Porque tu hogar empieza desde adentro.
www.avilainteriores.com
PDF Created with deskPDF PDF Writer - Trial :: http://www.docudesk.com
Avila Interi
Story Transcript
(Alamat ng Plastik)
Isang araw may masayang pamilya na nakatira sa malapit sa dalampasigan. Ang kanilang bahay ay kasing laki ng palasyo, isa-isang kwarto para sa magkakapatid, at maaliwanas na kusina, na punong puno ng kanilang paboritong pagkain na isda na hinuli para sakanilang pamilya. Ang pamilya na ito ay mahilig din sa paglilinis, sila ay walang katulong sa kanilang mala-palasyong bahay sadyang gusto lang nila na sila lang ang nakatira sa kanilang bahay. Isang araw, ang kanilang basurahan ay napuno at saktong hindi dinaanan ng basurero ang kanilang basura sa labas ng kanilang bahay. "Ma! puno na po ang ating basura, paano ko po ito maitatapon?" sabi ng bunso. At dahil hindi kumibo ang kanyang nanay, napagisipan nyang itapon ang basura sa dagat.
Kinabukasan, ang kanilang mangngingisda humuli ng sariwang isda para sa pamilya, ginawa nila itong pritong isda para sakanilang umagahan. Pagkatapos nila kumain sumakit ang tiyan ng bunso "Ma, sumasakit ang tiyan dahil sa isdang nakain ko!" sabi ng bunso "Nako nak, halina't tayo pumunta sa ospital" sabi ng nanay na nagaalala sa kanya. Mamaya-maya sila ay nakapunta na sa ospital at pinakunsulta na sa doktor. "Wala po kaming makitang mali kung bakit sumasakit ang tiyan ng iyong anak, kaya hindi na rin po namin bibigyan ng gamot. Maari na po kayong umuwi" sabi ng doktor "Ma, sumasakit po talaga ang aking tiyan" sabi ng bunso. At naisip ng nanay na pumunta sa albunaryo.
Hadaliang pumunta sa albunaryoang mag ina at pinatingin ang bunso. Nung pinapakita na ang bunso sa albunaryo. "Nako! NAKAIN NYA ANG ISDANG PLASTIK!" MAY NABUONG PLASTIK SA TIYAN NG IYONG ANAK!" "Isdang plastik na kumakain ng basura sa dagat, kung sino man nagtapon dito, siya ay mananagutan at magiging plastik na pakalat-kalat" sabi ng albunaryo. "Ma! sobrang sakit na po ng aking tiyan at ako'y natatakot na po" sabi ng anak. Paguwi ng mag ina, nagpahinga ang bunso.
Kinabukasan, pagkagising ng nanay pumunta ito agad sa kawrto ng bunso niya, kumakatok ng kumakatok ang nanay pagkapasok sa kwarto nakita niya na nawawala ang bata. SInabi ng nanay, "Totoo nga ang sinabi ng albunaryo".
Ipinasa kay: Sir Akiko John Domingo Ipinasa ni: Mary Angelei C. Cruz 7- Fe Del Mundo