ENRIQUEZ TRISHA MAE A BSBM 1-1 AKTIBITI 3 Flipbook PDF

ENRIQUEZ TRISHA MAE A BSBM 1-1 AKTIBITI 3

40 downloads 117 Views 208KB Size

Story Transcript

ENRIQUEZ TRISHA MAE A. BSBM 1-1 AKTIBITI #3

Nalalapit na ang eleksyon ngayong taon, mahalaga ang pagiging wais sa pagboto na ating magiging pinuno sa bansa. Ang pagpili ng nararapat at mabuting pinuno sa isang bansa ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa kung paano magiging maayos at payapa. Ang isang mabisang pinuno para sa bansa ay marunong magplano ng pagkilos para sa ikabubuti ng kanyang mga nasasakupan at marunong ng agarang paglutas ng mga problema na kinakaharap ng bansa upang mag-udyok ng pagbabago para sa isang samahan o industriya. Bakit nga ba mahalaga ang pagpili ng mabuting pinuno? Ayon kay (Ki, 2020) Ang isang mabuting pinuno ay hindi lamang taong nag-uutos kung ano ang gagawin, kundi marunong ring mamuno sa pamamagitan ng pag gawa para sa kanyang mga sinasakupan. Ang isang mabuting pinuno ay nakapag bibigay ng gabay para sa ikabubuti ng kanilang mga tauhan. Sila rin ay nagiging “role model” para sa karamihan. Kung anong mga mabuting asal ang ginagawa ng isang lider, sinusunod rin ng mga tauhan niya. Pero, kung wala itong may ipinapakitang magandang asal, gayun rin ang kanyang mga sinasakop. Ang mga batas at layunin sa isang lipunan ay ginawa para mabigyan tayo ng mapayapang pamumuhay. Kung walang magandang pinuno para ipatupad ang mga batas na ito sa isang positibo at makataong paraan. Ayon sa isang artikulo galing sa Careertrends, ang isang organisasyon, kahit ano kalakai, ay sumasalamin sa mga personalidad ng kanilang mga pinuno. Kaya, naman kailangan ng mabuting pinuno upang maging mabuti rin ang isang organisasyon Ang pagpili ng mahusay na pinuno ay tungo sa pagunlad ng ating bansa kaya’t sa darating na eleksyon tayo ay maging wais. Ang isang lider na may mabuting halimbawa ipagmamalaki ng kanyang tagasunod at kamanggagawa

REFERENCE: https://philnews.ph/2020/09/24/kahalagahan-ng-mabuting-pinunopaliwanag-at-halimbawa-nito/

Get in touch

Social

© Copyright 2013 - 2024 MYDOKUMENT.COM - All rights reserved.