MANUAL, C-COM-8, GROUP NAME Flipbook PDF

MANUAL, C-COM-8, GROUP NAME

86 downloads 107 Views 12MB Size

Story Transcript

UST NSTP CWTS | LTS Disaster Risk Reduction and Management

FIRST AID MANUAL FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINT INJURY EMERGENCIES

TitleHere Prepared by:

Go, Kelvin M. Linag, Reymabel C. Magbalon, Chyrinaica Kristienne A. Marcos, Michael Lito R. Mariano, Maria Rebelinda H. Mendoza, Celestine T. Mercado, Sophia Angelica S.

C-COM-8 GROUP 3

Professor Gener Ansaldo Jr.

SUMMARY OF CONTENTS FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINT INJURY EMERGENCIES

MEMBERS OF THE GROUP INTRODUCTION FIRST AID CARDIAC ARREST FRACTURE

NSTP GROUP INFORMATION FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINT INJURY EMERGENCIES

GROUP NAME

Kelvin M. Go [email protected]

Reymabel C. Linag [email protected]

Chyrinaica Kristienne A. Magbalon [email protected]

NSTP GROUP INFORMATION FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINT INJURY EMERGENCIES

Michael Lito R. Marcos [email protected]

Maria Rebelinda H. Mariano [email protected]

Celestine T. Mendoza [email protected]

Sophia Angelica S. Mercado [email protected]

TITLE OF THE ACTIVITY FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINT INJURY EMERGENCIES

I

TITLE

BACKGROUND AND RATIONALE

INTRODUCTION

Ang first aid instructional manual ay ginagamit upang makapagbigay alam at gabay. Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng agarang lunas sa mga naaksidente o sugatang mga pasyente hanggang sa makakuha ng propesyonal at buong medikal na tulong. Ang layunin nito ay para maiwasan na lumalala ang medikal na mga kondisyon. Ang pangunahing layunin ng pagbibigay ng paunang lunas o first aid ay upang maiwasan ang dagdag na pinsala na maaaring matamo ng isang indibidwal mula sa isang sakuna o karamdaman. Ang mga hakbang na ito ay makakatulong upang mapagaan ang sitwasyon at maibsan ang sakit na nadarama ng naapektuhan na indibidwal hanggang sa oras na siya ay madala sa pagamutan. Matitiyak din nito ang kaligtasan ng indibidwal lalo na kung siya man ay nawalan ng malay. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas ay mahalaga sapagkat ang anumang sakuna o karamdaman ay maaaring mangyari sa kahit anong oras o pagkakataon. Bilang isang indibidwal, dapat ay matuto ang lahat na makapagbigay ng paunang lunas, ito man ay sa isang tahanan, paaralan, trabaho, o pampublikong lugar. Dapat na tandaan na dahil dito, maaaring maisalba ang buhay ng isang naapektuhan na indibidwal mula sa hindi inaasahang pangyayari.

BACKGROUND AND RATIONALE

INTRODUCTION

Ang gampanin ng mga kalapit na komunidad ay napakahalaga rin sa pagtulong sa mga kalamidad at aksidente na nangyayari sa ating bansa. Sa pagkakaroon ng ligtas at matatag na pakikisama sa komunidad, ang pagpapatupad ng isang estratehiya kaugnay ng Disaster Risk Reduction ay patuloy na napapabuti ang anumang kasalukuyang sitwasyon. Ang isang emergency management system ay may kakayahan sa aktibong pag sasagawa, pag-tingin ng sitwasyon, pakikipag-ugnayan, paglimita sa mga kalamidad bago ito maganap, at pati na rin ang pagsuporta sa pagbangon pagkatapos ng kalamidad. Ang kalamidad, prayoridad na pagtatakda, at paggawa ng desisyon ay proactive, ipinaalam, at isinama sa pagpaplano at pamamahala ng mga organisasyon, kasama ang pamahalaan, lokal na komunidad, at tugon sa mga samahan na malinaw na tinukoy ang mga tungkulin at responsibilidad. Ang mga pamayanan, pamilya, at indibiduwal ay mahalagang malaman at matutuhan ang kahalagahan ng kahandaan sa hindi inaasahang mga pangyayari, sapagkat mas matatag at mabilis ang bawat isa na makabawi. May mga tugon sistema sa lugar na may kinakailangang kapasidad na maaaring aktibahin kaagad sa kaganapan ng isang kalamidad. Ang mga munisipalidad, kasapi sa lokal na gobyerno, at pamahalaan ay maaaring maglungsad ng mga tuntunin at paghahanda sa mga sakuna upang mabawasan ang mga aksidente na puwedeng maganap.

FIRST AID

ANO BA ANG FIRST AID? Kapag marinig ang “first aid” o ang paunang lunas, ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang pag-tulong sa mga taong nangangailangan. Sa madaling salita, ang paunang lunas ay isang pansamantalang pag-gamot o pag-alaga sa mga taong apektado ng anumang sakit katulad ng “injuries”, “cardiac arrest”, at marami pang iba. Nagagamit din ito lalo na sa bahay o sa isang partikular ng lugar kung saan nangyari ang aksidente, sapagkat hindi naman agad-agad mapupuntahan ito ng ambulansya o iba pang gamit pang aksidente. Ang pangunahing layunin ng “First Aid” ay ang pag-tulog sa kapwa, dahil kasama sa “First Aid” ang pag obserba sa biktima upang sa simpleng aksyon, maaari mong mabawasan ng kaunti ang sakit sa apektadong lugar. Tandaang mabuti na ang “First Aid” o pangunahing lunas, hindi nito pinapalitan ang papel ng isang physician, nurse, o iba pang manggagamot (paramedic).

SINTOMAS: Ang pinapakitang sintomas sa paunang lunas, ay una sa lahat, ito ang mga madalas na nagagamit o nararamdaman ng isang tao upang masukat o ma-obserbahan ng mabuti ang kalagayan ng isang tao. Ito ay ang (See, Feel, Hear, and Smell), ang apat na nagpapakita ng sintomas.

FIRST AID ANO BA ANG KAHALAGAHAN NG FIRST AID? Ang isang prompt at epektibong tugon ay maaaring makatulong upang maalis ang sitwasyon at mapaglagdaan ang mga ibubunga nito. Mas malamang na tumugon ang mga tao sa mga hindi inaasahang pangyayari kung sila ay mahusay na sinanay, maayos makibahagi sa regular at makatotohanang pagsasanay, at malinaw na sumang-ayon, naitala, at inpormal na mga plano, pagkilos, at responsibilidad. Para makapaghanda ng mga pasilidad para sa nasabing pangyayari, ang emergency response o krisis sa pagsasanay sa pamamahala ay ibinibigay. Ang pagsasanay ay mahalaga upang matiyak na nauunawaan ng lahat ang gagawin at kailan kikilos upang maiwasan ang iba pang mga panggagambala sa mga operasyon ng negosyo. Ang mga tauhan ay maaaring matakot kung hindi sinanay; sa pagsasanay, sila ay kumilos nang naaayon at bumalik sa trabaho sa lalong madaling panahon. Mas mabuti, lahat ng empleyado sa isang kumpanya ay tatanggap ng kalamidad na pagsasanay upang malaman ang seguridad at kaligtasan ng buhay protokol. Ang mga aksidente ay karaniwan ginagamit sa lahat ng industriya, at ang mga sistema ng "emergency response system" ay dapat suriin sa pakikipagtulungan sa lahat ng emergency service hangga't maaari. Kakaunti ang oras para magplano at walang oras para matuto sa kritikal na pangyayari. Ang pamamaraan sa emergency ay epektibo lamang bilang mga taong nagsasagawa nito nang tama at mabilis. Maaaring alisin ng mga empleyado ang ilan sa misteryo at pangamba ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagpapapraktis ng tugon sa potensyal o aktwal na panganib, na nagpapahintulot sa kanila na tumugon nang mas epektibo sa isang aksidente o kalamidad. Ang pagpapraktis ay nagdaragdag ng kumpiyansa at pagiging pamilyar sa kagamitan at tampok ng cabin. Ang malaman kung ano ang aasahan sa aksidente o kalamidad ay binabawasan ang pagkabalisa kapag ang isang pangyayari ay naganap.

SCENE SIZE-UP AND PRIMARY 1.Check a person Mangyaring alamin muna ang kalagayan ng biktima kung tumutugon ba ito o “responsive”. Maari din gamitin ang ABCDs method.

1.

AIRWAY – Maging sigurado na may daloy ang hangin sa biktima

2. BREATHING – Obserbahan ang paghinga ng biktima nang hindi tatagal ng lima hanggang sampung segundo. 3. CIRCULATION – Obserbahan din mabuti ang pasyente mula’t ulo hanggang sa kanyang paanan. 4.

DISABILITY - Alamin ang “neurological” status ng tao.

2. CALL Kung hindi tumutugon o gumagalaw ang pasyente, maaring tumawag na sa 9-1-1 para humingi ng saklolo o tulong.

3. CARE Subaybayan ang pag-hinga ng pasyente at ang kanyang lebel ng pag-galaw at panghuli ang pag-subaybay sa buong kondisyon ng biktima. Tulungan ang pasyente maging komportable sa kanyang posisyon. Laging sigaraduhin na nakakaranas ang biktima ng maayos na daloy ng hangin. Sigaraduhin na panatag ang loob ng biktima.

SECONDARY Kung ikaw ay sigurado nang ligtas ang biktima, maaari mo nang gawin ang “Secondary Assessment” upang masuri ng mabuti ang kalagayan ng biktima.

1. Ask a SAMPLE question. itanong sa biktima ang SAMPLE question upang masuri ng mabuti S igns and symptoms A llergies M edications P ast medical history L ast oral intake (kinain) E vents leading up to emergency

RECOVERY POSITION

2, Check the vital signs and level of responsiveness Suriin ng mabuti ang biktima. Maaring suriin ang mga "vital signs" ng biktima upang malaman ang "level of responsiveness" nito. Ang paghinga Temperatura

3. Perform an Injury check Suriing mabuti ang mga "injuries" ng biktima na hindi nakita noong isinasagawa ang unang gawain o primary assessment.

CARDIAC ARREST

ANG CPR

SCENARIO: Isang araw, nagtungo ang pamilya ni Berting sa isang restaurant upang ipagdiwang ang ika60 na kaarawan ng kanyang lola. Maligayang nag-uusap at kumakain ang buong pamilya nang bigla na lamang makaramdam ng pananakit ng dibdib si Berting, hanggang sa siya ay nahirapan nang huminga. Ilang saglit pa ay bigla na lamang siyang bumagsak sa kanyang kinauupuan na siya namang ikinabahala ng kanyang mga kasama. Dali-daling humingi ng saklolo ang ina ni Berting habang ang kanyang ama naman ay tumawag sa pinakamalapit na ospital. Mabuti at mayroong isang indibidwal na naroon din sa restaurant ang humingi ng pahintulot upang tingnan ang biktima. Matapos niyang pakiramdaman ang pulso, agad niyang isinagawa ang CPR o ang Cardiopulmonary Resuscitation. Ipinagpatuloy niya ito nang ilang minuto hanggang sa dumating na ang ambulansya na magdadala kay Berting sa pinakamalapit na ospital. Nang ligtas na maisakay si Berting sa ambulansya patungo sa ospital, nagpasalamat ang pamilya sa ginawang pag-tulong indibidwal.

4CS (Check, Call, Cover, and Composes)

1

2

“Activating the Emergency Medical Service (EMS) System” kailangan munang suriin ang biktima at kung ligtas ba ang lugar. Habang sinusuri ang lugar, maaring tapikin ang balikat ng pasyente upang malaman kung ligtas ba ang biktima. Obserbahan mabuti ang pasyente at tignan kung may normal itong paghinga o signs of rhythmic.

3 Dahil nasa pandemya o COVID-19 virus pa rin ang bansa, bago mo isigawa ang CPR o ang Cardiopulmonary Resuscitation, kailangan mo muna takpan ang bibig ng biktima gamit ang malinis na panyo upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Kung hindi pa din ng tutugon ang pasyente, kailangan na tumawag ka sa “911” upang humingi ng tulong.

4 At ang huli, pagkatapos gawin ang mga naunang hakbang, puwede mo nang isagawa ang CPR sa pasyente.

CARDIAC ARREST

PAANO MAG CPR?

PAANO GAWIN ANG CARDIOPULMONARY RESUSCIATION?

1 Hanapin kung anong tamang posisyon ng kamay upang isagawa ang CPR gamit ang isang kamay sa “breastbone” pagkatapos ipatong ang isang kamay sa kabila. Ngunit kailangan ang isang kamay ng mag CPR ay naka “interlock” sa isa.

Kailangan i-posisyon ang sarili. Alamin na kailangan nakaluhod ito malapit sa “upper chest” ng pasyente at i-pwesto ang kamay sa tamang posisyon. Habang ang mga braso at balikat ay nakatuwid.

2

3

Isagawa na ang CPR, diinan ang 'pump' na may hindi’t kumulang 100-120 compression kada minuto. Bigyan ng compression habang pinapump ang “sternum” ng pababa na hindi kumulang ng dalawang pulgada. Ang pagpump sa pasyente ay hindi dapat masyadong madiin, kailangang dahan-dahan lamang.

Isagawa lamang ang CPR hanggang magawa ang mga sumusunod na kondisyon. Ito ang STOPS.

CARDIAC ARREST

S T O P S

PAANO MAG CPR?

Spontaneous signs of life (breathing and pulse).

Turn-over to medial professionals (EMS).

Overfatigue / operator is exhausted.

Physician or Doctor assume responsibility.

Scene becomes unsafe.

S

FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINTS

S a nakalipas na dalawang taon, si Pedro ay nag-aya sa kanyang mga kaibigan upang magtipon at maglaro ng “Basketball’ sa kanilang court dahil sa kagustuhan niyang maglaro muli matapos ang dalawang taon ng pandemya. Nang sila'y dumating sa lugar, ang kaibigan ni Pedro na si Juan ay niyaya ang kaniyang kaibigan na magsimulang maglaro na hindi idinadaan sa tamang ehersisyo. At dahil dito, si Aljon, Jose, Adolfo at Kiko ay agad-agad nang naglaro habang si Juan ay isinasagawa pang mag 'warm-up'. Habang masayang naglalaro ang limang magkakaibigan, hindi nila inaasahang magkakaroon ng trahedya sa gitna ng kanilang paglalaro. Si Aljon, sa kanyang pagbagsak galing sa pagtalon upang ipasok ang bola sa ring, hindi niya napansin ang kanyang pagbagsak sa sahig ng court. Siya ay nakaramdam ng sakit sa kanyang kanang pa at dahil sa sakit, siya ay napahiga. Nagresulta sa pangyayaring ito ang pagkabali ng buto o tinatawag na “Fracture”. Nang mapansin at makita ni Jose, agadagad nilang pinuntahan si Aljon. Patuloy na naglaro si Kiko at dahil hindi rin ito nakapag-ehersisyo, siya ay napahinto. Nagresulta naman ang pangyayaring ito sa “Strain”. Napansin din ni Jose ang nangyari kay Kiko kaya agad niya rin itong pinuntahan at tumawag ng tulong sa kanyang mga kaibigan. Habang inaayos at tinutulungan ng magkaibigan ang napinsala, nakita ni Adolfo si Pedro na para bang napatigil sa pag-eehersisyo at bigla itong napaupo dahil sa kanyang binubuhat na “weights”. Agad nitong pinuntahan si Aljon at Kiko at kanilang tinulungan. Nang nadatnan ng magkaibigan si Aljon at Kiko, hindi na nila natiis ang sakit na kanilang nararamdaman. Dahil hindi nadaan ni Jose at Adolfo sa tamang paunang lunas ang paa ni Aljon, nadagdagan ang sakit na nararamdaman nito at kinailangan na siyang dalhin sa ospital.

S

FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINTS

1. FRACTURES

A ng tuluyang pagkasira ng buto ay tinatawag na “Fracture” o “Bali” sa tagalog. Ang nabaling buto ay pwede pang masira sa nasabing sitwasyon, lalo na kung mas malakas ang pwersa sa pagtama sa buto. Karaniwan itong nangyayari sa panahon ng mga pinsala sa palakasan, aksidente sa sasakyan, at pagkahulog.

SENYALES & SINTOMAS Ang sintomas ng “Fracture” na makikita sa senaryo ay ang matinding sakit at ang hirap sa pag galaw ng napinsalang bahagi ng katawan at ito ay ang kanyang paa. Ang ilang sintomas din ng “Fracture” ay malakas na pagdurugo, mga senyales ng pasa, pamamaga, pamumula, at ang kawalan ng kakayahan sa pag galaw ng nasugatang bahagi ng katawan.

HALIMBAWA Ang halimbawa ng “Fracture” ayon sa naibigay na senaryo ay ang maling pagbagsak ni Aljon na nagresulta sa pagkabali ng buto nito. Makikita na maaaring magdulot ng “Fracture” kung hindi isinasagawa ang tamang pag-eehersisyo at makikita na maaaring lumala ang sitwasyon kung hindi agad ito maagapan.

S

FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINTS

2. DISLOCATION

A ng dislokasyon o dislocation ay ang paghihiwalay ng mga buto mula sa kasukasuan o joint. Malaki ang posibilidad na maging masakit ang pinsalang ito para sa isang indibidwal sapagkat pansamantala nitong mababago ang porma ng apektado na kasukasuan. Ang ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon nito ay ang pagkahulog o ang malakas na bangga na kung minsan ay mula sa paglalaro ng sports. Karaniwan itong nangyayari sa mga balikat at daliri ngunit maaari rin sa mga siko, tuhod, at balakang.

SENYALES & SINTOMAS Ang ilan sa mga sintomas ng dislokasyon ay ang pagkawala sa lugar ng napinsala na kasukasuan at ang pamamanhid o panginginig nito, pamamaga o ang pagkakaroon ng kupas na kulay, limitadong kakayahan ng indibidwal na gumalaw, at matinding sakit na nararamdaman.

HALIMBAWA Mula sa nabuong scenario, nabanggit na si Pedro ay napatigil sa kanyang pageehersisyo at napaupo mula sa pagbubuhat niya ng weights. Ang sitwasyon na ito ay posibleng naging sanhi ng dislokasyon sapagkat ang pagbuhat ng mga mabibigat na bagay na lagpas sa kakayahan ng isang indibidwal ay maaaring makapinsala ng kanyang balikat.

S

FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINTS

3. SPRAIN

A ng sprain ay isang uri ng “injury” na nagbibigay ng kaunting pananakit sa katawan. Ito ay ang pag-unat ng “ligaments” sa kasukasuan ng isang tao.

Itong

uri

ng

aksidente

ay

kahit

nakakapagbigay ng kaunting sakit sa katawan ng tao; mabilis naman ito gumaling. Ngunit magiging malubha ang sakit, kung pinabayaan lamang ito at may posibilidad na manatili ang sakit. Ang resulta ay maaring mas humina pa ang katawan ng tao dulot sa nararamdaman na apeksyon. Ngunit, pag malubha ang pinsala, maaring at may posibilidad na mapunta ito sa “Fracture o Dislocation” sa buto ng biktima. Ang kadalasang napipinsala ay ang buol (ankle), tuhod (knee), pulso (wrist), at mga daliri.

SENYALES & SINTOMAS Ang “sprain” ay nagpapakita ng iba’t ibang sintomas depende kung gaano kalala ang apektadong lugar. Ang limang sintomas ng “sprain” ay pananakit, pamamaga, pagkakaroon ng pasa, limitadong pag-galaw ng kasukasuan, at ang panhuli ay pag ang isang apektado ay nakaramdam ng “pop” o tunog sa kanyang kasukasuan.

HALIMBAWA Ang isang halimbawa ng sprain, ayon sa naibigay na senaryo, ay kung saan bumagsak sa lapag ng court si Aljon habang siya’y pababa galing sa pag-pasok ng bola sa ring na kung saan, siya’y napalapag sa sahig. Bigla siyang napa-upo at biglang hinawakan ang kanyang Buol o Ankle dahil naramdaman niya na para bang may tumunog sa parte na iyon. Sa kasalukuyan nakaramdam siya ng malubhang sakit, natiis naman niya ito. Ngunit sa katagalan, hindi na niya nagawang tiisin at siya’y napasigaw na lamang.

S

FIRST AID ON MUSCLE, BONE, AND JOINTS

4. STRAIN

Ang “strain” ay isang pinsala na nakikita kung sagarang ginagamit ang kalamnan ng walang pahinga na maaaring magresulta sa pagka putol nito kung hindi agad maagapan. Karaniwan itong nangyayari sa aksidente at sa sobra o maling paggamit nito.

SENYALES & SINTOMAS Ang sintomas ng strain na makikita sa senaryo ay ang biglang paghinto ni Kiko dahil sa sobra-sobrang paglalaro at walang tamang ehersisyo sa katawan. Ang ilang sintomas din nito ay ang pamamaga ng binti, pamumula, pagkawala ng silbi, at panghihina.

HALIMBAWA Ang halimbawa ng strain na makikita sa nagawang senaryo ay ang biglaang paghinto ni Kiko sa paglalaro. Ang sitwasyong ito ay nagbunga ng pag ka-strain ng kanyang hita dahil sa sobra-sobrang paglalaro at walang tamang ehersisyo sa katawan.

RICE METHOD

Ang first aid instructional manual ay ginagamit upang makapagbigay alam at gabay. Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng agarang lunas sa mga naaksidente o sugatang mga pasyente hanggang sa makakuha ng propesyonal at buong medikal na tulong. Ang layunin nito ay para maiwasan na lumalala ang medikal na mga kondisyon. Ang pangunahing layunin ng pagbibigay ng paunang lunas o first aid ay upang maiwasan ang dagdag na pinsala na maaaring matamo ng isang indibidwal mula sa isang sakuna o karamdaman. Ang mga hakbang na ito ay makakatulong upang mapagaan ang sitwasyon at maibsan ang sakit na nadarama ng naapektuhan na indibidwal hanggang sa oras na siya ay madala sa pagamutan. Matitiyak din nito ang kaligtasan ng indibidwal lalo na kung siya man ay nawalan ng malay. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas ay mahalaga sapagkat ang anumang sakuna o karamdaman ay maaaring mangyari sa kahit anong oras o pagkakataon. Bilang isang indibidwal, dapat ay matuto ang lahat na makapagbigay ng paunang lunas, ito man ay sa isang tahanan, paaralan, trabaho, o pampublikong lugar. Dapat na tandaan na dahil dito, maaaring maisalba ang buhay ng isang naapektuhan na indibidwal mula sa hindi inaasahang pangyayari.

KULANG PA 'TO?

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

RIGHT ANKLE SPRAIN STEP 1: REST – Kung ang kasukasuan ng iyong paa ay nabigla, hanggat maaari ay ipahinga kaagad ang apektadong lugar. Sinasabi ng mga doktor na dapat mong iwasan ang paglalagay ng timbang o masyadong paggamit sa napinsalang lugar sa loob ng 24 hanggang 48 na oras.

STEP 2: ICE – Upang mabawasan ang pananakit at pamamaga sa unang 48 oras pagkatapos ng pinsala, 20 minutong lagyan ng yelo ang lugar kada apat na oras, gamit ang isang “ice pack”.

STEP 3: COMPRESSION – Gamit ang isang benda, balutin ang lugar upang makatulong na mabawasan ang pamamaga (maaari mong gamitin ang SPICA). Ang balot ay dapat na masikip, ngunit siguraduhing mayroon tamang sirkulasyon. Ang ilang mga palatandaan na ang benda ay masyadong masikip ay kinabibilangan ng pamamanhid, pangingilig, paglala ng pananakit, o pamamaga. Kung nararamdaman mo na hindi man lang naiibsan ang pamamaga, maaari ka na komunsulta sa isang doctor.

STEP 4: ELEVATION - Itaas ang napinsalang bahagi ng katawan sa itaas ng antas ng puso upang ito ay makapagpapalayo ng mga likido mula sa napinsalang bahagi. Ang halimbawa nito ay pagpatong ng napinsalang paa sa unan.

Paraan ng pagbabalot gamit ang SPICA:

STEP 1: Hawakan ang bukung-bukong sa halos 90-degree na anggulo. Magsimula kung saan nakakatugon ang iyong mga daliri sa katawan ng paa. Ibalot ang benda sa paligid ng paa nang isang beses, panatilihin itong medyo mahigpit na may mahinang paghila.

STEP 2: Pagkatapos nito, dahan-dahang simulan ang pag-ikot sa paligid ng arko ng paa. Hilahin ang benda nang pahilis mula sa ibaba ng mga daliri sa itaas ng paa at bilugan ito sa bukung-bukong. Ngayon dalhin ang benda nang pahilis sa tuktok ng paa at sa ilalim ng arko sa isang “figure-eight pattern”.

STEP 3: Dapat matakpan ng benda ang buong paa at magtatapos ng mga pitong sentimetro sa itaas ng bukung-bukong.

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

ELBOW FRACTURE STEP 1: Hilingin sa biktima na suportahan ang kaniyang braso gamit ang kabilang kamay. Dahan-dahang ipadausdos ang triangular bandage sa ilalim ng braso. Ang punto ng tatsulok ay dapat nasa ilalim ng siko ng naapektuhang braso. Dalhin ang tuktok na dulo ng bendahe sa likod ng leeg.

STEP 2: Tiklupin ang ibabang dulo ng benda sa ibabaw ng bisig upang matugunan ang tuktok ng benda sa balikat ng napinsalang bahagi.

STEP 3: Itali ang dalawang dulo ng benda sa isang reef knot sa itaas ng collar bone at isuksok ang mga libreng dulo.

STEP 4: Ayusin ang sling upang masuportahan nito ang braso ng biktima hanggang sa dulo ng kanilang maliit na daliri.

STEP 5: Siguraduhin na ang gilid ng benda sa bandang siko ay maayos sa pamamagitan ng pag-ikot sa tela at pag-ipit nito, o paggamit ng safety pin upang ikabit.

STEP 6: Suriin ang sirkulasyon sa mga daliri tuwing 10 minuto. Pindutin ang kuko sa loob ng 5 segundo hanggang sa mamutla ito, pagkatapos ay bitawan upang makita kung bumalik ang kulay sa loob ng dalawang segundo. At kung ang kulay ng kuko ay hindi bumalik sa loob ng dalawang segundo, maaaring mahigpit o mali ang pagkakatali ng benda.

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

WRIST SPRAIN STEP 1: Gamit ang matibay na splint (maaaring gumamit ng karton na may nakapalibot na tuwalya o board), ilapat ito sa ilalim ng palapulsuhan at ang mga kasukasuan na nasa itaas at ibaba ng napinsalang bahagi.

STEP 2: Itali ang ilang nakatiklop na triangular na benda o tela sa itaas at ibaba palapulsuhan. Magsisilbi itong suporta sa naunang hakbang.

STEP 3: Suportahan ang bisig at pulso gamit ang tela o benda at lagyan ng panali sa paligid ng itaas na braso at dibdib. Iwanang walang takip ang mga daliri.

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

RIGHT LEG FRACTURE

STEP 1: Suportahan ang kanang binti ng katawan sa itaas at ibaba ng lugar ng pinsala.

STEP 2: Suriin ang pakiramdam at kulay ng binti.

STEP 3: Maglagay ng ilang nakatiklop na triangular na benda o tela sa itaas at ibaba ng binti.

STEP 4: Ilagay ang hindi nasaktan na binti sa tabi ng naapektuhan na bahagi ng katawan.

STEP 5: Itali ang triangular na benda o tela ng maayos at hindi gaanong kasikipan.

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

LEFT LEG STRAIN

STEP 1: Suportahan ang kaliwang bintisa itaas at ibaba ng lugar ng pinsala.

STEP 2: Suriin ang pakiramdam at kulay ng binti.

STEP 3: Maglagay ng ilang nakatiklop na triangular na benda o tela sa itaas at ibaba ng binti.

STEP 4: Dahan-dahang balutin ng isang malambot na bagay (isang nakatiklop na kumot o tuwalya) ang napinsalang bahagi.

STEP 5: Itali ang triangular na benda o tela ng maayos at hindi gaanong kasikipan.

STEP 6: Tignan mabuti ang pagkakatali at pakiramdaman ang nasaktang bahagi ng katawan.

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

KNEE DISLOCATION

STEP 1: Kumuha kaagad ng tulong medikal.

STEP 2: Gamit ang matibay na splint (maaaring gumamit ng dalawang walis tambo o mahabang stick), ilapat ito sa magkabilang gilid ng naapektuhang tuhod.

STEP 3: Itali ang ilang nakatiklop na triangular na benda o tela sa magkabilang gilid ng tuhod. Magsisilbi itong suporta sa naunang hakbang.

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

FOREARM FRACTURE

STEP 1: Ihanda ang gagamitin na tela o benda.

STEP 2: Dahan-dahang ilapat ang tela o benda sa balat ng pasyente habang nililimita ang paggalaw ng bahagi.

STEP 3: Tandaan na suriin ang sirkulasyon at pandama pagkatapos ng nasabing pamamaraan.

Demonstration of the first aid procedure and using the appropriate bandaging and splinting technique on treating the following muscle, bone, and joint injury

SHOULDER DISLOCATION

STEP 1: Suriin ang sirkulasyon at pandama ng biktima.

STEP 2: Kumuha ng dalawang triangle bandage o tela at ito’y itali sa paraaang square knot.

STEP 3: Ilagay ito sa nakatuping kumot at rolyuhin ang nataling benda o tela.

STEP 4: Dalhin ang kumot sa ilalim ng braso at itali ang nakalawit na benda o tela sa kabilang balikat.

STEP 5: Ang braso ay kailangang nakapatong sa kumot at gagamit ng swath paikot sa braso upang mapanatili na hindi ito magalaw.

REFERENCES

Brazier, Y., Castiello, L., & Morrison, W. (n.d.). Fractures: Types, causes, symptoms, and treatment. Medical News Today. https://www.medicalnewstoday.com/articles/173312#types First Aid Course and its importance in our daily life. (2012, September 17). Redding CPR and First Aid. https://reddingcpr.wordpress.com/2012/09/17/first-aid-course-and-its-importance-inour-daily-life/ Fracture. (n.d.). MedlinePlus. https://medlineplus.gov/fractures.html How to Use the R.I.C.E Method for Treating Injuries. (2014, August 27). UPMC Health Beat. https://share.upmc.com/2014/08/rice-method-for-treating-injury/? fbclid=IwAR3IYKtsPBs2NsEF-pnJ1xYoRsstg6TRZ7w5BkuUSJLfm81Ze7dbvn0Ba6c Importance of First Aid in Our Daily Life. (2022, January 27). USCPROnline. https://www.uscpronline.com/blog/importance-of-first-aid-in-our-daily-life/ Joint Dislocation - Symptoms and Causes. (n.d.). Penn Medicine. https://www.pennmedicine.org/for-patients-and-visitors/patient-information/conditionstreated-a-to-z/dislocation Muscle strains - Symptoms and causes. (2020, September 1). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/muscle-strains/symptomscauses/syc-20450507 Rausch, M. & Zachry, B. (n.d.). Initial Management of Skeletal and Soft Tissue Injuries. SlidePlayer. https://slideplayer.com/slide/3807620/?fbclid=IwAR1_l5uz0NQaFIQoQ7wwCK56q_OQsahP51LhD4j3sAqQJ1t-cAyhxjhgfE Risk Reduction Through Community Partnerships. (2014). Alberta Emergency Management Agency.https://www.alberta.ca/assets/documents/ma-risk-reduction-through-communitypartnerships.pdf

REFERENCES

Splinting a Shoulder Dislocation fixed position. (2013, December 16). EMS Skills Video. https://youtu.be/KqeKHO1bDqs Sprains - Symptoms and causes. (2020, September 25). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sprains/symptoms-causes/syc-20377938 Strains. (2021, May 3). MedlinePlus. https://medlineplus.gov/ency/article/000042.htm Thomas, L. (2021, March). How to make an arm sling. St John Ambulance. https://www.sja.org.uk/get-advice/first-aid-advice/how-to/how-to-make-an-arm-sling/? fbclid=IwAR09rYxBralfI8FUUWLvxmxcuj7-LRO-42_Py05Dc0-EtP0VjFfWTX5ycp8 Tieperman, J. (2022, August 8). How to Apply Splints. wikiHow. https://www.wikihow.com/ApplySplints?fbclid=IwAR0MZ54TXaQfTeMBxDIHGjNnTfJKQBPwdW_K1TKEtPjbsqlyCjUIPZgzpBI Why Is It Important To Practice Emergency Procedures? (2022, February 2). Health &Safety. https://www.hseblog.com/why-is-it-important-to-practice-emergencyprocedures/#:~:text=The%20importance%20of%practicing%20emergency%20precedures%20 are%3A%201

ACADEMIC YEAR 2022-2023

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.