang panahon, aral na ‘di sapat Ang mga balakid, sa tamad ay ‘di na kailangang ganap. Sa kulay ng bawat nalimbag na papel May lihim na ngiti, ang bawat tumanggap May dagdag may bawas Mayroon pang nawala Buti na nga lamang daliring may tinta Ay napatunayang may bisa nga pala Ngunit nang matapos ang bilangan dito, Si Jua’y nalito, bakit nga ba ganito? Plus ba o minus, lalong hindi divide? Kundi na multiply ang bilang ng mga botong na-ilista Kung ganito ang buhay ng bayan kong sinta, Ay nanaisin kong bigyan ng hustisya Ang mga nanalo, 0 natalo kaya? Upang sa itaas, magparehas sila. 18

dibuho ni Hannah Paula C. Gamboa 19

Sa isang sulok

TULA

Gimiel Eduard B. Aldovino

Sa paglakad sa mga madidilim na eskinita 'di namamalayan ako'y pinagmamatyagan na pala. Mga ingay ng mga sa kalye ay tambay, Ako'y kinakabahan kayat akin nang binilisan. Parang isang tupa na lumalayo sa ganid na lobo. Lumiko at yumuko, umilag at umiwas. Mga hanging maingay at mga tamang umalingawngaw, Ako ay napadapa at nagmamakaawa. Umusal ng dasal bago nabuwal. Sa lupa ay sumadsad, napayuko. Walang magawa, ako'y napariwara. Huwag po! huwag po! Siyang aking sigaw. Nang pukpukin at humandusay, Sa kamay ko'y may nilagay. Isang sisidlan at isang panlaban Tinawag ako biglang adik na nanglaban. Katarungan ay nasaan oh aking bayan? Mga mahihina ay binabalewala. Tanging mayaman ang may katarungan. Buhay koy walang halaga at ngayo'y payapa na! 20

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 21

TULA

Sagip Buhay Laurence Hero R. Rino

Sa mundo ng isang matinding pag-subok, Sakit na ‘di kayang gamutin ng lubos Sinaklot bg takot ang sangkatauhan Kamataya’y ganap! Sa isang iglap lamang.! Lindol, bagyo’t baha at may pandemya pa Saan patutungo ang mahal kong bayan? Mabuti na lamang may butihing Diyos, At gabay ng taong nagtiwalang lubos Kailangan pa bang sila ay tanungin, At isipin sila ay ‘di naninimdim? Sa biglang pagpanaw ng mahal sa buhay, Ang puso ay lito, walang susulingan Ayuda ang sagot sa mumunting sugat Nag-agdon ng konting hilom ng sikmura Natutong humanap ng ikabubuhay Sa munting salaping, ginawang puhunan Kapos ma’t ‘di sapat Ay nagsilbing daan, Tulong na ginawa Para sa lipunan… 22

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 23

TULA

Kapangyarihan para sa pagbabago Mishca Jazmin T. Coloma

Kapangyarihang taglay ng gobyerno Daan sa maayos na pamumuno Ngunit kadalasa’y inaabuso Ng mga taong nakaupo sa trono. Pagnanakaw, pagpatay, at korapsyon At iba pang krimen laban sa nasyon Natatakasan at ni walang aksyon Ng mga politikong nasa posisyon. Imbes gamitin para sa pag-unlad Mga tao’y patuloy na nasasagad Sa sistemang walang puso’t dignidad Kaloob ng mga politikong tamad. Ngayon ay panahon ng pagbabago Kapangyarihan ay nasa mga tao At hindi sa mga tiwaling gobyerno Kaya’t gamitin sa tama ang boto.

24

dibuho ni Hannah Paula C. Gamboa 25

TULA

Pa(g)hinga Louise Cassandra P. Almeria

Hindi ka sayang, At sa pagkatalo mo'y 'di kami nanghihinayang Kung ano ang mga maitutulong mo Kahit hindi ikaw ang namumuno Oras mo lang siguro Para magpahinga muna Nasa puso namin ang lahat ng sakripisyo mo sa ating bayan-- hinding-hindi namin ito makakalimutan.

26

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 27

TULA

Bangon Kurt Adrian Consignado

Kahit masakit ang pagkadapa, bumabangon pa rin at nagtitiwala. Kahit nabigo, wala tayong balak sumuko. Huwag kang magtatagal sa dilim ng pagdadalamhati. Bigyan mo ng pabor ang 'yong sarili. Sandalinh yakapin ang pighati, bumuntong-hininga, at umusad na muli.

28

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 29

Ang Reyalidad

TULA

John Nicolai O. Inal

Isang politikong lider ang pinagkatiwalaan Alam nating hindi niya tayo pababayaan Siya’y ating pinagkatiwalaan Para pangunahan, ating bansang sinilangan Sa ilang buwan na niyang pagkakaupo Bakit tila walang pagbabago Baya’y humihingi na ng saklolo Walang aksiyon, mga taong nasa pwesto Humaharap ang lider sa publiko Sambit nilang napakaraming dada Sigurado bang mga gawa nila'y tama, O isa lamang nilang niyang haka-haka

Napakahirap solusyonan ang korapsiyon Bunga nito ang hirap sa pagbangon Kailan makakabangon sa kahirapan Kung gobyerno'y abuso sa kapangyarihan Nabanggit na rin ito ng ating bayaning si Luna Ang bayaning pinatay lamang din ng mga pilipino Naiwasan sana natin ang pananakop ng Amerikano Kung ang bawat Pilipino'y may pagkakaisa

30

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 31

TULA

KUNG GUSTO NG PAGBABAGO, PUMILI NG BAGO! Marithe Dominic Magora

Hindi ko masikmura ang labis na kabuktutan ng mga mamamayang nauto at tuluyang nabayaran Ng mga buwayang takot madungisan ang ngalan ngunit patuloy parin sa paggawa ng katiwalian Gising mga kababayan, gising mga kapatid! Ako sa inyo'y may nais ipabatid Nawa'y isipan niyo'y lisanin niyang kitid At doon dumaan sa ginhawang kaniyang hatid Sumisid upang malaman kung gaano kalalim Kaniyang prinsipyonyong sa iba'y ubod ng dilim Ngunit kailanman ay hindi naging sakim Bagkus ipinamamahagi ang kaniyang tanim Pliin natin ang siyang malinis ang hangarin Dumi ng nakaraa't kasalukuya'y nais walisin Upang sa hinaharap na malamghap sariwang hangin na matagal na nating nais kamitin

32

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 33

Pagpuna sa Maling Sistema

TULA

Laurence Hero R. Rino

Pangkaraniwan nalang ang mga isyu na nagatibo, Bakit tila palagi na lang ganito? At tila imbes na humanap ng mga posibleng paraan para masolusyunan ito, Nakuha nyo pang-magsisihan kung sino. Mga mata na pinipilit na nagbubulag-bulagan Sa mga isyu ng edukasyon, pulitika, kahirapan, Pagbibigay ng opinyon ay tila nawalan ng karapatan lilan lamang 'yan sa mga isyu na kinakaharap ng ating bayan Imulat na natin ating mga mata, dahil ito ay napapanahon na Baguhin ang nakasanayan at ang agos ng pagpapalakad sa bansa Ating imulat ang katotohanan na ang mga pangakong binitiwan, Hindi na talaga muling nabigyang solusyonan. Mga kapwa ko tumataguyod sa karapatang Pilipino, Hanggang kailan ka ba tutunganga? Na tulungan at kaawaan at aasa na lang sa iba? Dahil mayro'n ka namang magagawa, Tara na’t mga kababayan tungo sa bansang gustong makamtan!

34

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 35

TULA

Orasa Angelo De Quiroz

Naging liwanag ng 'sang-katauhan, Hagdan tungo sa kinabukasan At munting pag-asa kung saan, lahat ay nagsipagtulungan, Ngunit bakit sa ating kasukdulan, ay kasabay ang 'yong pagbagsak sa upuan. Tila mga asul na ulap, Nagmistulang kulay-abo sa aking paningin. Ang kulay na iyong ipinagkaloob sa akin, Naglaho kasama ang mga bituin. Ibalik natin ang oras, kung saan nagsimulang pumunta ang lahat sa maling landas, Ngunit paano ibabalik ang oras, kung lahat ng kakalabasa'y madilim at walang pagaspas.

36

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 37

TULA

Laban lang Louise Cassandra P. Almeria

Matatamasa natin ang tagumpay Na hinahangad ng bawat isa Basta't tayo'y magtutulungan Anuman ang mangyari Magtiwala lang tayo sa ating sarili- kakayanin natin ito.

38

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 39

Dagap

TULA

Marithe Dominic Magora

Ang puso ng tao ay isang batingaw Sa palo ng hirap, umaalingawngaw Pitik ng bawat sandali'y kung tumalima'y kala mo isang tinik na di mawangis-wangis Poot siya't pighati kung lamunin ako'y walang pagalinlangan, kaya't sa bawat sandali'y ginagap ang pagiging hungkag Ako'y humahangos sa bawat sandaling naririyan ka, pagkat sa pakiramdam ay talagang nagpakadali-dalita Dinuduhapa ka ng iyong pagkawi Pagkalilo mo'y dinaan sa madalumat-lumat na paraan Lumilingap-lingap sa kung saan na tila isang si sisa na di alam kung ano ang gagawin Ito nga'y nagdulot ng matinding salagimsim sa akin

40

dibuho ni Alyssa Ashley Gillaco 41

Liwanag sa Dilim

TULA

Laurence Hero R. Rino

Sa dilim ng pulitika, tila walang liwanag Sa mga pangakong walang katuturan at panlilinlang Ang mga lider ay nagpapanggap lang na tapat At ang bayan ay nalulunod sa kadiliman Ngunit may pag-asa pa, sa gitna ng gulo May mga taong naglalabas ng liwanag sa dilim Silang nagtataguyod ng katotohanan at katarungan At hindi nagpapatalo sa mga dayuhang dilim Ang pag-asa ay nagmumula sa mga taong walang takot Na tumatayo para sa kapakanan ng bayan Hindi sila natatakot sa mga kapangyarihan At hindi nagpapahuli sa paglalaban Ang pag-asa ay nagmumula sa mga taong walang kinikilingan Na nagtatrabaho para sa ikauunlad ng lahat Hindi sila nagpapakatino sa mga pangakong walang katuturan At hindi nagpapahuli sa pagtutulungan Sa dilim ng pulitika, may liwanag pa rin Sa mga taong naglalabas ng pag-asa sa dilim Ang pag-asa ay nagmumula sa mga tapat at matapat Na hindi sumusuko sa kadiliman ng pulitika.

42

Photo Page

Tanglaw Laurence Hero R. Rino

44

Gintong Rehas Laurence Hero R. Rino 45

46

47

Artists' Page

Tatsulok Hannah Paula C. Gamboa 49

PEPSI Alyssa Ashley A. Gillaco 50

Pasasalamat

Isa sa sakit ng lipunan ay ang patuloy na pagsuporta sa korap na gobyerno ng sambayanan at sa pamamagitan ng publikasyon na ito ay nabigyang kaalaman ang bawat isa na mayroon tayong karapatan na ihayag ang ating nararamdaman.

Ako ay nag-aabot ng lubos na pasasalamat sa paglalaan ninyo ng oras upang pagbulay-bulayan ang pahayagang ito, at ngayon na nabasa at narinig na ninyo ang mga hinaing at isyung pulitikal ay sabay-sabay nating puksain ang katiwaliang nangyayari sa ating lipunan.

Taos pusong pasasalamat sa mga naging parte ng publikasyong ito sa inyong pagpupursigi at paglalaan ng oras upang maging matagumpay ito. Salamat sa inyong ipinamalas na talento at talino.

At sa pagtatapos ng adhikaing ito nawa'y tumalima sa kaibuturan ng inyong mga puso ang nilalaman ng publikasyong ito. Malayo pa ang mararating ng ating mga tinig hanggang sa susunod na henerasyon.

LAURENCE HERO R. RINO Punong Patnugot

Ilabas ang boses sa bawat tulang ibabahagi! Maliit o malaki gagawa tayo ng pagbabago.

EDITORIAL BOARD Punong Patnugot | LAURENCE HERO R. RINO Katuwang Patnugot | HANNAH KYLE J. HORNILLA Katuwang na Patnugot - Malikhain | ALYSSA ASHLEY GILLACO Patnugot ng Pagwawasto | LAURENCE HERO R. RINO Patnugot ng Sining | HANNAH PAULA C. GAMBOA

Mga manunulat GIMIEL EDUARD B. ALDOVINO LOUISE CASSANDRA P. ALMERIA MISHCA JAZMIN T. COLOMA KURT ADRIAN M. CONSIGNADO ANGELO DE QUIROZ HANNAH PAULA C. GAMBOA ALYSSA ASHLEY GILLACO HANNAH KYLE J. HORNILLA JOHN NICOLAI O. INAL JUSTIN CARL M. LIBO-ON MARITHE DOMINIC MAGORA LAURENCE HERO R. RINO

Dibuhista HANNAH PAULA C. GAMBOA ALYSSA ASHLEY GILLACO

Litratista LAURENCE HERO R. RINO

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.